Chapter 32

109 9 2
                                    

Nathalie's POV

"Bawal maging bobo for today's video!"

Nakasimangot kaming lima habang si Amethyst ay nakangiti na nakaharap sa camera. Paano ba naman, mag-v-vlog daw kami at kailangan i-english ang mga sasabihin niya.

Ayoko na.

Inayos ni Amethyst ang camera at nilagay sa stand na nakaharap sa'ming lahat. Nandito na kasi kami sa kwarto ko, may sarili kasi akong kwarto sa bahay nila Tita Christy at pinayagan naman silang dito matulog.

Tungkol sa mga chismosa't-chismoso kong kamag-anak, ayokong pag-usapan.

"Okay, let's start with Ackley!" masiglang sigaw ni Amethyst.

Pinigilan ko ang matawa sa mukha ni Ackley, nakasimangot kasi habang nakasuot ng hoody… cute-cute talaga.

"Paalam mahal ko," nakangiting sabi ni Amethyst.

Inabangan naman namin ang isasagot ni Ackley. Tinignan niya kami isa-isa at huminga nang malalim.

"Goodbye my love," nakasimangot na sabi ni Ackley.

"Mali! Hello, love, goodbye 'yon!"

"Stupid, tama si Azi!"

Natawa na lang ako sa bangayan nila Acel at Gab. Tama naman si Ackley, sana all magaling mag-english.

Tumingin si Amethyst kay Gab. "English ng Humanap ka ng pangit?"

Ngumiti nang malaki si Gab at mayabang na humarap sa camera. Akala namin ay matino ang isasagot niya pero..

"Find yourself," mayabang na sabi ni Gab.

"Find yourself daw oh!" pang-aasar ko kaya sumama ang tingin ni Amethyst kay Gab.

"Gago ka talaga!"

"Find someone ugly kasi 'yon," sabi ni Luisa at tumingin pa sa mga kuko niya.

Tinaasan siya ng kilay ni Amethyst at ngumisi.

"Sige nga, english ng laki sa layaw?"

Luisa rolled her eyes, napakunot din ang noo niya at nag-isip.

"Saliva, big saliva?"

Natahimik kaming lahat at bigla na lang napatawa nang malakas dahil sa sagot niya.

"HAHAHAHAHAHA!"

"Layaw hindi laway!"

Napapalakpak si Luisa at hindi pinansin ang pag-tawa namin sa kanya.

"Spoiled! Tama ako?" nakangiting tanong ni Luisa.

Napatigil kami, lalo na ako. Hala, hindi ko alam. Tama ata?

Napakamot si Amethyst sa ulo niya at tumawa.

"Na-bobo a-ako, hehe." Tumingin siya kay Amitel at pinanliitan ng mata.

"Spoiled ba ang english ng laki sa layaw?"

Natatawang tumango si Amitel sa tanong ni Amethyst.

"Yup."

Napatango-tango si Amethyst at inirapan si Luisa na malaki na ang ngiti. Napatingin ako sa likod ko nang may naglalaro sa buhok ko at nang tignan ko ito ay si Ackley pala ito. May hawak siyang sanriyo at hair brush.

Hinayaan ko na lang siyang galawin ang buhok ko at tumingin sa kanila. Si Hope naman ang pinagkakadeskartihan nila.

"English ng sasapatusin kita?"

Umiling si Hope at ngumiti. "I'll shoe you."

Nanliit ang mata nila at nagsipag-search na sa kani-kanilang cellphone. Pati ako ay napa-search din. Pero ang lumabas ay "Sasapatos kita"

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon