Chapter 58

112 8 4
                                    

Nathalie's POV

After 7 years…

"Let's welcome! The gorgeous author who will make you fall! Ms. Nathalie Dionne Crawford!"

Cheers and shouts are what can be heard in Arena Coliseum. Bumukas ang malaking kurtina na nakaharang sa aking harapan na mas lalong ikinalakas ng mga sigawan at tilian ng mga tao.

"ANG GANDA MO PO ATE!!"

I chuckled and waved at them while smiling. Nilapitan ako ni Luke na kinindatan pa ako at inalalayan ako papunta sa gitna kung saan nandoon ang lamesa at upuan.

"What a lovely smile you have, Author!" masiglang sigaw ni Luke na nagsisilbing host ng book signing event.

I smiled at him. Lumapit pa siya unti sa'kin at bumulong.

"You still have a photoshoot to attend Bezella," he whispered, which made me sighed.

Okay!

I nodded. Dapat ay masanay na ako sa routine kong ito and besides, minsan lang naman itong book signing event.

"So, may mga gustong magtanong na mga readers and supporters mo Author. Bubunot ka at kung anong tanong ang mabunot mo ay sasagutin mo, is that okay Miss Nathalie?" Luke asked and I smiled at him.

"Of course."

Hindi nahihinto ang sigawan ng mga tao pero bigla silang tumahimik nang bumunot na ako sa fish bowl ng isang papel. Nakangiti ko itong binuklat pero agad napawi nang makita ang tanong.

Lumapit sa'kin si Luke at nang binigay ko sa kanya ang papel ay napatingin siya sa'kin nang mabasa ito.

"You'll answer it?" he asked.

Huminga ako nang malalim at tumango. "Yes."

"Who's your inspiration in writing Loving The Moon?"

Tahimik ang mga tao at walang kahit isang bulong na maririnig. I smiled and looked at the people who were always supporting me.

"There's this man who really loves me, he's clingy, supportive and act childish when I'm around," pagkukuwento ko sa kanila na ikina-ingay nilang lahat.

"GANUN NA GANUN SI MATTEO SA STORY MO AUTHOR!"

May sumigaw n'on galing sa harapan na ikinatawa ko nang mahina. They are right, parehas na parehas sila ng ugali ng ginawa kong character.

"He always compliments me, he will always say that I'm the most beautiful woman in the world. But… walang kami."

'Yung iba ay natawa sa sinabi ko at 'yung iba naman ay nadismaya. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkukwento eh dapat nagpipirma ako sa mga books nila.

"Let's say na, he's my ex boyfriend pero walang label." I chuckled. "He's my inspiration, sa kanya ko din nakukuha ang mga magagaling banat but… he's gone now."

Marami ang nalungkot sa sinabi ko. Hindi sila nagsalita at parang mga bata na nakikinig sa kuwento ng kanilang magulang o Lola.

Pinatay ko siya, pinatay ko din naman ang sarili ko pero nagising na lang ako na nasa hospital at mababalitaan na wala na siya. Siya lang ang nagtagumpay na umalis sa mundong ito, habang ako ay nandito pa rin–mag-isa at hinihintay pa rin siyang bumalik kahit wala ng pag-asa.

Hindi na natuloy ang pagtatanong at sagot dahil naramdaman siguro ni Luke ang pakiramdam ko at tinuloy na lang ang book signing. Bakit ko pa kasi kinuwento? Ayan tuloy, iiyak na naman ako mamaya.

"Our princess is tired hmm?"

I smiled at Kuya Haze and hugged him. Sumulpot din bigla si Kuya Josh na nakanguso kaya niyakap ko din siya.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon