Kabanata 17

22 5 0
                                    

Kabanata 17

ELIANA

KULAY asul at maaliwalas ang kalangitan, malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Ang nagliliparang mga ibon sa himpapawid ay ang pumupuna sa mga nagliliparan kong isip.

Napaupo ako sa malinis na damuhan sa likurang bahagi ng taniman ng mga rosas. Sa likurang bahagi ng taniman ay may maliit na sapa roon. Magkahalong kulay asul at berde ang tubig. Napatingin ako sa hawak kong liham na sana'y ibibigay ko kay Ginoong  Samuel. Ngunit malabo ko nang maibigay ito dahil nakatakda na itong ikasal kay Binibining Miranda.

Kumikirot ang aking damdamin sa tuwing naalala ko ang mga pangyayari kanina. Hinihiling ko na sana'y isa na lamang panaginip  iyon o kaya'y hindi ko na lamang nasaksihan ang sitwasyon na iyon

Malalim na hininga ang aking binitawan habang nakatitig sa liham.  Tapos na ang naganap na salo-salo kanina sa tahanan ng Villaflores bago ko napagdesisyunang magtungo rito upang isuplong ang mga hinaing nararamdaman ng aking puso.  Ang sakit lang isipin na hindi man lang ako nagawang lingunin ni Binibining Solana bago ito umalis. Nais kong magpaliwanag sa kaniya ngunit tila ba hindi pa bukas ang kaniyang mga tainga na marinig ang aking paliwanag.

Pinikit ko ang aking mata at bahagyang tumingala. Nararamdaman ko mula sa aking mukha ang init ng araw at ang mahinang bugso ng lamig ng hangin.

"Senyor Samuel kayo ho'y akin na lamang hihintayin sa kalesa" napadilat ako ng aking mata at agaran akong tumayo at pinagpag ang aking saya nang marinig ko ang tinig na iyon. Hanggat maaari'y pilit ko nang iiwasan si Ginoong Samuel bilang respeto sa kanila ni Binibining Miranda.

Wala ako sa wisyong tumayo at yumuko habang malalaking hakbang ang aking ginawa. Nakakatatlong hakbang pa lamang ako nang dumampi ang katawan ko sa isang may katigasang bagay dahilan nang pagkaatras ko at pagkahulog ng liham. Umupo ako upang kunin ito ngunit bago ko pa man mapulot ito ay may nakakuha na nito.


Si Ginoong Samuel.

Pinagmasdan niya ang liham na nasa kaniyang kamay at napatingin din ito sa akin. Napaatras ako at ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon. "Maaari ko na ho bang makuha ang liham Ginoong Samuel?" mahina kong sambit at inaasahang tutugunin ang aking pakiusap. Nanatiling nakapako ang aking tingin sa nagliliparang tuyong talutot ng rosas.

Ilang minuto na ang lumipas at wala akong narinig na sagot mula sa kaniya, dahan-dahan akong sumulyap sa kaniya  at nagtama  ang aming mga mata. Walang emosyong  dala ang kaniyang mata hindi niya na rin  nagagawang  ipikit ang kaniyang mga mata. Pinutol ko ang koneksiyon ng aming mata at bahagyang yumuko.

Hindi kona kaya pa na siya'y  titigan  sapagkat nangangamba ako na mahirapan akong lisanin ang pagtingin ko sa kaniya. Hinakbang ko na ang paa ko paalis sa harapan niya ngunit napatigil muli ako nang marinig ko ang tinig niya.

"Binibining Eliana, Sandali!" Nanatiling nakatalikod ako sa kaniya at naramdaman ko ang mga yapak niya palapit sa'kin. "Sa tingin ko'y Ginoong Samuel kailangan ko nang dumistansiya sa iyo sapagkat nakatakda ka nang ikasal kay Binibining Miranda. Alam kong may bahid ng kirot na nararamdaman ang aking puso ngunit wala akong karapatan upang magdusa nang lubusan. Sapagkat hindi ko pagmamay-ari ang iyong puso" mariin kong sambit at hindi ko na napigilan pa ang ang pagpatak ng aking luha.

Patakbo kong nilisan ang lugar at hindi ko na nagawa pang lingunin si Ginoong Samuel. Sa pagkakataong iyon ang ginawa kong paglisan ay ang siyang magpapalaya sa aking damdaming unti-unting nasasaktan.


NAPAHINGA ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa mansyon ng Villaflores. Bahagyang umihip ang hangin dahilan nang pakalagas ng mga tuyong dahon ng acasia. May bahid ng kalungkutan akong pumasok sa  loob ng asotea.  Napahinto ako nang makita si Binibining Miranda na palabas din.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now