Chapter 29

119 9 4
                                    

Warning: Sexual Harassment and Child Abuse.

Nathalie's POV

Nakangiti ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ni Kuya. Nandito kasi ako sa kwarto ni Kuya dahil nga sabi niya, dito na lang muna ako matutulog hanggang sa makakuha kami ng pagkakataon para makaalis ako dito.

Hindi kasi ako maka-move on sa mga banat sa'kin ni Ackley kanina. Ako naman si marupok, nagpa-cute siya sa harapan ko na lutuan ko daw siya eh sa marupok ako at napapayag niya. Tapos bigla na lang babanat ng kung ano-ano pero kakakilig naman.

"Alam kong hanggang ngayon ay galit ka pa sa'kin, ngunit binibini ko mahal na mahal kita," panggagaya ko sa sinabi sa'kin ni Ackley kanina habang nakangiti at napatakip na lang ng unan sa mukha at tumili doon.

Wala pa si Kuya at mukhang nasa school pa nila. Masyadong busy si Kuya at sa umaga lang ang free time, kaya ako muna ang mag-isa sa kwarto ni Kuya. Nanlaki ang mata ko nang ma-realize kong nakalimutan kong i-lock ang pinto kaya dali-dali akong tumakbo sa pinto at ni-lock ito.

Na-lock ko ito at napasandal na lang sa pintuan. My smile fades when I stare at the bed.

"Subukan mong tumakas, papatayin ko ang Nanay at Tatay mo… idagdag na rin natin ang Kuya-kuyahan mo!"

Napasabunot na lang ako sa buhok at nanginginig na sumigaw.

"Tama na!"

Nanginginig ang labi kong kinagat ito at huminga nang malalim. Mabuti at sound proof itong kwarto ni Kuya kaya malaya akong umiyak at sumigaw.

Kinalma ko ang aking sarili at tumayo. I wiped my tears and was about to go towards the window nang may pumasok na naman sa isip ko.

"Kapag hindi mo pinahawak sa'kin ang katawan mo, ihuhulog kita dito… kita mo 'yang nga tusok na 'yan? Dyan ka mamamatay!"

Tinakpan ko ang tainga ko at sumigaw. Hindi humihinto ang boses na iyon at paulit-ulit na nagsasalita sa tainga ko.

"T-Tama na, Tama na!"

Pagod na akong maranasan ito tuwing gabi, ang sakit sa tainga at ulo sa tuwing maririnig ko ang mga banta niya sa'kin. I ran towards the bed at nagtalukbong doon.

Iniyak ko lahat at sumigaw-sigaw. Paunti-unti nang nawawala ang boses pero ang pananakit ng ulo ko ay nandito pa rin. Ipinikit ko ang aking mata at humihikbi na natulog.

"Ang kinis mo."

Napa-bangon ako at napaiyak na lang nang nasa ibabaw ko na naman siya at hinahawakan ang katawan ko.

"Tulong! Tulo–" Naputol ang sasabihin ko nang suntukin na naman niya ako sa tiyan na ikinapilipit ko sa sakit.

A-Ang sakit, hindi ko na kayang l-lumaban.

"Isa pang ingay mo! Wawasakin na talaga kita!" malakas niyang sigaw at hinawakan ang panga ko.

Napaiyak na lang ako nang halikan niya ako sa leeg.

Lord, sobrang sama ko ba para maranasan ito?

"Thalie may pasalubong ako–Nathalie?!"

Napatigil sa paghahalik sa'kin ang lalaki ni Mama. Nakapikit ako at hindi tumitigil sa pag-iyak. Dumilat ako at tumingin sa mata ni Mama na gulat na nakatingin sa'min.

"M-Ma, tulong–"

"Ang landi mong bata ka!"

Sinugod niya ako at pinagsasabunot, umiyak na lang ako dahil sa sampal at kalmot na binibigay niya sa'kin.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon