Chapter 37

86 8 0
                                    

Nathalie's POV

"O-Okay na po 'to, hehe."

Napatingin ako sa mga shopping bags na ang laman ay mga damit at kung ano pang mga accessories. Hindi na nga namin mabubuhat ito ni Ate Maria eh, hindi na din ito kasya sa kotse.

"You sure? We will delivery it to your house Madam," nakangiting sabi ni Miss Sarah.

Napakamot na lang ako sa batok at nagpasalamat sa kanila. Tumingin ako kay Ate Maria na nakangangang nakatingin sa mga shopping bags. Hinila ko na si Ate Maria palabas ng shop na iyon at iniwan ang mga shopping bags.

Baka pinagloloko lang kami 'non.

"Yung mga damit!"  sigaw ni Ate at pilit akong hinihila pabalik doon.

I sighed. "Ate, tara na."

Nakanguso siyang tumango. Dumiretso na kami sa grocery ng mall na ito. Hinahanap ko 'yong snow bear! Nasaan na 'yon? Hindi pwedeng ubos na 'yon!

"Snow bear hanap mo 'no?" tanong ni Ate Maria habang nagtutulak ng cart na puro snacks na.

Ngumiti ako at tumango. Kilalang-kilala talaga ako ni Ate. Napatingin kami sa mga staffs ng grocery na may sari-sariling tulak ng mga cart at may mga laman ng snow bear. Nanlaki ang mata ko at tatakbo sana papunta sa kanila pero sila na ang mismong lumapit sa'kin at huminto sa harapan ko.

"Here's your snow bear Ma'am," nakangiting sabi ng babaeng staff.

Nagkatinginan kami ni Ate, maski siya ay nagugulat na rin sa nangyayari. Binalik ko ang tingin ko sa mga snow bear at nakangiting kinuha ang mga ito.

Hehe, baka seryoso sila kaya kunin ko na.

"Akin 'to lahat?" I asked while smiling.

Tumawa nang mahina ang mga staffs at umiling.

"Meron pa po sa truck at ihahatid na lang po sa bahay ninyo–" I cut her.

"Truck?!" gulat kong sigaw.

Nananaginip ata ako.

Tumango siya at binigay pa sa'kin ang mga cart na may lamang mga groceries, may mga food, chicken, meat, fish at iba pa.

"Who's the owner of this mall?" Ate Maria asked while looking at the groceries.

Umiling ang babae at tumingin sa'kin. "Kilala niyo po siya at ginawan mo din siya ng cute nickname."

Ayi?!

Nanlaki ang mata ko nang makilala ko kaagad kung sino iyon. Nagtatakang tumingin sa'kin si Ate kaya umiling ako sa kanya.

"W-Wala ba siyang pinapasabi?" I asked.

Ngumiti ang babaeng staff. "He will call you po."

Tumango na lang ako at tutulungan na sana silang itulak ang cart pero pinigilan nila ako at sila na daw. Hinila ko ulit si Ate palabas doone. Kahit siya ay nakatulala at iniisip siguro kung sino ang may ari ng mall.

Si Ayi ang may bigay ng mga 'yon. Pero, ang dami naman baka hindi namin mailagay iyon sa bahay. Kailangan kong makausap mamaya si Ayi, hindi ko na rin siya nakakamusta dahil madaming problema kaya naiinis ako sa sarili ko.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang favorite kong…

"STITCH!"

Agad akong tumakbo palapit sa store na iyon at pumasok. Tinatawag ako ni Ate Maria pero hindi ko siya pinansin at agad na kinuha ang Stitch.

"Still the little Nathalie," pang-aasar ni Ate nang makita ang hawak ko.

Ningusuan ko siya at tumingin sa presyo pero agad kong binalik ito nang makita ang presyo.

"Bakit mo binalik?" Ate asked at kinuha ang Stitch.

Tinignan niya ang presyo at natawa na lang. Pinanood ko siyang pumunta sa counter habang dala ang stitch na gusto ko.

"I will take this–" naputol si Ate.

"Nasa truck na po ang mga stitch ni Madam Nathalie," nakangiting sabi ng nasa counter na ikinagulat namin.

Weh? Di nga?

"You sure?" Ate Maria asked at pinanliitan pa ng mata ang babae.

Tumango lang ang babae kaya umalis na kami sa doon. Lahat ata ng kukunin ko, libre? Wala naman dito si Ayi pero bakit alam niya?

"Wala pa tayong nagagastos ah," natatawang sabi ni Ate.

Natawa na lang din ako. Hinila ko siya sa ice cream at pinapili siya ng gusto niya, ililibre ko na lang siya kahit alam kong libre na lahat ang kukunin ko.

"Ube flavor! nakangiting sabi ni Ate kaya lumapit ako sa tindera.

"Ube flavor and chocolate flavor nga po."

Ngumiti ang tindera at naghanda na ng binibili ko. Nang matapos ay kinuha ko na ito at ibibigay na sana ang bayad nang pigilan niya ako.

"It's free–" I cut her.

"Alam ko po pero tanggapin niyo na bayad ko, alam ko din pong nasa truck na ang ice cream," nakangiti kong sabi na ikinagulat niya.

Binigay ko na ang bayad at nagpasalamat siya. Lumapit ako kay Ate at binigay sa kanya ang ice cream.

"Libre 'no?" Ate Maria asked and chuckled.

Napanguso ako at tumango.

"Ganda talaga ng bunso namin, may manliligaw na," natatawa niyang pang-aasar at kinurot ang pisngi ko.

"Dati na akong maganda–"

"NADI!"

Napatingin kami ni Ate sa likod namin at nakita sila Luisa at ang lima na tumatakbo papunta sa'kin. May dala din silang mga shopping bags at bigla akong dinambaan ng yakap.

"M-Mga loko, hindi ako makahinga!"

Umayos naman sila kaya nakahinga ako nang maayos. Pinanliitan ako ng mata ni Amethyst.

"Ang damot ng Ackley mo, dapat libre din kami!" sigaw ni Amethyst at pinakita ang mga hawak nilang paper bags.

Napailing na lang ako.

"May bago na akong brief!" sigaw ni Gab at pinakita pa sa'kin ang spiderman na brief sa paper bag.

Natawa ako at agad na hinila si Ate Maria dahil hindi siya nagsasalita.

"Hi Ate Mari!" bati ni Hope kay Ate.

Ngumiti si Ate. "Hi Hope."

"Mas marami pa rin akong superheroes na brief kaysa sa'yo!"

"Tanga mas madami akin!"

"Mas tanga! May boxer pa nga ako ng superheroes!"

"Pinaka-tanga! May barbie din ako!"

Napatingin kami kay Gab nang isigaw niya iyon. Natahimik siya at napatingin sa'ming nakatitig na sa kanya. Tumawa kami nang malakas pero mas malakas talaga tawa ni Hope.

"Sabi ko na barbie!"

"HAHAHAHAHAHAHA!"

Lumapit si Amitel kay Gab at inakbayan ito. Sinamaan siya nito ng tingin.

"Ako nga may hello kitty kaya wag ka mag-aalala," sabi ni Amitel at natatawang tinapik-tapik si Gab.

"Ako Dora, kaya laging nawawala mga brief ko kasi nag-e-explore siya."

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon