Kabanata 20

16 5 0
                                    

Kabanata 20

WALA ako sa wisyong umuwi kagabi, matapos akong lisaning mag-isa ni Marcelo ay iyon na rin ang naging hudyat ko para umalis. Nagawa kong magpahatid kay Mang  Juan pabalik sa mansyon ng Villaflores. Masama ang aking pakiramdam ang naging panakip butas ko sa nagawang paglisan.

Nang makauwi ako sa mansyon ay muling bumalik si Mang Juan sa Delos Santos sapagkat na roon pa sila Binibining Miranda at Rosa.

Mataas na ang sikat ng araw at muli na namang sumibol ang panibagong umaga at pag-asa. Katatapos lamang nang umagahan at narito ako ngayon sa aking silid habang pinagmamasdan ang ikalawang liham na ipinabigay ni Ginoong Samuel.

Marahan kong hinawakan ang liham at hindi ko lubos maisip kung bakit pa ako nagagawang padalhan ng liham ni Ginoong Samuel. Matapos kong sayangin ang aking luha kagabi ay maglalahad ito ng isang liham na parang walang nangyari.

Kahit saang parte ng aking isipan ay hindi sumasang-ayon na basahin ang kaniyang liham. Natatakot ako na baka ang nilalaman lamang ng mga ito ay mas lalong magbibigay sa'kin ng kapighatian. Hindi ko iniisip na may lihim na pagtingin sa akin si Ginoong Samuel at kahit pagbaliktarin man ang mundo hindi kami ang para sa isa't-isa.

Itinago ko ang dalawang liham sa kabinet, hindi pa rin humihilom ang sugat nang nakaraan at kahit anong gamot ko rito'y pilit pa rin na sumasakit.

Marahan akong lumabas sa aking silid at nagtungo sa maliit na hardin ng mansyon. Pinagmasdan ko ang mga mirasol na sagana at sariwa ang mga talutot nito.

"Sana'y maging masagana ang iyong talutot habang buhay" bulong ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang isang mirasol.
Umupo ako at hinawakan ang talutot ng mirasol bahagyang basa ito dahil sa hamog kanina.

"Eliana!" Nagulat at napatayo ako agad nang marinig ko ang aking pangalan. Agad na hinanap ng aking mga mata kung saan nangagaling ang tinig na iyon. Napabuntong hininga ako nang makita si Binibining Miranda. Papalapit ito sa akin at halatang masaya ito, kapansin-pansin ang napakatamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Magandang Umaga Binibini" masaya kong bati, ngumiti ito bago tumugon. "Magandang umaga rin Eliana, nais kitang tanungin kung bakit ikaw ay umuwi nang maaga?" Tanong nito.

"Naging masama ho kase ang aking pakiradam at... Nais ko hong magpahinga" tugon ko. Napatango-tango ito at ibinaling ang tingin sa mga halaman. "Kung gayo'y hindi mo nagawang maranasan ang mga masasayang pagdiriwang at kasiglahan kagabi" sambit nito. Bahagyang napakunot ang aking noo ngunit nawala rin ito.

"Nang mga gabing iyon ay nagsagawa ng kasiglahan upang maging masaya ang gabi. Nagawang halikan  ni Ginoong Samuel ang aking kanang kamay.  Ang gabing iyon Eliana ay aking hindi makalilimutan" patuloy nitong sambit.

Akin nang inaasahan na ang gabing iyon ay ang pinakamasaya sa kaniya. Nagawa akong hindi tapunan ng tingin ni Ginoong Samuel at ibinuhos nito ang atensiyon kay Binibining Miranda. Namataan ko rin sila na pumasok sa isang silid.

"Ako'y masaya para saiyo Binibini" tanging nasambit ko habang pilit na inalalabas ang mga ngiti sa aking labi.

"Maraming Salamat Eliana. Ramdam ko ang iyong suporta" wika nito at tinapunan ako nang napakasayang ngiti.

Nararapat lamang na ako'y maging masaya sapagkat kahit anong aking gawin ko ay hindi ako magwawagi. Alam ko sa sarili ko na parang tinutusok ang aking damdamin dahil sa sakit, gusto kong magalit sapagkat bakit ko nagagawang masaktan nang walang sapat na dahilan?

Batid ko na sa una pa lamang ay ako lamang ang nagmamahal. Galit ako sa aking sarili dahil nagagawa kong iyakan ang isang lalaking hindi ako mahal! Galit ako sa aking sarili dahil patuloy akong tinutusok ng kirot na dapat ay hindi ko naman maranasan!

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now