Chapter 23

119 7 10
                                    

Trigger warning: Harassment.

Nathalie's POV

Hindi ko alam kung bakit may mga taong nagba-baitan sa harap ng mga tao pero pagtalikod mo ay puro na paninira ang gagawa nila sa'yo. Katulad nitong binabasa kong novel, I used to read novel to escape this painful reality. Hindi ako makabili-bili ng books dahil wala naman akong pambili kaya hanggang apps muna.

Marami na din akong nababasa sa Wattpad and I'm also writing a stories pero hanggang drafts lang kasi minsan na akong nag-sulat pero kung ano-anong masasakit na salita na ang pinagsasabi ni Mama.

I sighed and closed the app, pumunta ako sa gallery at kinuha ang ballpen at notebook ko. Magsisimula na sana akong magsulat nang biglang mag-ring ang phone ko at napangiti na lang nang makitang si Ackley ito.

Pinindot ko ang answer button at bumungad ang gwapo niyang mukha. Gwapo naman talaga siya, sobrang gwapo.

Nakasalamin siya habang ang buhok niya ay magulo, nakasuot din siya ng hoodie na kulay black at ang mas nagpalaki ng ngiti ko ay ang kuting na nasa balikat niya at nakatingin sa camera.

"Kumain ka'na Bibi?" tanong niya habang nilalagay ang kuting sa braso niya.

Tumango ako habang hindi inaalisan ng tingin ang maliit na kuting. Nakatitig din ito sa'kin, natawa ako nang mahina when the kitten tilted her or his head.

"Anong pangalan niya?" I asked while looking at the kitten.

"Her name is Moonie! Say meow baby."

"Meow/ Meow!"

Napatakip kaagad ako sa aking bibig nang sumagot din ako kasabay ni Moonie. Nakalagay sa stand ang phone kaya nakikita ni Ackley ang namumula kong mukha. He smirked at me kaya dali-dali kong tinakpan ng unan ang mukha.

Gago, kahiya! Pusa ka'na Nathalie?! Pusa ka?!

I heard him chuckle. "Nabawasan angas ni Mommy mo Moonie."

Mas lalo lang akong namula dahil sa sinabi ni Ackley at huminga nang malalim. Narinig ko pa ang pag-meow ni Moonie na parang sumasang-ayon sa sinabi ni Ackley.

Huminga ako nang malalim at tinanggal ang unan ko na dapat ay hindi ko ginawa. Kahit video call lang ay parang manlalambot na ako sa mga titig at ngiti niya!

Tumikhim ako at nagkunwaring inaayos ang mga notes ko at ballpen.

"A-Akala ko ba mag-aaral tayo?" Mamuntikan na akong pumikit nang mautal ako.

Nang wala akong marinig na sagot ay tinignan ko siya pero nagulat na lang ako nang makitang kinukuhaan niya ako ng litrato. Hindi ko na talaga alam kung paano pabalikin sa normal ang tibok ng puso ko. Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"I want to watch you, can I?" seryoso niyang tanong.

Napalunok ako dahil sa tanong niya. Just what the heck! Naka-bun lang ang buhok ko at magulo! Nakasando lang din ako at pajama! Nakasalamin din ako para hindi lumabi ang mata ko.

Okay… H'wag kang OA Nathalie.

I smiled at him and nodded. "Sure."

Ngumiti siya nang malaki at nagpahalumbaba, tinitigan na din niya ako kaya hindi ko alam kung anong uunahin kong gawin. Paano ako makakapag-concentrate nito?!

"Just imagine na walang nanonood sa'yo Bibi, para makapag-focus ka pa rin."

I bit my lower lips and nodded. Katulad ng sinabi niya ay hindi ko siya pinansin at nag-focus sa pagbabasa ng notes na naisulat ko noong wala ang professor namin sa room. Hindi kasi ako makakapagsulat dahil wala naman akong laptop.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon