Chapter 49

104 6 0
                                    

Nathalie's POV

"Tita, alis lang po ako sandali."

Napatingin sa'kin si Tita at lumapit sa'kin. Nagulat ako nang bigyan niya ako ng five hundred.

"Pamasahe mo at baon, mag-iingat ka," paalala ni Tita at kinurot ang pisngi ko.

"Five hundred po? Ang laki po nito–" she cut me.

"Hindi pa nga malaki 'yan eh, sige na. Mag-iingat Nathalie."

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Salamat po Tita."

Akmang lalabas na ako nang hawakan ni Tita ang kamay ko. Nagtataka ko siyang tinignan pero nagulat ako nang may luhang tumulo sa kanyang mata.

"Nathalie please, lumayo ka kay Ackley… ayoko nang magpanggap na tanggap ko siya para sa'yo. Layuan mo siya para sa ikabubuti mo, at sa kaarawan mo… wag kang sasama sa kanila please?" pagmamakaawa ni Tita na ikinagulat ko.

Hindi ko siya kayang layuan.

Umiling ako at napayuko. "T-Tita hindi ko kaya."

Hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos ito. Pinunasan niya ang luha ko.

"Para sa'yo ito Nathalie, sana maintindihan mo," nakangiti niyang sabi at iniwan na ako.

Sino ba talaga ang kailangan kong sundin?

Napahinga ako nang malalim at lumabas na nang makasalubong ko si Tita Lita na masama ang tingin sa'kin.

"Nang dahil sa'yo nagiging miserable na ang buhay namin," galit niyang sabi na ikinatigil ko sa paglalakad.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Hindi mo po sure."

"Aba't–"

Iniwan ko na siyang galit doon at sumakay sa taxi na kaka-daan lang. Pumasok ako sa kotse at nagtatakang tumingin sa driver na naka-sombrero pa.

"Kuya, pwede niyo ba akong dalhin sa gubat malapit sa plaza? Salamat," nagtataka ko pang sabi.

Hindi siya nagsalita kaya napalunok ako at agad hinanda ang phone ko. Nag-dial na ako ng numero ng police station para kung sakali.

Tumingin ako sa labas at pinanood ang mga batang nadaanan namin na masayang naglalaro. Napangiti ako habang nakatingin sa kanila. Hindi ko kasi naranasan ang maglaro sa labas noong bata ako. Hanggang loob lang ng bahay kasama si Maria.

Pero napakunot ang noo ko nang makitang lumiko kami sa hindi ako pamilyar na lugar.

"K-Kuya–" he cut me.

"Sleep well Bezella."

And after that, bigla na lang akong nakaamoy nang hindi ko maipaliwanag na gas at nilamon nang dilim.

Nagising na lang ako at nakita ang sarili sa isang malawak na kwarto. Natataranta akong tumingin sa paligid at napahinto nang makitang may isa akong litrato dito.

Agad akong tumayo at kinuha ito. Napakunot ang noo ko nang makita kung anong hitsura ko dito. Nakaupo sa isang trono at nakaitim na mga damit na parang pang-laban, hindi nakangiti at malamig kung tumingin sa camera.

Ako ba talaga ito?

Tinitigan ko ang mata nito at hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Naluluha na din ako nang hindi alam ang dahilan.

Kamukhang-kamukha ko ang nasa litrato, nanliit ang mata ko nang makitang may hawak siyang baril, teka–

"Yung baril ko!"

Nanlaki ang mata ko at tinitigan nang mabuti ang baril. May marka itong cobra din at katulad na katulad nang akin.

"A-Ako 'to?"

"That's your mother Bezella."

Agad akong napatingin sa malaking pinto ng kwarto kung saan ako dinala. Napalayo ako nang sinubukan niya akong lapitan na ikinatawa niya nang mahina.

"S-Sino ka po?" kinakabahan kong tanong na mas lalo pa niyang ikinangiti.

"Nakuha mo talaga ang bait sa iyong Ama at mukhang nakuha mo ang iyong talino at ganda sa iyong Ina," natatawa niyang sabi.

Ina?

"H-Hindi ko po siya nanay, m-may nanay ako–" she cut me.

"She's not your real mother Bezella."

Hindi ako nakapagsalita. Nagsasabi ba siya ng totoo? Ayokong maniwala dahil alam kong si Mama ang tunay kong Ina.

"Noreen Diana Crawford is not your mother–" I cut her.

"Sino kayo? Patunayan mong totoo ang mga sinasabi mo."

The woman smiled and bowed her head. Nagulat na lang ako nang biglang may mga pumasok na parang maids at hinila ako papaupo sa tapat ng salamin.

"A-Anong–"

Napatingin ako sa babaeng nakangiti habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Hindi na ako nakapagsalita nang madaliin nila akong ayusan. Sa tuwing pipigilan ko sila ay parang wala silang naririnig.

"Perfect!" sigaw ng babae habang nakatingin sa akin.

Naiiyak na ako habang nakatingin sa aking sarili. Nakasuot ako ng dress na itim na katulad na katulad sa litrato na nakita ko. Nang tignan ko ang aking sarili sa salamin ay napakagat ako sa aking sariling labi.

Kamukhang-kamukha ko ang babaeng nasa litrato.

"You're so gorgeous as ever Bezella, like mother like daughter," nakangiting sabi ng babae habang nakatingin sa aking mata.

"G-Gusto ko na pong umalis, please," pagmamakaawa ko na ikina-seryoso niya.

"There's no turning back Bezella, this is your destiny and you have to accept it."

Napabuntong hininga ako. Gulong-gulo ako kung sino ang paniniwalaan. Hindi ko tunay na Ina si Mama? Sino ang babaeng nasa litrato na kamukhang-kamukha ko? Sino sila?

"Prepare yourself to meet them," sabi ng babae at hinila ako palabas.

Kinabahan ako sa sinabi niya. Sinong them? Kinakabahan ako, wala akong alam sa nangyayari. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.

Sumalubong sa'kin ang malawak na hagdan na may pulang carpet at nagsimula akong manginig nang makitang maraming tao ang nakaabang at nakatingin sa'kin. Nakamaskara sila katulad ko pero ako lang ata ang kulay itim ang maskara.

"You have your gun right?"

Tumingin ako sa babae at tumango. Lagi kong dala ang baril na binigay sa'kin ni Papa. Hindi ko ito iniiwan sa kung saan at kahit sa school ay lagi kong dala. Nakalagay sa binti ko at doon itinali ang baril para walang makakita.

"Let's welcome, the daughter of Queen Naisha Isabella Regina Cobra!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig na pangalan. Naisha Isabella Regina Cobra, anak niya ako? At isa siyang Reyna?!

"Bezella Jemisha Reina Cobra!"

Hindi ako nakapagsalita nang marinig ang tunay ko daw na pangalan. Cobra, kaya ba nakatatak sa baril ko ay cobra?

Pinatunog ng mga tao ang kanilang wine glass at nagulat ako nang maglabas sila ng baril at ikasa ito, bigla din silang yumuko.

Pucha.

"Don't worry, ganyan sila gumalang sa mga nakakataas," bulong ng babae sa gilid ko na nakita ata reaksyon ko.

Napalunok ako pero agad napatingin sa katabi ko nang kalabitin niya ako. Seryoso siyang nakatingin sa'kin.

"Don't let them see your weakness, be cold… this is for your safety."

Dahil sa kaba ay huminga ako nang malalim at sumunod na lang sa sinabi niya. Tumitig ako sa mga tao nang malamig at walang emosyon. Hindi ko na alam ang gagawin at sumunod na lang.

Inalalayan niya akong bumaba at muntikan na akong humanga nang makitang may malaking trono sa gitna. Pinapunta ako doon ng babae at pinaupo.

Ganitong-ganito ang pwesto ng babae sa litrato.

"Happy birthday Princess Empire Bezella!"

Hindi ngayon ang birthday ko!

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon