Chapter 8

169 13 9
                                    

Nathalie's POV

Napatingin ako sa labas ng kotse nang makarating na kami sa bahay nila Luisa. Ang ganda ng bahay nila at malaki. Pinapasok kami kahit naka-kotse pa lang at pinark ang kotse sa parkingan nila sa loob.

Lumabas kami sa kanya-kanyang kotse at napapatingin ako kay Ackley dahil hanggang ngayon ay yakap-yakap pa rin niya ang unan ko.

Nagulat na lang ako nang hilahin ako ni Luisa papasok at sumigaw.

"Mom, Dad!" sigaw ni Luisa.

Pumasok kami sa loob at hindi ko maiwasan ang mamangha dahil sa ganda ng kanilang bahay. Napatingin kami sa babae at lalaki na bumababa sa hagdan. Ang ganda ng babae at ang gwapo naman ng lalaki. And I think nasa 30s na sila. They smiled at us at niyakap si Luisa, hindi lang si Luisa. Pati na rin sila Ackley at iba pa.

Nagulat ako nang lumapit sa'kin ang babae at lalaki at niyakap ako.

"Siya ba ang lagi mong ikinukuwento, Eloise?" The beautiful lady asked.

Ngumiti si Luisa at lumapit sa'kin. Hinawakan ako ni Luisa sa balikat.

"Mom, meet Nathalie Dionne Crawford, our beautiful baby girl," pagpapakilala pa sa'kin ni Luisa sa Mama niya.

Ngumiti naman ako kahit nahihiya at kinakabahan. Ningitian ako ni Mama niya at pinisil ang pisngi ko.

"Ang cute mo! Hon, she's so cute, right?" sabi pa ng Mama ni Luisa.

Lumapit sa'min ang Papa ni Luisa at pinisil naman ang ilong ko. And malamang sa alamang, namumula na ang pisngi at ilong ko.

Luisa's Dad smiled. "Yes hon, she's cute, bagay sila ni Ackley."

Namula naman ako dahil sa sinabi ng Dad ni Luisa. Bagay daw kami? Bagay kami HAHAHAHA! Pero tao kami eh..

Narinig ko naman ang pang-aasar nila sa'min ni Ackley. Tinulak pa ni Acel si Ackley sa tabi ko na yakap-yakap pa rin ang unan ko.

"Oh, kaninong unan iyan?" tanong ng Mama ni Luisa.

Ngumisi si Ackley at mas hinigpitan pa ang yakap sa unan ko.

"Kay Nathalie po, Tita!" sigaw ni Acel.

Napatawa ako nang mahina nang banggain ng Mama ni Luisa ang balikat ko nang mahina. Parehas talaga sila ni Luisa, talagang mag-ina.

Humarap ang Mama ni Luisa kay Acel.

"Ikaw Acel? Kailan ka mag-first move?" tanong ng Mama ni Luisa kay Acel.

Napangisi si Acel at tumingin kay Luisa na namumula na ngayon. Napapatawa kami dahil sa hitsura nilang dalawa. Lumapit ang Papa ni Luisa kay Acel at Ackley at hinawakan ang balikat nila.

"Don't be shy to make a move boys, baka mamaya maunahan pa kayo," sabi ng Papa ni Luisa.

Tumango naman ang dalawa at parehas na nakangising tumingin sa isa't isa. Napailing na lang ako sa kakulitan nila.

"Nagugutom ka ba ijha?"

Napatingin ako sa Mama ni Luisa at nahihiyang ngumiti.

"B-Busog pa po ako, M-Ma'am–" she cut me.

"Call me Tita, ijha, you're already part of our family," sabi ng Mama–I mean Tita sa'kin habang nakangiti.

Napangiti ako at parang matutunaw ang aking puso dahil sa narinig. Niyakap niya ako kaya ginantihan ko ito. Ang babait nila and they are so sweet too. Sana ganito ang pamilya ko pero wala na.

Humiwalay na siya sa'kin at humarap sa kanyang anak.

"Go fix your things, alam kong magha-hangout kayo at baka mag-tagal kayo," Tita said.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon