Kabanata 03

1.8K 40 0
                                    

Kinaladkad ako ni Allen papasok sa sasakyan niya. Kakatapos lang ng event at hindi manlang ako nakapag paalam sa mga nakausap ko kanina.

Padabog niyang isinara ang pinto ng frontseat ng makaupo na siya. Nagulat ako ng bigla niyang hinampas ang manibela ng sasakyan.

Gusto kong malaman kong saan siya galit. Sa pagpunta ko ba 'duon oh dahil sa paghigit ko ng braso ng kaibigan niya. Well kahit sino namang lalake ang dikitan ko ay never nag selos si Allen.

"Ano bang problema mo Allen?" Galit kong tanong.

"Anong sinabi ko sayo kagabe?"

"Huwag kang sundan at huwag kang bantayan."

"Oh anong ginawa mo?"

Taas kilay ko siyang hinarap. "Bakit ikaw ba ang dahilan ng pagpunta ko sa event na 'yon?"

Kailangan ko siyang subukan ngayon.

"Kaya pala ayaw mo na bantayan ko lahat ng galaw mo para malaya kang makipagkita sa kabet mo. Ganon ba yon Allen? dont worry hindi na kita babantayan at si Paul naman ang pinunta ko kanina eh at hindi ikaw."

Kinuha nito ang cellphone niya. Sigurado akong si Paul ang tatawagan niya. Kinakabahahan ako.

"Ikaw ang nagyaya sa kaniya sa event?"

"Hindi niya ako niyaya, kusa akong pumunta 'duon. At teka nga Allen..."

Inagaw ko sa kaniya ang hawak niyang cellphone. Pilit naman niya itong binabawi.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na may event palang ganon? at bakit hindi mo manlang sinabi sa'kin?"

"Give me my phone."

"No!"

"Give it back!"

Nabitawan ko ang cellphone niya ng malakas siyang sumigaw. Malaya niyang pinulot ang cellphone at patuloy na nakipag usap kay paul. Napatulala nalang ako sa kawalan. Nakaramdam rin ako ng kirot sa puso ko.

Habang nakikinig ako sa usapan nila ay marahan lang akong nakatingin kay Allen. Ang dahilan kong bakit malaya parin akong nakakahinga ngayon.

"Okay."

Ibinalik ko na ang tingin ko sa unahan dahil baka madatnan niyang nakatitig ako sa kaniya. Tapos na silang mag usap ni Paul. Ano kaya ang sinabi ni Paul kay Allen? pinagtakpan niya kaya ang mga kasinungalingan ko?

"Anong meron sa inyo ni Paul?"

Kaagad akong napalingon dahil sa tanong niya. Biglang may pumasok sa utak ko na ikinangiti ko.

"Wala, bakit nagseselos kaba?"

He chuckled. "Why would I Adriel?"

Biglang nabura ang mga ngiti ko. Useless ang ginawa ko kong hindi manlang siya nag selos. Ginamit ko pa si Paul para sa planong 'yon.

Ikinabit ko ang seatbelt ko dahil gusto ko ng umuwi. Pagod na ako.

"Hindi ako uuwi sa bahay."

"B-bakit?"

Inalis niya ang seatbelt ko. "Ellen is coming siya na ang maghahatid sa'yo. Bumaba kana."

A expensive vase has dropped and shattered. Iyon ang naramdaman kong sakit. Nadudurog dahil sa mga titig niyang nanunusok.

Akmang babagsak na ang mga luha ko ng bigla akong yumuko. Ayokong makita niya akong umiiyak. Ayokong makita niya akong nasasaktan. Bumaba ako ng sasakyan at mabilis na tumakbo sa isang sasakyan nakakahinto lang.

Pumasok ako sa loob at umiyak ng umiyak.

"E-ellen bakit niya ginagawa sa'kin 'to? ang sakit sakit na!" Hagulgol ko.

Naramdaman ko ang mga palad niya sa likod ko. Nakatakip ang dalawa kong kamay sa mukha ko kong kaya't hindi ko makita ang mukha niya.

"Ellen gusto ko ng sumuko pero hindi ko kaya...g-gusto kong huminga!"

Umayos ako ng upo at tumingin kay Paul?! Why is he here?

"A-anong—"

"Cry all you want, lean your head here..." Tinapik niya ang kaniyang balikat.

Huminto ang sasakyan sa labas ng bahay namin ni Allen. Wala kaming imik pareho. Wala akong ibang naiisip kundi si Allen. Kong saan siya tumutuloy sa tuwing iniiwasan niya ako. Kong kumakain ba siya sa tamang oras. Kong sino ang nagluluto para sa kaniya. Kong sino ang naglalaba ng mga damit niya.

I really love Allen more than my self. Kahit na paulit ulit niya akong sinasaktan ay okay lang sakin dahil sumumpa ako sa diyos na iintindihin ko siya kahit na anong mangyari.

Ilang linggo na ang nakalipas simula 'nong huling kita namin ni Allen sa event. Sa loob ng ilang linggo ay hindi ko siya sinundan, hindi ko siya binantayan at hindi ko siya tinawagan. Hinayaan ko siya. Dahil kong mahal niya ako uuwi siya sakin.

Abala ako ngayon sa paggawa ng cake. Wala akong magawa kaya gumawa nalang ako ng banana cake para may kakainin naman ako mamaya kapag nagutom ako.

Abala ako sa paghuhugas ng paglalagyan ko ng cake ng may tumawag sa phone ko. Nabitawan ko ang tupperware ng tumawag si Allen! kaagad ko itong sinagot.

"H-hello?"

"Ahm...are you free tonight Adi?"

Parang natutunaw ang puso ko dahil sa tinawag niya ako sa palayaw ko. Gustong gusto ko kapag tinatawag ako ni Allen ng Adi dahil feeling ko komportable na sya sakin.

"Of course, why?"

"I'll pick you up later, bye."

"Teka saan ba—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang naputol ang linya. Pero kahit ganon ay masaya ako dahil niyaya ako ni Allen. Tinapos ko na ang ginagawa kong banana cake para makapag ayos na. Alas tres palang naman siguro mamayang gabi pa naman niya ako susunduin.

Isinuot ko ang stiletto kong kulay silver. Bumagay ang sandal ko sa kulay ng damit kong white dress na above the knee. Well I love white.

Narinig kong may bumusina sa labas at sigurado akong si Allen na 'yon. Kinuha ko ang bag ko at chineck kong wala na ba akong naiwan. Suot ko rin ang necklace na bigay sa'kin ni Allen  before 'nong wedding namin.

Muli akong tumingin sa salamin bago lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at nadatnan ko si Allen na marahang nakaupo sa dining table habang kumakain ng luto kong banana cake.

I smiled. Kinain niya ang luto ko.

"Masarap ba?" Bigla kong tanong. Tumango naman siya. "Mabuti nalang nagustuhan mo, wala kasi akong magawa kanina kaya nag baked nalang ako."

"Let's go." Tumayo na siya at napahinto din ng makita ako. Sinundan ko kong ano ang tinitignan niya.

Marahan kong hinawakan ang necklace na suot ko. Siguro nabigla siya na nandito parin to kahit na three years ago na simula 'nong binigay niya sakin 'to.

"It's still alive..."

Tumango ako. Lumapit ako sa kaniya at dahan dahan siyang niyakap. Mahigpit na mahigpit ang yakap ko na parang ayaw ko na siyang pakawalan. Napangiti ako ng hindi niya ako tinaboy. Hinayaan niya akong yakapin siya.

"I miss you..." Bulong ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. I smiled at him. Akmang magpapatuloy na ako sa paglalakad ng higitin niya ang braso ko at niyakap.

Parang nag slowmo ang pangyayaring iyon. Ngayon ko nalang muli naramdaman ang yakap niyang walang pag-aalinlangan.

Nang kumalas na siya sa pagkakayakap sakin ay nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha. Siguro ay nagulat siya dahil sa ginawa niya. Napakunok ako.

"Let's go..." Nauna siyang naglakad at sumunod naman ako.

Kong pwede lang sana ay nanatili nalang kaming ganon habang buhay.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon