Chapter 60

98 5 4
                                    

Nathalie's POV

"Buntis! Dito ka sa tabi namin!"

"Ayaw! I want to sit beside panget!"

"But, siya magda-drive–"

Natatawa kong pinigilan si Hope at tumingin kay Luisa na nakanguso na at parang paiyak na. Sensitive kasi siya dahil buntis.

"Si Ackley na magda-drive. Acel, tabihan mo na asawa mo," I said na ikinaliwanag ng mukha ni Luisa at agad na niyakap si Acel.

Hinapit ako ni Ackley sa baywang at hinalikan sa noo. I glared at him, tinanggal ko din ang kamay niya sa baywang ko at agad na sumakay sa passenger seat. Nang tignan ko siya ay nakangisi lang siyang nakatingin sa'kin kaya inirapan ko siya.

Badtrip kasi, may mga babaeng lumapit kasi sa kanya kanina tapos kung maka-ngiti sa kanila at tawa akala mo wala ako sa tabi niya kaya nainis ako at iniwan siya doon sa babae.

Jealousy without label.

"Baby bear, kanina ka pa nanghihina. May masakit ba sa'yo?"

Agad akong napatingin sa likod kung saan nakaupo sila Gab at Hope. Lahat kami ay nakatingin na sa kanya. Tumingin siya sa'kin at umiling. Sa totoo lang ay nag-aalala na ako kay Hope. Sinasabi niyang okay siya pero ang totoo ay hindi na niya kaya.

"M-May sasabihin ako sa inyo mamaya," she said and smiled.

Agad naman nagsi-salita sila Luisa at binigyan siya ng gamot. They know, alam na nila ang kalagayan ni Hope pero ang alam ko ay magaling na siya.

"My baby is jealous, huh?"

Napakunot ang noo ko at palihim siyang inirapan. Hindi ko siya pinansin at sumandal lang sa upuan. Sinubukan pa niyang hawakan ang kamay ko pero nilayo ko ito.

"Okay," he suddenly mumbled.

Matutulog na sana ako dahil akala ko ay hindi niya ako guguluhin. Pero nagulat na lang ako nang bigla niyang buhatin ang dalawa kong binti gamit ang malaya niyang kanang kamay.

Kinandong niya ito sa hita niya habang ako ay nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya na busy sa pagmamaneho.

Anak ng–

"Mamaya na ang kaharutan mo Ackley, magmaneho ka'na muna," madiin kong bulong sa kanya at napatingin sa anim na tulog.

"But you won't let me hold your hand," he said and pouted like a kid.

Napasampal na lang ako sa noo at napailing. Masyado ko na atang nai-spoiled itong si Ackley sa lambing. Tumingin ulit ako sa kanya pero nakanguso pa rin siya na ikinangiti ko nang palihim.

Cute–nagseselos ka diba?!

Baka nang dahil sa kalandian namin madisgrasya pa kami.

Nakarating kami sa Boracay at ganun pa rin ang pwesto. Nauna nang bumaba ang anim habang ako ay kanina pa gustong umalis pero yakap niya ako at nakasiksik sa leeg ko.

"H-Hoy, baba na tayo," bulong ko sa kanya at tinapik-tapik ang braso niyang nakayakap sa'kin.

Mas lalo lang siyang sumiksik sa leeg ko at inamoy-amoy pa ito. Napatawa ako nang mahina dahil sa kiliti nang patakan niya ng halik ang leeg ko.

"Baby," malambing niyang tawag sa'kin.

"Hmm?"

"Payag ka bang makasama ako habang buhay?"

Napatingin ako sa kanya at nagsalubong ang aming tingin. Hindi ako nakapagsalita at pilit iniintindi ang tinanong niya. Syempre, payag na payag ako. Gusto kong makasama siya habang buhay, magkaroon ng anak at maging masayang pamilya.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon