Kabanata 18

19 5 0
                                    

Kabanata 18
ELIANA


MATAAS na ang sikat ng araw nang magising sina Manang Linda at Rosa. Abala sa pagluluto ngayon si Manang Lita habang pinupunasan ko ang bawat kagamitang gagamitin mamaya sa hapag. Sinandya kong umagang gumising upang makatulong ako sa gawaing bahay bago ako umalis. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na binigyan ako nang pahintulot ni Don Alonzo na lumisan ngayong araw.

Nag-aagaw dilim na nang napagpasyahan kona dumulog sa opisina ni Don Alonzo. Nais kong lumiban ng kahit isang araw sapagkat nais kong makasama si Binibining Solana, tulad na rin nang nagawa kong pagsang-ayon ko sakaniya.

May kaunting siwang ng liwanag sa silid-opisina ni Don Alonzo, batid ko'y naroon pa rin ito. Minsan ko lamang makita si Don Alonzo sa labas ng kanilang mansyon mas malaki pa ang porsyento ng pananatili nito sa kaniyang opisina. Siya'y walang posisyon sa pamahalaan ngunit siya'y abala sa pag-aasikaso patungkol sa mga lupaing pinagkatiwala sakaniya nang namayapa nitong Ama.

Nagawang angkinin ito ng mga ibang tao at pilit sinasabi na kanila ang lupaing. Kaya't halos panguba si Don Alonzo na ipagtanggol ang malawak na lupain ng kaniyang ama.

Dalawang magkasunod na katok ang aking ginawa bago ko pinihit ang pinto. Hindi ko na kailangan pang abalahin si Don Alonzo na pagbuksan ako ng pinto kaya't ako na rin ang gumawa ng iyon para sa'kin.

May kadilim na ang silid ni Don Alonzo at tanging ang ilaw na lamang sa lampara sa kaniyang lamesa ang nagbibigay liwanag sa katahimikan ng dilim. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto, nakatalikod ang Don habang may hinahanap ito sakaniyang kabinet.

"Ahh, Magandang Gabi ho Don Alonzo" kinakabahan kong sambit at napapakuyom ang aking kamay dala ng aking kaba. "Ano ang iyong kailangan?" Kalmado ngunit maotoridad na tanong ni Don Alonzo. Kumabog nang malakas ang aking dibdib at iniiwasan ang sarili na huwag pangunahan ng kaba.

"Ah, D-don Alonzo, N-nais ko ho na l-lumiban ng isang araw bukas ng umaga. Sapagkat n-nais ko hong ilibang ang aking sarili" sambit ko at napakagat sa aking labi. Kahit pa man pilit kong iwinwaksi sa aking isipan na huwag mautal ngunit hindi ko kaya.

Napatigil sa paghahalungkat si Don Alonzo at humarap sa akin. "Maupo ka". Kay bilis ng kidlat ako sumunod sa kaniyang utos at agaran naupo. Umupo rin ito sa silya at pinagmasdan muli ang mga papel na nagkalat.

"K-kung hindi po pabor sa inyong kalooban na ako'y lumiban ayos lamang ho" sambit ko at ngumiti nang bahagya. Maya-maya pa ay kumuha ng pluma at  tinta si Don Alonzo at sinimulan ang pagsusulat roon. "Maaari ka nang umalis Eliana" sambit ni Don Alonzo na ikaluwa ng aking mata at ikinabigla ng aking pagkatao.

Napangiti ako nang mapait  at tumango kay Don Alonzo. "Sapagkat binibigyan kita nang pahintulot na ikaw ay lumiban bukas" nawala ang pagtatangis kong nararamdaman nang sabihin iyon ni Don Alonzo. Napangiti ako at makailang beses na yumuko sa kaniya. Bahagyang ngumiti si Don Alonzo habang patuloy ang kaniyang pagsusulat sa pluma.

Naramdaman kong bumulong si Manang Lita sa akin dahilan nang pagtuon ko sakaniya ng pansin. "Aking nakaligtaang sabihin saiyo kahapon Eliana. May pinaparating liham para saiyo si Ginoong Samuel" nanlaki ang mata kong nakatitig kay Manang Lita.

May liham para sa'kin si Ginoong Samuel?

Napakurap ako ng dalawang beses at hindi ko alam kung ano ang aking itutugon. "May namamagitan ba sa inyong dalawa Eliana?" Napakunot ako ng aking noo nang sabihin iyon ni Manang Lita. Agad akong napalayo sakaniya at umiling.

"Wala ho, wala" tanggi ko habang iwanawasiwas ang aking kamay. Napangiti si Manang Lita at itinuon muli ang kaniyang tingin sa kaniyang niluluto.



Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon