Chapter 43

104 7 3
                                    

Nathalie's POV

"W-Walang food sila Zai, Moonie at Ace–"

"We have a stock here baby."

Napalunok ako at umiwas ng tingin. Kanina pa siya nakatitig sa'kin at kung isa lang akong ice cream ay baka natunaw na ako kanina pa dito sa titig niya.

"B-Baka hinahanap na ako–" he cut me.

"I already said to them that you're with me baby," malambing niyang sabi.

Ah, ano pang pwedeng idahilan?

Agad akong lumayo nang lumapit siya sa'kin. Narinig ko ang pagtawa niya nang mahina.

"H-Hindi pa ako naliligo," mahina kong sabi at tumingin sa damit ko.

Tinawanan niya lang ako at agad akong hinapit palapit sa kanya. Niyakap niya ako at sumiksik sa leeg ko.

"Baby, nakaligo ka'na kanina pa, you're using my shirt," tawa niya pa.

Namula ako sa sinabi niya. Tama siya, nakaligo na ako at may nakita nga akong mga damit na pambabae at nang tignan ko iyon ay mga nasa size ko pero pinasuot pa rin niya sa'kin ang damit niya. May panty at short nga na ikinahinga ko nang maluwag kanina.

"K-Kailangan kong mag-banyo," bulong ko at pilit na inaalis ang yakap niya sa'kin.

Tumaas ang ulo niya at natatawang tumingin sa'kin.

"Bibi, this is the 50th time na mag-b-banyo ka."

Napakamot na lang ako. Kanina pa kasi ako sabi nang sabi na iihi ako pero hindi ko alam na binibilang pala niya iyon. Umiiwas kasi ako, umiiwas ako sa kanya. Atsaka nahihiya ako.

"Don't try to escape baby, we're just going to talk," natatawa niyang sabi.

Talk lang? Sigurado ka? 'Yung nababasa ko kasi sa Wattpad–

"You're so green minded Bibi," pang-aasar pa sa'kin ni Hampton.

Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. Bakit ba? Alam ba niya ang iniisip ko?

"We're going to make love when we get married at nakapag-tapos na ng college, I respect your decision Bibi so don't worry okay?" he gently said and niyakap ako.

Napatitig ako sa kanya. Bakit ba ang bait-bait niya? Karapat-dapat ba akong mahalin? Sobra na siya sa pag-aalaga sa'kin, kahit sigawan ay hindi niya nagagawa sa'kin.

"You're spoiling me."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko.

"I love spoiling you Bibi," he whispered.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, dapat ay umiiyak ako sa isang kwarto ngayon dahil wala na si Papa pero ito ako ngayon, pinapangiti ng isang Hampton.

"Now, we're going to talk–" I cut him off.

"Magluluto pa pala akong pagkain nila Ace!" pagdadahilan ko at agad na tumakbo sa kitchen, agad sumunod sa'kin sila Ace, Moonie at Zai.

Pero nang buksan ko ang mga kaldero ay may laman itong chicken na may malunggay, with carrots at gulay na may sabaw. Napaigtad ako nang may isang pares ng braso ang yumakap sa'kin sa likod.

"I already cooked their food and ours, baby," he whispered na ikinakiliti ko.

Wala na akong maidadahilan?

Dinala niya ako sa sala at pinaupo sa malawak na sofa. Hinarap niya ako at hinawakan ang kamay ko. Napapalunok akong nakipagtitigan sa seryoso niyang mga mata.

"But please tell me the truth."

Napakunot ang noo ko. Anong totoo?

"Are you okay baby?" biglaan niyang tanong na ikinatahimik ko.

Napayuko ako at umiling. Agad niya akong niyakap at hinalikan sa ulo.

"D-Dapat nga umiiyak ako ngayon sa kwarto pero nandito ako at p-pinapangiti mo," mahina kong sabi at naramdaman ang luha kong pumatak.

Humigpit ang yakap niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi at pinatingin sa kanya. I closed my eyes when he blew my tears away at hinalikan ang nakapikit kong mata.

"I'll do everything to make you happy baby," bulong niya at hinalikan ang noo ko.

Napangiti ako at niyakap siya nang mahigpit. Niyakap niya ako pabalik at hinaplos-haplos ang buhok ko.

"Thank you Hampton."

Pinaharap niya ako sa kanya at nakakunot ang noo akong tinignan.

"Why are you calling me by my last name? Bibi?" bigla niyang tanong.

Napakamot ako sa noo ko at napatawa nang may pag-aalinlangan. Kasi naman, akala ko talaga ay niloko mo ako kahit na walang tayo.

"W-Wala lang," sabi ko at umiwas ng tingin.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako.

"Say my name."

Lumunok ako. "H-Hampton."

"That's my last name Bibi."

"Hampton."

"Baby."

"Hampton nga."

"Please Alie," pagmamakaawa niya, I bit my lower lip.

"A-Ackley," mahina kong sabi.

Nanlaki ang mata ko nang hinaplos niya ang labi ko gamit ang daliri niya habang nakatingin dito.

"Why does my name sound so perfect when it comes from your lips?"

Ngumiti siya at huminga nang malalim. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos ito.

"I really miss hearing my name from you, I miss your voice, I miss you," mahina niyang sabi at tumingin sa'kin.

Bakit ba lagi na lang akong nakikiliti sa tiyan Ackley? Sa tuwing kasama kita para na akong nasa ligtas na lugar, tuwing yayakapin o kaya hahawakan mo ako parang may kuryente.

"I'm going to explain pala," natatawa niyang sabi at humarap sa'kin.

"Nang malaman nila Acel na uuwi na ako, that's true, uuwi na ako pero na-delay anc flight and hindi ko alam na uunahan ako ng kakambal ko. I don't know kung paano niya nalaman ang tawag ko sa'yo and nang pumunta kayo sa company ay nasa flight pa lang ako noon and what you caught is my twin brother and your cousin."

Nakinig lang ako sa pagpapaliwanag niya at gusto ko na lang sabunutan sarili ko. Mali talaga ako, nasampal, namura at nasigawan ko pa siya. Hindi ko napansin ang mata nilang dalawa, halos magkaparehas din sila ng boses.

Ang tanga mo Nathalie.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa mata ko.

"I can't cheat on you Alie, hindi ko magagawa iyon. Yes we're not in a relationship but I still won't break your heart, you're the only woman who has my heart. You and Mom will be the only woman in my life," seryoso niyang sabi.

Napabuntong hininga ako. "Pero walang tayo A-Ackley, kaya hindi mo ako matatawag na sa'yo–" he cut me.

"Baby, we're going to be in a relationship if you turned to 18 years old na, I'm waiting you and I'm courting you na kaya," nakanguso niyang sabi na ikinatawa ko.

"Hindi ka'ba nagsasawa na ligawan ako?"

Pinisil niya ang ilong ko. "Silly, why would I?"

Hinawakan niya ang necklace na nasa leeg ko at ngumiti.

"Araw-araw, gabi-gabi kitang liligawan Alie."

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon