Chapter 18

118 9 4
                                    

Nathalie's POV

Umiyak lang ako nang umiyak mag-damag, it's already 2 in the middle of the night at hindi pa ako natutulog dahil hindi matigil ang pag-iyak ko.

Huminga ako nang malalim. Kaya mo 'to Nathalie! Laban lang, mawawala din lahat ng problema mo. Tiwala lang.

I decided to open my TikTok account and watched some random videos pero ampucha! Hate ba ako ni tadhana at puro tungkol sa broken family ang lumalabas sa for you page ko?!

But, ang dami pala naming nakakaranas ng ganito. Lahat ng mga contents nila ay relate ako, I can feel their pain even if it's just a content.

Umiyak na naman ako dahil sa sakit na nararamdaman. Ni-back ko ang TikTok at nag-open ng messenger. Akmang papatayin ko na ang phone ko nang biglang may nag-request ng video call and it's…

Ackley.

Huminga ako nang malalim at sinagot ito. Lumabas ang gwapo niyang mukha, magulo ang buhok at papungay-pungay ang mata tapos parang kakagaling lang sa iyak.

I immediately turn off my camera para hindi niya makita ang mukha ko.

"Lalove, are you okay? Why did you turn off your camera?" he asked, worried about me.

Humagulgol ako at narinig ko ang pagkilos niya sa kabilang linya.

"Sh*t! I-I dreamed about you crying and suffering, I'm going there!" sigaw niya na ikinagulat ko.

"H-Hindi na–" he cut me.

"No–"

"Please! Makinig ka muna sa'kin." Natahimik siya at tumingin sa camera na may malungkot na tingin.

"P-Pagod na ako Ackley, g-gusto ko na lang biglang mawala–"

"Shh, hindi ka pwedeng mawala Nathalie, a lot of people will be worried about you–" I cut him.

"Pagod na nga ako! Wala silang magagawa kung gusto kong magpakamatay!" naisigaw ko na lang dahil sa galit.

"I'm f*cking coming, don't you dare do something bad Nathalie." Madiin ang pagkakasabi niya 'non kaya agad kong pinatay ang video call.

Tinapon ko ang phone ko sa higaan at niyakap ang tuhod. I'm not like this before, nandidiri pa ako sa mga taong gustong magpakamatay. Nandidiri na ako sa sarili ko.

Gusto ko nang matahimik, kung pwede lang tumakas sa reyalidad ginawa ko na. I really hate this f*cking reality.

Napatigil ako sa pag-iyak nang may nagdabog ng pintuan ko. Nang itaas ko ang ulo ko ay nakita ko si Ackley na nag-aalala ang mukha at tumakbo sa'kin para yakapin ako.

"Shh, I'm here, I'm here." Mas lalo akong napaiyak sa paraan ng pag-yakap niya sa'kin.

Parang ayaw niya akong mawala, pero 'parang' lang iyon Nathalie. Hindi mo pa alam kung iiwan ka rin ba niya o mag-stay sa tabi mo.

"P-Pagod na'ko."

Humigpit lalo ang yakap niya sa'kin. Pilit niya akong pinapatahan at laging sinasabihan ng sweet and comforting words.

Dahil d'on ay nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Pero natatakot ako na baka pinapaasa lang niya ako, pero hindi niya gagawin 'yon, ayokong mag-overthink nang dahil lang d'on.

"Don't force yourself love, h'wag ka'na sumama sa kanila kung hindi ka comfortable sa kanila. Pakiramdam mo ang sarili mo, don't listen to their negative opinions, listen to your heart and mind," malambing na sabi ni Ackley habang hinihilot ang sintido ko.

Nakahiga kami sa kama ko, or should I say na siya lang ang nakahiga sa kama habang ako ay nakahiga sa katawan niya patalikod.

"B-But, Mama ko pa rin siya, gusto ko din siyang m-makasama," mahina kong sabi habang yakap ang hotdog kong unan.

"It's your choice baby, but ihahatid-sundo kita sa bahay ng Mom mo and I'll also check on you everytime to check if your okay there, hmm?" Napangiti ako nang halikan niya ang ulo ko at niyakap ako.

"Don't ever try to think suicidal thoughts okay? H'wag mong isipin na mag-isa ka lang, I'm here also Acel, Luisa, Hope, Amethyst, Amitel and Gab. We're here to cheer you up, and I can take you home para makausap mo si Mom."

Humarap ako ng higa sa kanya at nilagay ang aking tainga sa tapat ng puso niya. I can hear his heartbeat, ang bilis nito at parang nakikipagkarerahan sa bilis.

"Thank you for everything," I said and closed my eyes, feeling his heartbeat.

Sana hindi niya marinig ang lakas ng tibok ng puso ko. Para akong aatakihin sa puso dahil sa bilis ng tibok nito.

"Aren't you sleepy or tired yet? Pahinga ka muna–" he cut me using his finger on my lips.

"I'm not sleepy and tired, basta nasa tabi kita, okay na ako." He looked at me at umupo kaya naka-kandong na ako sa kanya.

"I won't get tired of taking care of you, I won't get tired of loving you. You will always be my Moon," he sweetly said with his soft voice.

Tinawanan ko siya na ikinataka niya.

"Tinanong ko lang kung inaantok ka'na ba pero ang lalim ng sinagot mo," natatawa kong sabi at ngumisi sa kanya.

Ngumuso naman siya na ikinatawa ko. Pero agad din iyon nawala at tinignan siya nang seryoso. Ngumiti siya sa'kin habang nakatingin sa mata ko.

"Bakit mo ako minahal?" I asked seriously, which made him laugh at me.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagtawa niya. Ngumiti siya sa'kin at niyakap ako nang mahigpit bago ako hinalikan sa noo.

"Kailangan pa ba ng rason?" Bigla siyang tumigil sa pag-tawa at seryosong tinitigan ako.

"I love you because I love you, kapag may rason kung bakit kita mahal, hindi na 'yon pagmamahal Alie," seryoso niyang sabi na ikinalakas ng tibok ng puso ko.

Hinalikan niya nang paulit-ulit ang noo ko at pinisil ang ilong ko, he smiled at me.

"For me love is not something you can handle, love is a feeling that has no explanation, it means if you really love someone you will never know the reason," nakangiti niyang pagpapaliwanag at niyakap ako.

Natawa ako nang sumiksik siya sa leeg ko at niyakap ako nang mahigpit. He's so precious, para siyang babasagin na bagay na kailangan kong ingatan. But, do I deserve him?

But I will prove that I deserve him and he deserves me, we will prove it to ourselves that we deserve each other.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon