Chapter 51

110 8 11
                                    

Nathalie's POV

Nalaman kong sila Luisa, Hope, Amethyst, Gab, Amitel, Acel at Ackley pala 'yung lumapit sa'kin kanina. Nagpakilala sila noong yakap-yakap ako ni Ackley sa garden.

Hindi ko sila natanong kung bakit sila nandito dahil agad akong kinuha ng lalaking nang-kidnapped sa'kin. Siya pala ang bodyguard ko daw sabi ni Kuya Haze.

"So you're Bezella."

Tumango ako at uminom sa juice. Nakaupo ako sa tabi ni Kuya Haze habang kaharap lahat ng pinsan ko, kamag-anak. Pati na rin sila Ackley at ang bigat ng aura nilang lahat kanina kaya ako na ang pinagtatanungan nila.

"You're the one who will be the next Queen?"

Napatingin ako sa medyo may katandaang lalaki na nasa harapan ko. Sabi ni Kuya Haze, tito ko daw siya at kapatid daw siya ng Mom namin. Parang nainis naman ako dahil sa patanong niya na iyon. 'Yung mukha kasi niya ay parang pinangdidirian na ako sa isip.

He looked at Kuya Haze. "Are you sure about this?"

Kuya Haze raised his eyebrows, tinignan pa niya ang Tito daw namin sa paa pataas sa ulo.

"She's my sister, I'm sure," Kuya Haze said habang nakataas pa rin ang kilay sa Tito daw namin.

May "daw" because hindi pa rin ako naniniwala.

Huminga ako nang malalim nang tumayo siya at tumawa habang nakatingin sa'kin. Dinuro niya ako na ikinasama ng aura ni Kuya Hades, Ackley at ng lalaking bodyguard ko daw.

"You're a woman, ang dapat na humahawak ng ganitong organisasyon ay lalaki hindi babae! Womans are so fucking weak! Just cook and clean the whole mansion, Bezella, I can handle this organization," pang-iinsulto pa niya.

Hindi ko siya pinansin at uminom na lang. Putangina, kanina pa ako nagtitimpi sa'yo loko ka.

"So? Sino nga ulit nag-ire sa'yo? A woman right? Kung talagang mahina ang mga babae, bakit ka na-ire palabas ng nanay mo? Try to say that to your mother and tignan natin kung anong sasabihin or gagawin niya sa'yo. Stupid bobo."

I looked at Ackley nang sabihin niya iyon. Sobrang sama ng aura niya na parang handa nang sumugod.

Tahimik lang ang mga pinsan ko daw habang sila Acel at 'yung anim ay tahimik na nag-c-cheer para kay Ackley.

Sinamaan siya ng tingin ng Tito ko daw at dinuro.

"Shut up if I'm not talking to you," galit na banta niya kay Ackley na tinawanan lang naman ni Ackley.

"Well, Ackley's right. Don't be too obvious, masyado mong pinapakita na natatakot kang malamangan," Kuya Haze said at ngumisi pa bago uminom ng wine.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa hitsura ng Tito daw namin sa sinabi ni Kuya Haze sa kanya. Parang tubig kong ininom ang juice nang masamang tumingin sa'kin ang Tito daw namin at bigla na lang ngumisi.

"Really? Naisha, your mother died because she's weak! Like what others said, like mother like daughter. So, let's expect na mamamatay ka din Bezella–"

Agad akong tumayo at binasag ang wine glass na hawak ko at binato sa kanya ang patulis nito. Nagulat ang lahat dahil sa ginawa ko at hindi nakapagsalita. Habang siya ay nanlalaki ang matang napapalunok habang nakatingin sa ibaba niya.

"Wag mo pong masyadong ipahalata na bobo ka, lahat ng tao namamatay. Mamamatay ka muna bago ako tanga!" malakas kong sigaw at masamang tinitigan siya sa mata.

Wala akong pake kung nabastos ko ang Tito ko daw. Dinamay niya ang nanay ko, kung mamamatay nga ako dapat siya na muna mauna para nakangiti ako habang ililibing.

Gulat pa rin siyang nakatingin sa ibaba niya. Kung saan malapit ang private part niya, doon ko binato dahil sa sobrang galit. Buti na lang at hindi ako marunong bumato at hindi sumakto sa private part niya.

Tumayo si Kuya Haze at agad kinuwelyuhan si Tito daw namin.

"What did you do while our clan was in danger? Mas inuna mo pang iligtas 'yung mga pera kaysa sa mga anak at kamag-anak mo! While Mom did all she could just to protect us! Habang ikaw pera ang iniisip! You asshole, don't even try to hurt my sister or I'll kill you, Tito."

Galit na galit ang mukha ni Kuya Haze habang hawak ang kwelyo ng lalaki. Malalalim ang paghinga ko dahil sa galit nang may humawak sa kamay ko. Tinignan ko ito at nakita si Ackley na hinahaplos ang kamay ko at pinainom akong tubig.

"Dad, let's go. You're just embarrassing yourself," mahinahon na sabi ng babae kong pinsan daw at ngumiti pa sa'kin pato kay Kuya Haze.

Lumapit siya kay Kuya Haze at tinanggal ang kamay nito sa ama niya at hinila na paalis ang ama niya.

"Galing niyo talagang magkapatid!"

Napatingin ako sa mga pinsan daw namin na tuwang-tuwa pa habang pumapalakpak. Padabog na umupo si Kuya Haze at tinungga ang bagong kakabukas na alak.

"Wait, nasaan 'yung isa niyong kapatid–"

"Am I so late?"

Agad kaming napatingin sa lalaking nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makita siya, ngumiti siya sa'kin at nagulat pa ako nang tumakbo siya sa'kin at niyakap ako.

"Long time no see little sis!"

Napakurap-kurap ako at tinignan siya. Hindi ako makapaniwala, ngayon ko na lang ulit siya nakita pagkatapos nang hindi magandang pangyayaring iyon.

"Kuya Josh?" gulat kong tanong.

Ngumiti siya at tumango. "Josh Balthazar Heinrich Cobra."

Ang hahaba ng pangalan.

Hindi agad ako nakapagsalita. Lumapit sa amin si Kuya Haze at agad na sinuntok ni Kuya Haze si Kuya Josh sa braso.

"You're so late dummy," nakakunot ang noong sabi ni Kuya Haze.

"May inasikaso kasi ako," kamot pa ni Kuya Josh.

Napatingin ako sa kamay niya nang may makita akong dugo. Anong ginawa niya? Nasugatan ba siya? Bakit puro dugo ang kamay niya? Pumatay ba siya? Sinong pinatay niya?

Ang daming tanong sa isip ko na ang hirap itanong.

"Saan galing 'yang dugo sa kamay mo?" I asked while staring at his bloody hands.

Nagkatinginan sila ni Kuya Haze at kaagad namang pinunasan ni Kuya Josh ang kamay niya at inakbayan ako.

"It's nothing little sis, we'll explain later. Enjoy muna tayo sa comeback mo," natatawang sabi niya.

Comeback ko?

"Bro, kapatid niya 'yan. Wag ka magselos."

"Shut up."

Tumingin ako ki'la Ackley. Napataas ang kilay ko nang makitang masama ang tingin ni Ackley sa bakay sa'kin ni Kuya Josh. Tumaas ang tingin niya sa'kin at tinaasan ako ng kilay at matalim ang tingin.

"Lagot ka sa'kin mamaya," he mouthed na ikinalaki ng mata ko.

Anong kasalanan ko?!

___

A/n: Can't sleep.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon