Kabanata 12

29 5 0
                                    

Kabanata 12
Miranda


HINDI mawala sa aking isipan ang mga katagang sinambit sa akin kanina ni Ate Susmitha batid kong hindi ito nagbibiro kita ko sa kaniyang mga mata ang sensiridad sa mga ito. Ilang ulit na napapatingin sa akin si Eliana dahil sa aking buntong hininga, kasalukuyan kaming nasa kalesa at tinatahak ang maalikabok na daan.

Alam kong ako'y kwekwestyunin niya kung sakali mang tanungin ko sakaniya ang mga bagay na iyon. Sariwa pa rin sa aking isipan ang mga tinuran ni ate Susmitha at hindi ko magawang maiwaksi ito kahit panandalian lamang.


"Ate Susmitha kailan ka pa nakarating?" tanong ko sa kaniya habang hindi mawala ang aking ngiti. "Noong isang araw lamang. Kumusta ka Miranda?" Tanong nito sa akin habang nakangiti dahil sa kaniyang pagkangiti ay sumisingkit ang kaniyang mga mata at namumula nang bahagya ang kaniyang mga pisngi.

"Ayos lamang ako Ate Susmitha, ang aking Kuya wala ka bang balak na siya'y kumustahin?" Sambit ko habang ako'y nakangiti ng pabiro. Bahagya itong natawa. "Batid ko'y ayos lamang siya kaya hindi ko na kailangan pang siya'y kumustahin" sambit nito habang ipinaypay ang kaniyang abaniko.

Si ate Susmitha ay ang dating kasintahan ni Kuya Lazaro. Siya'y gusto nila ama't ina dahil na rin sa pamilya sila ng mga medisina. Noon pa man ay ibig na ni ama na makatagpo ang isa sa amin ni Kuya ng mapapangasawang kumukuha ng kursong medisina sapagkat nais nitong may mag-alaga at may magpanatili sa aming kalusugan.

Ngunit dalawang taon na rin ang nakalipas nang maputol ang relasyon nilang dalawa sapagkat ipinagkasundo noon si ate Susmitha sa isang Senyor sa Europa. Alam kong kapwa nasaktan at luhaan ang puso nila noon lalo na ang aking Kuya.

Bakas sa kaniyang mukha ang pagdadalamhati at pangungulila kay Ate Susmitha halos isang beses na lamang itong kumain at palaging nasa kaniyang silid. Hindi niya rin ibig na may pumanhik sa kaniyang silid ngunit sadyang mapilit sila ama at ina at hangad nila na mapanumbalik ang dating sigla ni Kuya.

Laking pasasalamat naming lahat nang naging mabuti na muli ang pakiramdam nito at kahit papaano ay natutunan na muli nitong ngumiti at hindi na inaalala pa ang sakit ng kahapon na kaniyang dinanas.

"Tila ikaw Miranda ay lumalaking marilag na Binibini" napatingin ako sa kaniya at itinakip ang abanikong hawak ko sa aking kalahating mukha.

"Tila ang saya ng iyong mga mata ay iba ang pinapahiwatig" muli nitong saad. "Ako lamang ay masaya Ate Susmitha sapagkat tayo'y muling nagkita" sambit ko habang mas lumalaki ang ngiti sa aking labi.

Ilang beses na rin napapansin nila Ama at Ina ang aking kakaibang ngiti, ako'y kanilang sinasabihan na nasisiraan na ng bait o kaya'y may Ginoo nang nagpapangiti sa akin. Hindi ko maitatanggi sa aking isipan na si Ginoong Samuel ang nasa likod ng mga ngiti ko, simula nang akin siyang makita ay parang mundo ko'y nasa alapaap na.

"Ang Binibini na iyong kasama ba kanina ay si Eliana?" tanong nito. Ako'y napatango "Tama ka nga ate Susmitha" tugon ko. "Malaki na rin ang kaniyang pinagbago, siya ba ay inyo nang inampon?" tanong muli nito, nakatingin ito sa harapan habang pinagmasdan ang mga taong naglalakad.


"Hindi, siya'y aking personal na soltera" tugon ko. Napalingon ito sa'kin at bahagyang napakunot ang noo nito. Ngunit saglitan lamang ay muli niyang ipinaypay ang hawak nitong abaniko at ngumiti.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now