Kabanata 29

21 5 0
                                    

Kabanata 29


ITINUTOK ko ang matalim na bahagi ng gunting sa aking palapulsuhan. Napahinga ako nang malalim kasabay non ang katotohanang ibig ko nang magpahinga habang buhay. Wala ng ibang tutulong sa'kin kundi ang aking sarili, puro na lamang sawi at kapighatian ang naidudulot sa akin ng mundo.

Patuloy ang pag-agos ng aking luha sa aking mga mata, halos manlabo na ang aking paningin dahil sa luhang nagbabadya. Napapikit ako ng aking mata at dahan-dahan idiniin ang talim ng gunting sa aking palapulsuhan. Buo na ang aking desisyon wawakasan ko na ang aking buhay. Pikit mata kong idiniin ang talim ng gunting.

Ngunit napamulat ako ng aking mata nang makarinig ako ng katok sa aking pintuan, umiling ako at pilit na binabalik muli ang atensiyon ko sa gunting. Subalit nagitla ako nang may sapiliting nagbukas nito at gulat na napatingin sa akin.

Agad itong lumapit sa aking kinalalagyan at kinuha ang gunting na nasa aking kamay, itinapon niya ito sa kung saan. Gulat at nagtataka ang mga mata nitong iginawad sa akin, marahil ay nagtatanong ito kung bakit ko ito ginagawa sa aking sarili.

Bumuhos muli ang aking luha at idinukdok ko ang aking mukha sa aking tuhod. Naramdaman ko ang paghawak nito sa aking balikat. Napahinga ito nang malalim.

"Ano ang iyong ginagawa? ikaw ba'y tuluyan nang nawala sa katinuan?!" halos manliit ako sa mababang tono at kalmadong tinig ni Ginoong Lazaro.

"Wala kang karapatan na wakasan ang iyong buhay" wika muli nito. Tulad kanina'y nanatili lamang akong tahimik at hinahayaan ang aking mga hikbing tumugon sa mga sinasambit niya.

"Hindi ko nais na tuluyan akong.....mawalan... ng kapatid" inangat ko ang aking ulo dahil sa kaniyang sinambit, tinitigan ko ito sa kaniyang mata habang pinoproseso ko sa aking isipan ang kaniyang katagang sinambit.

Tuluyan ko nang napigilan ang pagtulo ng aking luha, nagtatanong ang aking mga matang nakatingin kay Ginoong Lazaro. Ano ang ibig nitong sabihin.

Tumayo ito sa aking harapan at sinarado niya ang pinto ng aking silid. Taka akong pinagmamasdan siya sa kaniyang mga ginagawa. Umupo ito sa lapag at isinandal din nito ang kaniyang likod sa aking katre. Inilapag niya ang lampara sa aming harapan.

Sa mga panahon ngayon ay dapat ako'y kabahan dahil isang kapangahasan ang ginagawa ni Ginoong Lazaro, dahil kapwa kami nasa iisang silid. Ngunit mabilisan ko itong iwinaksi dahil mas nangingibabaw sa akin ngayon ang pagtataka at sabik na malaman ang katotohanan.

"Hindi ko batid kung paano ko sasabihin saiyo ang mga bagay na ito" panimula nito, nakatitig  ang tingin nito sa lampara.

"Ang totoo'y matagal ko nang narinig ang bagay na iyon kina ama't ina" tahimik lamang ako habang nakatingin sa kaniya. Tuluyan nang na naisantabi ang aking mga luha at namamayani na ngayon ang kasabikan na malaman ang mga kasagutan.

"Narinig ko sila sa kanilang silid, sila'y hindi magkaintindihan at puno ng galit ang tinig ni Ina hanggang sa...." Putol nito at tumingin sa aking mga mata.

"Hanggang sa nabanggit ni Ina ang tungkol saiyo. Na tayo'y magkapatid.... sa ama" wika nito, tila ba namanhid ang aking bibig wala akong salitang maisumbat sa kaniya. Puno ng katanungan ang aking mga mata at pilit kong pinagninilay ang mga sinambit nito sa akin.

"Kung ako'y hindi mo ibig paniwalaan ako'y wala nang magagawa... Matagal ko nang narinig ito sa kanila at gabi-gabing bumabagabag ito sa aking isipan... Hindi ko alam ang tamang panahon upang sabihin saiyo ito" sinseridad na sambit nito.

Napaiwas ako ng tingin at pinagmasdan ang lampara. Hindi ko alam kung aking paniniwalaan ang mga sinambit sa akin ni Ginoong Lazaro, naglalaro sa aking isipan na  malaman pa ang lahat ng katotohanan kung kami'y magkapatid sa ama, ibig sabihin hindi ko tunay na ama ang tinuturing kong itay ngayon.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon