Chapter 38

122 7 7
                                    

Nathalie's POV

"Ang gwapo ko."

"Ang tunay na pogi, nag-e-english."

Napailing na lang ako sa mga kalokohan nila at nilagay sa lamesa ang mga pagkain. Nandito na kami sa bahay at gustong mag-tiktok ng mga loko. Nang makita ni Amitel ang sarili sa camera kaya nagpa-pogi na.

Umupo ako sa tabi ni Acel at kumain. Tumaas ang kilay ni Gab dahil sa sinabi ni Hope.

"What the fuck? Why are you saying things like that? I'm telling the damn truth!" Natawa na lang kami kay Gab nang mag-english siya.

Inferness, galing-galing.

Umirap si Hope. "Nag-english talaga."

"What are we going to do right now?" Gab asked at kumuha ng popcorn sa lamesa.

Sige, galingan mo ang pag-e-english mo. Napatingin ako kay Amet, Amet ang tawag ko sa kanya hehe, para may nickname na din siya. Nakasuot kasi siya ng crop top at jeans na malaki at ang ganda niya promise!

Nag-p-picture siya ng iba't-ibang pose at bigla na lang umupo habang nakangiting nakatutok sa phone niya nang biglang may mag-notif sa phone namin. Tinignan namin ito, my lips parted a bit when Amet posted it on her Instagram.

One thousand na kaagad ang likes at comments tapos padami nang padami. Tumingin ako sa comment at napatawa na lang nang makita ang mga comments ng Lima.

Luisa_ganda: ANG GANDA MO IDOL!!! TAPAKAN MO AKOOOO!! GRABEEE!

Acelmouse: Post dito, post doon, post everywhere! Kaya san pa kayo? Kay Amethyst na!!💅

HandsomeGab: Your GoUNLI50 has expired. Register again to GoUNLI50 to get unli allnet calls and text.

Hope_Lhouise: Pretty Amet😘

YourZeke: Sino ka dyan? SAAN KA DIYAN?😱 Charis eme. GANDA NG CRUSH KO! CRUSH KO YAAANN!!😍 PAKIBALIBAG AKO PLEASEEE!!!

Natawa na lang ako nang malakas sa mga comments nila. Gagi, ang bilis mag-type ng mga loko. Nag-type kaagad ako ng comment.

NathalieIonC : Ang gandaaaaaa!!❤️

Tumingin ako sa hitsura ni Amethyst na napapailing na lang at pinagbabato kami ng mga unan. Grabe sila, kahit sa social media ang sigla.

"May comment din si Azi!" sigaw ni Gab kaya agad akong tumingin sa comments at nakita nga ang comment niya.

Ackleyzton: That girl on your back is so pretty.

"MAY TAO SA LIKOD KO?!"

Agad kong tinignan ang mga post ni Amet. Zoom at zoom lang ako hanggang sa makita ko nga ang sarili ko na nakaharap sa camera habang nakatingin sa cellphone. Nanlaki ang mata ko dahil doon.

Gagi.

"Ganda naman ng Coconut na 'yan," pagpaparinig ni Acel kaya agad ko siyang binato ng unan.

"Shet, dumada-moves," kumakain na sabi ni Luisa.

Namula na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Pero teka, paano niya nakita 'yon kaagad? Nag-z-zoom siya ng mga pictures? Aba, edi pati picture ng iba nag-z-zoom din siya?

Edi wow.

"Arf! Arf!"

"Meow."

Napatingin ako sa hagdan nang marinig iyon at agad na tumayo nang makita sila Moonie at Zai na tumatakbo papunta sa'kin. Agad tumalon si Moonie sa tuhod ko at natawa na lang dahil hindi pa niya kayang tumalon nang mataas, maliit pa kasi siya at kuting talaga.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon