Kabanata 14

1.6K 40 0
                                    

Pababa ako ng hagdan ng maabutan ko sina Allen at Ellen na nag-uusap sa harap ng hapag. Inutusan kasi ako ni Allen na kuhain ang cellphone niya sa kwarto, dahil kailangan niyang tawagan si Mr. Ramirez.

"Anong pinag uusapan niyo?" I ask.

"I'm asking her kong pwede ko ba siyang kunin as make up artist ng mga ambassadors."

Malawak akong ngumiti. Tama ang ideya ni Allen. Magaling si Ellen at kayang kaya niyang pagandahin ang mga models ng kumpanya.

"Ellen that's a good idea!"

"I think it's not."

"Teka bakit? hindi mo tatanggapin?"

"Okay lang naman kahit hindi niya tanggapin, tinatanong ko lang naman siya if gusto niya." Singit ni Allen.

Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ko. Nakatitig lang si Ellen sa kung anong ginagawa ni Allen ngayon. Tinapik ko naman siya dahil napansin kong tulala na siya.

"Ellen kumain na tayo."

She nodded.

Habang kumakain kami ay wala kaming imikan. Tanging kutsara't tinidor lang ang nag bibigay ng ingay sa hapag. Walang emosyon ang itsura ni Ellen. Hindi ito normal, hindi siya ganito. Kadalasan kapag kumakain kami ay nag iingay talaga siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Ellen ano nga palang sasabihin mo kanina?"

Umangat ang tingin niya at dahan dahang umiling. "W-wala kalimutan mo na 'yon."

Hindi nalang ulit ako nagsalita at nagpatuloy nalang sa pagkain. Matapos kaming maghapunan ay iginaya ko si Ellen sa guest room. Malaki ang bahay namin ni Allen kahit na dalawa lang kami. Mayroon itong dalawang guest room at master's bed room na siyang kwarto namin ni Allen.

Hindi ko na kinulit si Ellen kung bakit basang basa siya sa ulan ng dumating siya dito. Alam kong pagod na siya dahil sa mga event na pinuntahan niya kanina kaya hinayaan ko nalang siyang magpahinga. Nagpahinga narin kami ni Allen dahil pagod rin siya sa trabaho.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Unang araw ng abril at nandito kami ngayon ni Faith sa isang Thai restaurant. Inaya niya akong lumabas dahil kailangan niya raw huminga. Nabanggit niya rin sakin kanina na nagkatampuhan daw sila ni Duke kaya nag dadrama siya sa'kin ngayon.

"Alam mo kasi Adi feeling ko may tinatago siya sa'kin."

"Feeling mo lang yan, feelingera ka kasi."

Mahina niya akong hinampas. "Grabe ka sa'kin ha."

"Nako nag ooverthink kalang."

"Oo nga naman, by the way kamusta na kayo ni Allen?"

Isang napakagandang tanong na narinig ko mula kay Faith. Excited na akong sabihin sa kaniya lahat ng mga nangyari sa amin ni Allen sa loob ng isang buwan. Masaya ako ng mapansin na nag iimprove na ang marriage namin.

"Hoy huwag mo nga akong ngitian dyan!"

"Ay sorry..."

"Ano nga?"

Kinuwento ko sa kaniya lahat ng magagandang nangyari sa amin ni Allen. Namangha ako sa reaksyon niya dahil hindi talaga siya makapaniwala na nagiging mahigpit na sa'kin si Allen.

"Gaga ano sa tingin mo, nag usap lang sila ng Gilcy na 'yon hanggang alas onse ng gabe? shunga kaba Adi?"

May tiwala naman ako kay Allen. 'Nung araw na 'yun ay hindi naman ako naghinala sa Gilcy na 'yun at kay Allen. Mas lalong hindi ako naghinala ng malaman kung may anak na pala si Gilcy kaya no problem.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon