Chapter 7

186 13 14
                                    

Nathalie's POV

"Let's go?"

Tumango lang ako at sumakay sa kotse niya. Sumakay na din si Ackley at pinaandar ang kotse. Tahimik lang ako na tumingin sa labas at nag-isip.

Lumabas na ako ng hospital ngayon lang dahil ayokong mag-stay doon. Naka-sunod lang sa'min sila Hope at ang iba pa. Ihahatid na nila ako sa bahay namin o bahay ko. And I'm sure, wala na sila Mom and Dad doon. Iniwan na nga nila ako, diba?

Napatingin ako kay Ackley nang maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. He smiled at me at tumingin ulit sa daan.

"Let's hangout? Para hindi ka ma-pressure," he said, asking my permission.

Napangiti naman ako. Good idea, pero kukunin ko muna siguro ang gamit ko sa bahay.

I smiled and nodded. "Sure, kuha lang ako damit, baka mag-tagal tayo sa pag-hangout."

He nodded but hindi niya binitawan ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa kamay namin at namumula na din ang mukha ko dahil sa hiya at kilig. He's holding my hand, sinong hindi kikiligin? And ang laki pala ng kamay niya, tapos ang ganda pa! May veins ang kamay niya.

Napatingin ako sa labas nang huminto na kami. Tinanggal ko ang seat belt at akmang lalabas nang pigilan ako ni Ackley.

I looked at him, confused. Hindi siya nagsalita at lumabas bago ako pinagbuksan ng pinto. Napakagat ako sa aking labi at ningitian siya. He smiled but he's not looking at my eyes pero hindi ko na ito pinansin at pumasok na sa bahay.

Pagkapasok ko pa lang ay tahimik na atmosphere ang sumalubong sa'kin. Narinig ko ang pagpasok nila Ackley at ang iba pa but I ignored it. Una kong pinuntahan ang kwarto ni Kuya Haze na katabi lang ng kwarto ko. Ramdam ko ang pagsunod nila sa'kin kaya hinyaan ko na.

Binuksan ko ang kwarto at nakita si Kuya Haze na nakaupo at nakaharap sa table niya at naka-suot siya ng salamin na mas lalong ikina-gwapo ni Kuya.

Tumakbo ako palapit sa kanya at agad siyang niyakap. Mukhang nagulat si Kuya pero agad din nito akong niyakap at pinaupo sa kanyang kandungan.

"Boyfriend ata ni Nathalie."

"May maitim na aura dito~"

Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi nila at umiyak sa leeg ni Kuya Haze. Pinatahan naman niya ako at hinarap sa kanya. He smiled and wiped my tears.

"I won't stay here, but I'll always check you, okay?" he whispered and kissed me on my forehead.

Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit. Tumayo na ako at pinunasan ang luha ko. Lumapit ako kina Luisa na nakatingin kay Ackley. Napatingin ako kay Ackley at nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa'kin. Napailing ako, baka may topak kaya ganyan.

"Kuya, mga kaibigan ko po, si Ackley, Luisa, Amitel, Gabriel, Hope, Acel and Amethyst," turo ko sa kanila.

Kuya Haze smiled and walked towards us.

"I'm Haze Dane Reid," pagpapakilala ni Kuya.

Ngumiti naman sila kay Kuya kaya hinarap ko siya.

"B-Bakit ka pala nandito?" I asked.

He smiled at me. "I wait for you, gusto kong magpaalam, so you don't have to worry about me."

Tumango ako at ngumiti. Ayaw talaga ni Kuya Haze na nag-aalala ako. Lumabas na kami sa kwarto ni Kuya Haze dahil may inaasikaso pa daw siya. Pumunta kami sa kwarto ko at sunod pa rin nang sunod sila Ackley sa'kin.

Pumasok kami sa kwarto ko at napatingin ako kay Ackley nang bigla na lang niyang sinubsob ang sarili sa aking higaan. Lalo na ang mukha niyang nakasubsob sa unan ko.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon