Chapter 2

318 16 6
                                    

Nathalie's POV

"I'm Nathalie Dionne Crawford, nice to meet you too."

Ngumiti ako sa kanila, nagulat pa ako nang tumalon-talon silang tatlo.

"May group of friends na tayo!" tili ni Hope? Yes Hope.

Nagulat ako nang hilahin ako ng dalawa sa tig-isa kong kamay at si Amethyst naman ay tinutulak ako sa aking likod. Nasa hallway na kami at pinagtitinginan ng mga tao. Napailing ako nang sa Cafeteria pala ang punta namin. Hila-hila at tulak pa rin nila ako papasok.

Umupo kami sa apat na upuan at nakaharap silang tatlo sa'kin. Ngumiti ako na nauwi sa ngiwi dahil sa mga ngiti nilang parang may itatanong.

"Okay, so alam na natin ang mga pangalan natin…" Amethyst said and looked at Hope.

Hope smiled at me. "Let's get to know each other!"

Napakunot naman ang noo ko at napakamot sa aking batok.

"H-How?" medyo nauutal kong sabi.

Ngayon lang ako makakaranas na magkaroon ng group of friends. Tinagurian na ata akong lonely girl of the school dito. Hindi ako mahilig makipag-kaibigan but madali naman akong i-approach.

Napatingin kami kay Luisa nang tumawa siya.

"You don't need to be shy, ganito magtatanungan tayo about sa sarili natin but not the private things, gets?" Luisa explained and we just nodded.

"But before we start knowing each other, can we eat muna?" tatawa-tawa kong sabi.

They laughed at my shyness at tumango. Hope volunteer to order our lunch kaya sinabi na namin ang order namin. Pumunta na si Hope sa counter kaya nagkuwentuhan muna kami nila Amethyst and Luisa. But I guess, Q and A.

"Mabuti na lang at pinansin mo kami," Luisa said while pouting.

Nahihiya akong napakamot sa batok dahil sa sinabi niya.

"Yeah, we thought na hindi mo kami papansinin kanina," Amethyst said while playing with her hair.

Ngumiti ako at napailing. "I want to be alone kasi, but easy to approach naman ako."

Napangiti silang dalawa. Napatingin ako kay Luisa nang maglabas siya ng notebook at ballpen. Lumapit kami sa kanya at napangiwi kaming dalawa ni Amethyst dahil sa sinulat niya. Nakasulat ang pangalan naming apat at sa taas 'non ay naka-lagay "BITCHES".

"Why Bitches?"

Napatingin kami kay Hope na nakasilip din pala at may dalang isang tray. May tatlong babae na nagbubuhat ng tray namin kaya agad namin itong kinuha at pinasalamatan. Umupo na kami at tumingin kay Luisa.

"Why Bitches? Here!" sabi pa ni Luisa at may inabot sa'min na puting bracelet. Tag-iisa kami at napangiwi kaming tatlo dahil sa naka-lagay na pangalan.

"Bobo?"

"Bobita?"

"Bitch?"

Sabay-sabay naming tanong kay Luisa. Ngingiti-ngiti pang hinarap sa'min ni Luisa ang bracelet niya at napailing na lang ako nang makita ang naka-lagay sa kanya.

"And I'm Bitchesa!" Tuwang-tuwa pa.

Sinuot na namin ang binigay niyang bracelet at nagsimula nang kumain. Nakatingin ako sa bracelet at napa-tawa nang mahina. Hindi naman ako nao-offend, ang cute ng bracelet.

"Ready ka ata, Luisa?" Hope asked while shaking her head.

Tumingin sa'kin si Luisa at ngumiti. "Kasi diba? Noong nakaraan pa nating gustong lapitan si Nathalie, kaya naghanda na ako ng bracelet for the four of us!"

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon