Chapter 31

102 8 3
                                    

Nathalie's POV

"Welcome home Nathalie!"

Napangiti ako nang salubungin ako ng mga kamag-anak ko na malapit sa'kin. Kakauwi lang namin galing hospital at ki'la Tita Christy na nga ako titira.

Lumapit sa'kin sila Ackley na may hawak na malaking cake habang nasa likod niya ang apat na may hawak na tag-iisang plato. Natawa ako dahil doon. Pina-ihip nila sa'kin ang candle na akala mo'y kaarawan ko.

"Apo ko."

Napatingin ako sa gilid ko at napaluha. Agad akong tumakbo kay Lola at niyakap siya nang mahigpit.

"Na-miss kita Lola ko," mahina kong sabi.

Hinalikan niya ang ulo ko at niyakap pabalik.

"Na-miss din kita apo ko."

Napatingin ako sa tabi ni Lola at nakita si Lolo na nakangiting nakatingin sa'kin. Niyakap ko din siya nang mahigpit na sinagot din niya ng yakap.

"Na-miss kita Lolo," I said.

"Na-miss din kita Thalie," bulong niya.

Humiwalay ako at napatingin ki'la Ackley at sa apat. May mga pagkain na ang mga plato ng apat habang si Ackley ay nakatingin sa'kin.

"Mga kaibigan ko po, Ackley, Luisa, Amitel, Acel, Hope, Amethyst and Gab," pagpapakilala ko sa kanila.

Lumapit naman sila at nagmano kay Lolo at Lola na ikinatuwa naman nila. Nang si Ackley na ang magmamano ay napatitig sa kanya si Lola at lumiit ang mata.

"Parang kilala kita," nanliliit ang mga matang sabi ni Lola.

Ackley smiled. "Lola Tasha, ako po ang inaalagaan niyo dati sa Hampton's mansion."

Nanlaki ang mata ni Lola habang ako ay nakikinig lang sa kanila nang lumapit sa'kin si Gab na puno pa ang bibig. Tinawanan ko si Gab at binigay ang panyo ko na tinignan naman niya.

"Thank you Nadi but, gusto ko 'yong panyo ni Hope," nakangiti niyang sabi.

Napailing na lang ako at tinago ang panyo sa bulsa. Loyal na loyal kay Hope ang Gab-Gab.

"Walang videoke?"

I chuckled at napatingin sa labas, nakita ko doon ang kotse at nilalabas na ang videoke na hinahanap ni Gab.

"Ayan na oh." Tinuro ko ang videoke at agad namang tumingin doon si Gab at napa-yes.

"Mapapa-rinig ko na kay Hope ang mala-anghel kong boses," mayabang niyang sabi.

"Ha?"

"Harurot HAHAHAHAHA!" sabay naming tawa ni Gab.

Lumapit sa'min si Acel at inakbayan kaming dalawa ni Gab, kaagad namang nagreklamo ang isa.

"Wash your hands before you touch me!" nandidiri na sabi ni Gab.

Natawa na lang ako nang batukan siya ni Acel kaya sumama ang tingin niya dito.

"My hands are clean asshole, magpapunas ka nga muna ng bibig doon sa pag-asa mo," pang-aasar ni Acel.

"Kaya pala ayaw mo sa panyo ko ah?" Binunggo ko ang balikat ni Gab kaya tinarayan niya ako at agad na lumapit kay Hope na tahimik lang na kumakain.

"Pag-asa ko!" sigaw ni Gab at agad na kumandong kay Hope na ikinagulat niya. Pati nga ako ay nagulat.

Shet, tamang-tama na talaga si Gab kay Hope.

Nakita ko namang namumula na si Hope sa hiya at kinurot si Gab. Natatawang napailing na lang ako pero napatingin ako kay Acel nang bumulong siya.

"Look at your right, baka makasapak ako," madiin niyang bulong.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon