Chapter 45

105 8 15
                                    

Nathalie's POV

"Anong kinalaman ng baril sa katotohanan?"

Nang tignan ko itong mabuti ay napansin kong may marka itong parang cobra sa hawakan ng baril at dapat ay matakot ako dahil totoong baril ito pero mas lalo lang akong namangha dahil may markang cobra na nakalabas ang dila.

"NATHALIE!"

Agad kong binulsa ang baril at sinaradong muli ang bakal na kahon. Binulsa ko din ang USB at agad na lumabas. Napatakip ako sa aking bibig nang makitang may mga kalalakihan na may hawak ng baril ang nasa baba.

Agad akong tumakbo pababa at nilapitan sila Tita at Maria na gulat na gulat sa nangyayari.

"A-Anong kailangan niyo?!" sigaw ko kahit nanginginig na.

Nakamaskara silang lahat at hindi makita ang mga mukha nila. Napatingin ako sa baril nila at nanliit ang mata, may markang tigre ang nasa hawakan ng kanilang baril.

Tigre at cobra…

"Get that girl."

"H-Huwag niyo siyang kunin sa'min, nagmamakaawa ako!" sigaw ni Tita.

"We've already warned you, we're going to get her."

Nagulat ako nang bigla nila akong kunin. Sigaw nang sigaw si Tita at pilit akong kinukuha pero sinikmuraan nila si Maria at Tita Christy.

Tangina kayo.

"DON'T TOUCH HER!"

Napatingin ako sa labas at nanlaki ang mata. Agad na humarang ang mga misteryosong kalalakihan at sinugod si Ackley.

"PUTANGINA BITAWAN NIYO SIYA!!"

Tinapakan ko nang madiin ang paa ng dalawang lalaki sa magkabila kong gilid na ikinabitaw nila sa'kin. Napalunok ako at nanginginig na kinuha ang baril at tinapat sa kanila na ikinahinto nila.

Tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa takot.

"A-Alie."

"Bitawan niyo siya!" malakas kong sigaw at nabigla na lang sa sarili nang ipaputok ko ang baril sa itaas na ikina-sigaw nila Tita at Maria.

"She's the girl that we've looking for," sabi ng lalaking nagsabi sa akin na kunin ako.

Hinahanap?

Agad na lumapit sa'kin si Ackley nang mabitawan ko ang baril at pinakalma ako. Nakatingin lang ako sa lalaking nakatitig sa'kin nang walang emosyon.

"We'll be back, don't try to hide because we'll always find you Bezella."

Bezella?

Agad silang umalis habang nakasakay sa itim na van at iniwan akong tulala at gulong-gulo.

"Shh, I'm here," bulong ni Ackley at pinatahan ako.

Agad akong nilapitan ni Tita at Maria habang buhat ako ni Ackley at inupo sa sala. Tinignan pa ni Ackley ang kabuuan ko kung may sugat o wala. At maya-maya pa ay nagulat na lang kami nang may doctor na dumating.

Diba dapat pulis?

Naguguluhan na naman ako. Anong ibig sabihin ng baril na hawak ko at 'yung marka na cobra? Anong laman ng USB? Anong laman ng nasa letter na binigay sa'kin ni Papa? Anong ibig sabihin ng markang tigre na nasa baril nila?

SINO SILA?!

Humarap ako kay Tita at nanginginig na hinawakan ang kamay niyang nanginginig rin.

"T-Tita, kilala mo ba sila?" mautal-utal kong tanong.

Napayuko siya at nagulat ako nang tumango siya.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon