Kabanata 02

2K 51 1
                                    

"Allen sorry..." Halos mabasag na ang boses ko dahil sa kakaiyak at kakasigaw.

Nang makauwi kami ay naglabas kaagad ng galit si Allen sa'kin. Pinagbabasag niya lahat ng gamit na makikita niya. Sinisipa niya rin lahat ng mga upuan sa dining table.

"A-allen tama na please..." Pagmamakaawa ko.

"Alam mo bang sakal na sakal na'ko sayo Adriel!"

Hindi lang ang boses ko ang basag, pati narin ang puso ko.

"Allen mahal na mahal kita."

"Mahal? ganto ba ang love language mo? ang bantayan lahat ng galaw ko, ang pag ooverthink, ang pag sulsol ng kaibigan mo sayo!"

"Hindi ako sinusulsulan ni Ellen!"

"Wala akong pakialam kong ano pang sabihin mo!"

Pumasok siya ng kwarto namin na kaagad ko namang sinundan. Natatakot ako na baka magbalot si Allen at iwan ako. Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon.

Si Allen ang buhay ko. Si Allen lang ang pamilya ko. Si Allen ang dahilan kong bakit nandito pa ako ngayon sa mundong 'to.

"Allen anong dapat kong gawin para hindi kana magalit sakin?"

"Hayaan mo ako, huwag mo akong sundan simple as that."

Pagkasabi niya 'non ay kaagad na siyang lumabas ng kwarto. Hindi ko na siya sinundan dahil kapag ginawa ko 'yon ay mas lalo lang siyang magagalit sakin. Ilang saglit pa ng marinig kong bumosena ang sasakyan senyales na papaalis na si Allen.

Sinilip ko siya sa bintana habang umiiyak. Ng tuluyan na siyang makalayo ay isinandal ko ang nuo ko sa glass. Bakit ganito ang nangyayari sakin? anong bang kasalanan ko sa mundo? gusto ko lang naman maramdaman na hindi ako nag iisa. Gusto kong maramdaman na may nagmamahal pa sa'kin.

Parang naulit ang sakit na dinanas ko 'nuon sa pamilya ko. Masakit yong pamilya ka o asawa ka ngunit hindi ka belong.

I never belong to my family.

And I never belong to someone's heart.

Sumapit ang gabi na hindi parin umuuwi si Allen. Hindi na ako magtataka. Ganito naman kami palagi, mag away man kami o hindi.

Mag isa akong kumakain ngayon. Walang gana at marahan lang na pinaglalaruan ang pagkain ko.

In open ko ang cellphone ko para mag scroll sa Instagram ng makita ko ang new post ng kapatid ko with our parents.

Nasa bakasyon 'ata silang apat. Pumatak ang ilang butil ng luha ko ng mabasa ko ang caption.

'Family is my everything'

Yes. Hindi ako kasali sa pamilya nila. Ito ang problema ko simula ng maliliit pa kami. I hate favoritism. I hate them all. Kaya naglayas nalang ako sa bahay dahil sa tuwing kasama ko sila nasasaktan ako.

Ibinaba ko nalang ang phone ko at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil tumawag sa'kin si Ellen na magpapasama daw siya sa isang event.

Si Ellen ay kasalukuyang make up artist. It's her passion kong kaya't sinisingit niya ang pag me-make up sa schedule niya dahil dito siya masaya.

"Already done!"

"Wow!"

Tumingin ako sa model na minake-up'an ng kaibigan ko. Ellen is amazing. Ang ganda ng babae, napalunok ako ng tignan ko ang sarili ko sa salamin.

Hindi na ako nakakapag-ayos ng mabuti simula 'nong magpakasal ako.

"Teka Veronica sino ba ang escort mo sa event na 'to? boyfriend mo ba?"

Humagikhik ang babae na parang isang binibini.

"Nako! he's not my boyfriend, maybe soon?"

"Teka sino nga?"

"He is Allen...Allen Sandoval."

Mabilis akong lumingon sa impokritang babae na nasa harap na kasalukuyang nakatingin sa salamin ng marinig ko ang pangalan ng asawa ko. Halos si Ellen din ay hindi maisara ang bunganga dahil sa gulat.

"Adi umalis na tayo dito."

Pilit akong hinihila ni Ellen ngunit hindi ako nagpatinag. Dito lang ako. Hindi ako aalis.

"Adi ano ba umalis na nga tayo dito!"

Malakas kong binawi ang braso ko.

"Kong gusto mong umalis, umalis kana Ellen. Dito lang ako."

Hindi ko alam kong bakit ganito ang asta ko. Basta ang alam ko galit ako sa lahat.

Umupo ako sa harap ni Ellen kong saan hindi pa niya naaayos ang mga make ups niya.

"Oh bakit?"

"Pagandahin mo ako..."

Nagulat siya sa sinabi niya ngunit ginawa naman niya ang utos ko. Kahit kailan ay hindi ako tinanggihan ni Ellen sa mga pabor ko sa kaniya. Iyan ang nagustuhan ko kay Ellen. Nang matapos niya akong ayusan ay tumingin ako sa salamin. Ang ganda ko. Hinayaan kong nakalugay ang medyo wavy kong buhok.

"Ano nanaman bang balak mo? kapag nalaman ni Allen na nandito ka nanaman siguradong war nanaman kayo mamaya nyan."

Hindi ko siya pinansin at diretsong pumasok sa loob. Maraming reporters akong nakikita. Maraming pagkain. Halos lahat yata ng nakikita ko ay pormal na pormal ang suot. Nakita ko rin si Paul na masayang nakikipag usap sa mga business man's na kakilala niya.

May event palang ganto. Bakit hindi ko alam? bakit hindi manlang sinabi sa'kin ni Allen? at dapat ako ang partner niya hindi ang Veronica na 'yon!

"Adi ano bang binabalak mo? umalis na tayo dito please." Pagmamakaawa ni Ellen.

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Kaagad akong nakita ni Paul kaya ngumiti ako sa kaniya.

"A-adi anong ginagawa mo dito?" Utal niyang tanong.

I smiled at him widely kasabay ng pagtaas ng kilay ko. "Bakit bawal ba ako dito?"

"H-hindi naman sa ganon, p-pero..."

"Asawa naman ako ni Allen kaya okay lang na pumunta ako dito. Where is he?"

Lumingon ako kong saan siya nakatingin. And then I saw Allen! masayang nakikipag usap sa mga matataas na tao. At mas lalong tumaas ang temperatura ng dugo ko ng makita kong nakakapit sa kaniyang braso si Veronica.

What the hell Allen.

Naglakad ako na parang ako ang reyna. Well hindi naman nakakahiya dahil okay naman ang suot ko. I am wearing a white cocktail dress na labas ang likod.

"Adi wait!"

"Hello, good evening!"

Masayang bati ko. Napatitig sila sa akin lalong-lalo na si Mr. Ramirez.

"Oh Mr. Sandoval your wife is stunning!"

Nakipag kamayan sa akin si Mr. Ramirez pati narin ang ibang ka business partner ni Allen na hindi ko kilala.

"Allen?" Bulong ni Veronica kay Allen narinig ko naman dahil malapit lang naman ako sa kanila.

"Nagtataka ako kong bakit hindi ang asawa mo ang nakakapit ngayon sa braso mo Allen best boy." Natatawang sabi ni Mr. Ramirez. Ngumiti naman ako.

"It's okay Mr. Ramirez let them enjoy this event, because tomorrow my husband will.." Tumingin ako kay Veronica. "Comeback to me."

"Allen I'm sor—"

Hindi na natapos ni Paul ang sasabihin niya ng  higitin ko siya ng malakas.

"By the way Paul is my escort."

Gulat na napatingin sa akin si Paul. Nakita ko naman ang gulat, hindi ako sigurado kong gulat ngaba talaga o galit ang nakikita ko sa mga mata ni Allen. Ngumiti nalang ako sa loob loob ko.

This is what you want Allen?

Then I'll give it to you.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon