Chapter 48

98 5 0
                                    

Nathalie's POV

Sinubo ko ang hotdog at ninguya habang nakatingin sa labas ng seven eleven. Nandito kami ni Ackley sa seven eleven habang 'yung anim ay nagpaalam na aalis. Nagtataka na din ako sa kanila, lagi na silang umaalis.

Baka may nangyayari nang ligawan?

"Marami pa akong hindi natatanong sa'yo," ngumunguya kong sabi.

Hindi ko siya tinignan at naka-focus lang sa labas ang tingin ko. Ramdam ko ang titit niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-move on sa sinabi niya. Nakapatay na siya pero hindi mababawasan n'on ang pagmamahal ko sa kanya.

"After we go home baby, you can ask me anything and I'll answer all of it but you're mine okay?" seryoso niyang sabi.

Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko at hinawakan ito nang mahigpit. I looked at him and smiled. Pinunasan niya ang gilid ng labi ko at nanlaki ang mata ko nang isubo niya ito at ngumisi.

Sa harap ng madaming tao?!

Namula ako at umiwas ng tingin pero agad ding napalunok nang pag-tingin ko sa kanan ko ay isang misteryosong lalaki at mukhang manyak, hindi sa nang-j-judge pero parang siya iyong nakapaskil sa barangay namin na nawawalang suspect sa pag-r-rape.

Nakatingin ito sa'kin at bigla akong kinabahan nang ngumisi ito na parang aso at tumingin sa hita ko. Medyo maikli kasi ang palda ng school namin.

Napatingin ako kay Ackley nang ilapit niya sa kanya ang upuan ko at hinapit ako sa baywang. Nagulat ako nang buhatin niya ang binti ko at pinatong ito sa kanyang hita at tinakpan ng bag at panyo ang hita ko.

Nang tignan ko ang mukha ni Ackley ay sobrang sama ng tingin niya sa lalaki. Ackley looked at me at hinawakan ang kamay kong nanginginig.

"Let's go baby?" tanong niya kaya agad akong tumango.

Inalalayan niya akong tumayo at sinakbit ang bag namin sa balikat niya. Hinapit niya ako sa baywang at nang mapadaan kami sa pwesto ng lalaking bastos ay bumulong si Ackley sa sarili niya pero hindi ko ito narinig.

Nang makalabas kami sa seven eleven ay nakahinga ako nang malalim.

"Drink your water baby," utos sa'kin ni Ackley at akmang kukunin ko na ang tubig ko nang siya na ang gumawa.

Pinanganga niya ako at siya na ang nagpa-inom sa'kin. Pinunasan niya ang labi ko.

"Thank you," I said and smiled.

Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko. "Always welcome baby."

Nang tumingin ako sa paligid ay napahinto ang tingin ko sa gilid ng drug store. Tinitigan ko ang lalaki at babae at nanlaki ang mata nang makumpirmang sila nga ito.

"A-Ackley, sundan natin sila," sabi ko kay Ackley.

"Let's go baby."

Akmang hihilahin na niya ako sa sasakyan niya para sundan sila nang may humawak sa kaliwa kong kamay. Nang tignan ko ito ay napahinto ako.

"Anong ginagawa mo dito Atlas?"

Hindi siya ngumiti o ngumisi. Seryoso lang din siyang nakatingin ki'la Mama at ng lalaki niya. Oo, si Mama at ang lalaki niya ang susundan namin. Nakita ko itong bumibili ng first aid.

"I know where they will go, come with me m'lady–" Ackley cut him off.

"She's coming with me–"" pinutol ni Atlas si Ackley.

"No, with me–"

"Tumigil na kayo pwede?! Sundan na lang natin sila! Sumama ka'na Atlas at Ackley, tara na," galit kong pag-aawat sa kanila.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon