Chapter 57

87 7 1
                                    

Nathalie's POV

"NASAAN ANG CCTV ROOM?!"

Nanginginig na tinuro ng guard ang daan kung saan ang CCTV room. Marahas ko siyang tinulak at mabilis na tumakbo sa CCTV room. Panay ang pag-tulo ng luha ko pero agad ko itong pinupunasan dahil sa galit.

Sinipa ko nang malakas ang pintuan na ikinabukas nito at nasira ang door knob. Wala akong pake kung babayaran ko itong pintuan. Napatingin sa'kin ang guard na nandoon at nanginginig na tumayo sa kanyang pwesto at pinaupo ako.

"Ipakita niyo sa'kin ang bahagi ng second floor," madiin kong utos na kaagad niyang sinunod.

Nang ipakita niya sa'kin ay napasara ang kamao ko. Ang nakikita sa CCTV ay si Atlas at Hampton, nandoon din si Calius at may kasamang babae. Hindi pamilyar sa'kin ang babae pero hindi iyon ang pinagtuunan ko ng pansin at napatingin sa kabilang camera ng CCTV kung nasaan nandoon ang isang lalaki na nakamaskara ng kulay itim.

I gritted my teeth. Nang ibaling ko ang atensyon ki'la Hampton ay kusang tumulo ang luha ko dahil sa galit. Tinutok niya ang baril sa stage, hindi ko makita kung kanino pero wala na sila Calius at Atlas, pati na din ang babae sa tabi niya.

At nang mukhang natapos na niyang mabaril si Ate. Siya, siya ang bumaril. Tumingin siya sa CCTV at ngumiti bago ito pinutukan ng baril na ikinasira ng camera.

"PUTANGINA!!"

Tumayo ako at sinira lahat ng gamit dito sa kwarto. Pinipigilan ako ng mga guwardiya pero hindi ko sila pinansin at agad na lumabas doon.

"M-Magbabayad ka–papatayin kita Ackley," gigil kong bulong sa aking sarili.

Isang araw na ang nakalipas pero suot ko pa rin ang damit na may dugo ni Ate Maria. Wala na siya, putangina–pinatay din siya ng hayop na Hampton.

Mabibigat ang mga hakbang kong nilisan ang university na iyon at tinawagan si Atlas. Agad naman itong sinagot at inunahan ko na siya.

"Nasaan ang kapatid mo."

Hindi ito tanong, kung di ay isang pagbabanta na dahil sa tono ng pananalita ko.

"S-Sa village kung saan dating nakatira ang Mama mo, sa b-bangin."

Pinatay ko kaagad ang tawag at agad na pumara ng taxi. Nang may taxi na huminto ay agad akong lumapit sa driver at binuksan ang pinto nito. Hinila ko siya nang marahas paalis at hinagis sa kanya ang black card ko.

"I know black card is already enough," I coldly said at sumakay na sa kotse.

Iniwan ko siyang hindi nakapag-salita at mabilis na pinaandar ang kotse. Kahit hindi ako marunong ay mas lalo ko pa ring binilisan ang pagmamaneho. Halos mabunggo ako pero naiiwasan ko naman.

Magbabayad siya ate, ipaghihiganti kita.

Agad akong bumaba sa sasakyan nang makarating sa bangin. Nang makita ko siyang nakatayo lang doon ay agad akong tumakbo palapit sa kanya at sinuntok ang mukha niya na ikinabaling niya sa kabila.

"HAYOP KA! MAMATAY KA'NA!!" malakas kong sigaw sa kanya pero yumuko lang siya at umiyak na ikinatawa ko nang sarkastiko.

"At Ikaw pa ang may ganang umiyak?! P-Pinatay mo ang Ate k-ko, pinatay mo ang kapatid ko!!" sigaw ko at napasabunot dahil sa sakit at galit.

"I-I'm sorry–" I cut him off.

"Wala nang magagawa ang sorry mo! Wala na siya! Pinatay mo na ang kapatid ko! Hindi mo na siya mababalik!" Napayuko ako at sinuntok ang sarili kong dibdib dahil sa sakit. "P-Patay na siya."

Hindi siya sumagot at umiyak lang sa harapan ko. Duguan din ang kanyang damit pero hindi ko ito pinansin at sinamaan siya ng tingin.

"M-Mahal mo ba talaga a-ako?"

Tumingin siya sa'kin na puno ng luha. "I-I do–"

"Pero pinatay mo sila Ate at Mama?! Anong klaseng pagmamahal 'yan Ackley!!"  malakas kong tanong pero umiyak lang siya.

"M-Mahal mo ako pero pinatay mo si Ate–"

"I TRIED TO SAVE HER!!"

Nahinto ako at naluluhang tumingin sa kanya. Napasabunot siya sa buhok at tumingin sa'kin nang may pagmamakaawa.

"A-Anong–"

"I d-didn't killed her, nililigtas ko siya–" I cut him off.

"Sinungaling! Nakita ko Ackley! Nakatutok ang baril mo sa kanya–

"Pakinggan mo naman ang explanations ko A-Alie, just this time–please?" pagmamakaawa niya pero tinawanan ko lang siya at tinaliman ang tingin.

"Explanations na puro kasinungalingan." Nilabas ko ang baril ko sa aking bewang at kinasa ito at tinutok ito sa kanyang ulo.

Tumitig lang siya sa aking mata. Nanginginig at mahigpit kong hinawakan ang baril habag nakatutok sa kanya. Nagulat ako nang ginawa niyang parang baril ang kanyang kamay at tinutok sa ulo ko.

"K-Kailangan mo nang mamatay," nanginginig ang labi kong sabi.

He just smiled at me. Hindi ako umatras nang lumakad siya palapit sa'kin at idinikit ang kanyang noo sa akin. Idiniin ko ang baril sa kanyang ulo habang hawak ang trigger ng baril.

Patayin mo siya Bezella.

Kusang tumulo ang luha ko nang magdikit ang aming labi. Ang mga taksil kong luha ay tumulo dahil sa gulo at sakit na nararamdaman.

Mahal kita Ackley, mahal na mahal. Pero sadyang masakit ang mga nangyayari at pilit tayong pinaglalaruan ng tadhana. Pinatay mo si Mama at si Ate, kaya papatayin din kita.

Dalawang buhay ang nawala at dalawang buhay ang mawawala.

Kung papatayin kita, papatayin ko na din ang sarili ko dahil hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Gusto kitang makasama habang buhay, hanggang langit.

Sa ilalim ng bilog na buwan, sa maliliwanag at madaming bituin na nakapaligid. Sila ang magsisilbing ilaw ng ating pag-ibig. Ang pag-ibig na sandaling naging masaya pero sa huli ay mawawala na. The moon and stars are the witness of our love story. For me, this is a happy ending.

Moon has an ending too, a happy ending that will start a new beginning.

"I love you my moon, till our next eclipse."

"I love you too… my moon."

And there, narinig ko na ang tunog ng baril. Bumigat ang kanyang katawan at humigpit ang kanyang yakap.

"M-Mahal kita hanggang sa ating huling paghinga… buwan ko."

At ngayon, magkayakap kaming dalawa na naghahabol ng aming hininga. Dumilat ako at ngumiti sa kanya. Nakangiti din siya sa'kin sabay ng pagtulo ng kanyang luha.

"T-Till we meet, A-Alie."

Hanggang sa muli buwan ko.

_____
A/n: Baka update ulit me mamaya.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon