Kabanata 28

24 6 0
                                    

Kabanata 28

ABALA ako sa paghuhugas at pagbabalat ng gulay na magiging laman tiyan sa hapunan. Tahimik lamang sa paghihiwa si Rosa, napapansin ko rin na iniiwasan nito ang aking mga titig. Hindi ko siya masisisi sa kaniyang pag-iwas dahil batid kong may nalalaman akong tiyak na kahahantungan nito sa kadiliman.

Ilang sandali ay napatigil kami sa paghihiwa at pagbabalat nang marinig namin ang tinig ni Ginoong Lazaro. "Inyo bang nakita kung saan naroroon ngayon si Miranda?" tanong nito napalingon ako rito at bakas sa kaniya ang pag-aalala sa kaniyang kapatid. Napatingin din ang nagtatanong na mata sa akin ni Ginoong Lazaro. Wari'y umaasa nito masasagot ko ang kaniyang katanungan dahil nasaksihan ako nitong huling kausap ng kaniyang kapatid.

"Wala ba siya Ginoo sa kaniyang silid?" tanong ni Manang Linda. Napabaling ang tingin ni  Ginoong Lazaro kay Manang Linda at umiling. "Wala siya sa kaniyang silid at hindi rin nito nagawang magpaalam kila ama't ina kung saan ito tutungo" tugon nito, napabuntong hininga ako.

Ibinalik ko ang tuon ng aking mata sa pagbabalat. Naawa ako sa aking sarili dahil batid nilang ako ang personal na soltera ni Binibining Miranda ngunit hindi ako makapagbigay impormasyon sa kaniya. Kahit na may bahid ng pagkayamot at panibugho akong nararamdaman kay Binibining Miranda ay hindi ko pa ring maiwasang mag-alala.

"Kailangan ay narito na siya ngayon dahil malapit nang magtakip-silim, wala ba sa inyo ang---"

"Nagpaalam po siya sa akin Ginoo na siya'y tutungo sa inyong taniman ng rosas" napabaling ang tingin namin kay Rosa nang magbigay ito ng impormasyon patungkol kung nasaan si Binibining Miranda. Kalmado lamang si Rosa habang nagsasalita at sandaling sumulyap sa akin bago nagpatuloy sa paghihiwa.

Narinig ko ang pagtikhim ni Ginoong Lazaro. "Kung gayo'y maaari mo ba akong samahan doon?" tanong muli ng Ginoo. Napaangat ang tingin ni Rosa sa Ginoo at mabilisang itong tumango. Tumayo na ito iniayos ang suot nitong baro't saya ngunit natigilan ito sa pag-aayos at takang napatingin sa akin.

Tinignan ko si Rosa na may pagtataka napabaling ako sa aking likuran at agad na nagtama ang tingin namin ni Ginoong Lazaro.

"Eliana" saad nito. Napatikhim ako at napatingin kay Rosa na ngayon ay dahan-dahan nang umupo at hindi malaman ang kaniyag gagawin dahil sa kahihiyan. Napatingin ako kay Manang Linda na abala sa pagluluto, napatingin ito sa akin at tumango.

Napabaling ako kay Ginoong Lazaro na nagsimula na sa paglalakad. Patakbo ko itong sinundan at kasabay non ang pag-aayos ko sa aking sarili. Huminto ito sa kalesang aming sasakyan at inilalayan ako ni Mang Tony na umakyat doon. Si Mang Tony ay ang isang kutsero sa Villaflores at malapit sa kaniya si Ginoong Lazaro.

Pagkasakay ko ay agad na pumanhik si Ginoong Lazaro at ibinababa nito ang salakot na kaniyang suot. Tahimik lamang ako habang binabaybay namin ang daan patungo sa taniman ng rosas. Nagdadalawang isip ako kung tatanungin ko sa kaniya ang tungkol sa mga talinhagang sinambit nito sa akin kanina.

Hindi ko mawari ngunit sa tingin ko'y ang kaniyang sinambit ay may kinalaman sa akin.

"Aking napapansin na mailap kayo sa isa't isa ng aking kapatid. Kayo bay may hidwaan?" Pagbasag nito sa katahimikan. Napatingin ako sa kaniya at nakatuon lamang ang tingin nito sa harapan.

"W-wala naman ho kaming hidwaan Ginoo" tugon ko. Napakagat ako sa aking labi, sa tingin ko'y tama nga ang mga sinambit sa akin ni Binibining Miranda na madali lamang akong basahin dahil nagawang basahin sa akin ni Ginoong Lazaro ang malimit naming pag-uusap ni Binibining Miranda.

"Ako'y nahihiwagaan kung bakit ka lumuluha kanina" saad muli nito. Napabaling muli ang tingin ko sa kaniya at hindi ko malaman kung ano ang aking dapat maramdaman. "Ako rin po'y nahihiwagaan dahil sa mga katagang binitawan niyo kanina sa akin" saad ko.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now