Chapter 20

133 8 5
                                    

Nathalie's POV

"Napakawalang kuwenta mong anak!"

"Kasalanan mo lahat kung bakit kami naghiwalay ng tatay mo!"

"B-Bibi, I-I'm so s-sorry."

Kumunot ang noo ko nang bigla akong may narinig na bumubulong sa bandang leeg ko. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at napakurap-kurap dahil malabo. Nang makapag-adjust ay nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa isang malambot na kama at nasa kwarto na kulay grey.

"B-Bibi, sorry na po."

Napatingin ako sa aking gilid at nakita si Ackley na nakayakap sa'kin habang ang kanyang ulo ay nakasiksik sa leeg ko. Basang-basa din ang leeg ko pati na ang manggas ng damit ko. Huminga ako nang malalim at gumalaw paharap sa kanya.

Tumaas ang tingin niya sa'kin at hindi ko maiwasang magulat nang makita ang mamula-mula niyang mata at ilong. May mga luha pang tumutulo sa pisngi niya.

"B-Bibi, bati na tayo?" mahina niyang tanong at sininok-sinok pa.

Pinagdikit niya ang aming noo at kiniskis ang ilong sa'kin.

Umayos ka Nathalie, hindi ka marupok. He shouted at you, minura ka pa! Kaya h'wag mong pansinin hanggang sa magsawa siya kakasuyo sa'yo.

Tama!

Tumikhim ako at tumayo para makalayo sa kanya. Ramdam ko naman ang pagtingin niya sa'kin kaya hinarap ko siya at walang emosyon na tinitigan siya.

"Nasaan tayo?" I asked using my cold voice.

Iniwasan kong yakapin siya at suyuin siya nang may gumuhit sa kanyang mata na sakit at may tumulo sa kanyang mata na luha.

"I-In our house," mahina niyang sabi at tumayo para sana lapitan ako pero agad akong lumapit sa pintuan.

"Gusto ko ng umuwi." Saan ako uuwi?

Hinawakan niya ang kamay ko at sinubukan akong yakapin pero agad akong lumayo. Napabuntong hininga siya nang malalim at bagsak ang balikat na sinamahan ako pababa.

Hindi ako nagpapabebe, takot kasi akong sinisigawan ako, kasi pakiramdam ko ay may kasunod na pananabunot ang palo ang sigaw. Na-trauma na ako dahil kay Mama.

Naabutan namin sa sala nila sila Tita at Tito na nakayakap sa isa't-isa habang nanonood ng movie. Agad nila kaming nakita at pinalapit sa kanila. Nagulat na lang ako nang hilahin ako ni Tita at pinaupo sa tabi niya.

"Dad, she's ignoring me."

I glanced at Ackley na nakanguso habang nagsusumbong sa Papa niya.

Cute! I mean, bahala ka dyan! Hmp.

Tito just chuckled at him at hinila na siya ng Papa niya paakyat. Mag-usap siguro, kaya kami na lang ang naiwan ni Tita dito sa sala.

"Kahapon pa umiiyak 'yan."

Agad akong napatingin kay Tita at napakurap.

"Po?" gulat kong tanong na ikinangiti niya.

"Hindi siya umalis sa tabi mo, kahit kumain ay ayaw niya," nakangiting sabi ni Tita habang nakatingin sa TV.

Nagulat naman ako dahil sa sinabi ni Tita. Hindi talaga siya kumain? Atsaka bakit siya nag-puyat?! At ano? Buong araw ako nahimatay?!

"Sinabihan ko na siyang kumain, pero alam mo na ang sinabi niya?" Tita asked and looked at me while smiling.

Umiling ako at umayos ng upo. Tila bang gustong-gusto kong makinig sa kwento ni Tita tungkol sa ginawa ni Ackley buong mag-damag.

She chuckled. "My Bibi didn't eat yet, kaya hindi ako kakain, babantayan ko siya Mom. You and Dad should eat na." panggagaya ni Tita sa anak niya.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon