Kabanata 21 (Special Content)

2.8K 75 9
                                    

Nang iwan ako ni Adriel ay kaagad akong tumakbo sa dagat para hanapin ang wedding ring. Lumusob ako sa malamig na tubig at kinapa ang buhangin sa ilalim. Hindi ko alam kong bakit ginagawa ko 'to. Yes, I hurt Adi that much. Nasaktan ako ng sabihin niyang tapos na kami. Ang akala ko hindi siya bibitaw, hindi niya ako iiwan kahit na saktan ko man siya ng paulit ulit ay hindi niya ako susukuan. But now, she said a while ago that our marriage is over. Im just a jerk because I can't give the love that she wants.

3 years ago I was so in love with Adi. She's simple, smart, and lovable. Una ko siyang nakita sa simbahan. Nang mag tama ang mga mata namin ang sabi ko sa sarili ko papakasalan ko ang babaeng 'to. At dito mismo sa simbahan na 'to. Coincidence palagi ang pagkikita namin. Hanggang sa sinundan ko na siya. Lumipas ang ilang buwan ay naging mag kaibigan kami. Sinasabi niya sa akin lahat ng problema niya lalong-lalo na sa kaniyang pamilya.

"Ang lungkot lungkot ko Allen."

"Huwag mong hayaan na sirain ng kalungkutan ang masaya mong buhay."

"Pakiramdam ko ang dilim dilim ng buhay ko."

"Sasamahan kita sa dilim." I said softly.

Nagulat ako ng makita ko ng bigla siyang pumasok sa bahay ko. Magulo ang buhok niya at wala rin siyang tsinelas.

"Adi what happened?"

"Tumakas ako sa'min Allen, ayoko na 'dun."

She hugged me very tight. Ayokong nakikita siyang umiiyak. Lahat sinasabi niya sa'kin kong paano siya tratuhin ng mga kapatid niya. Iginaya ko siya paupo sa high chair. Kumukulo na ang niluluto kung sinigang pero hinayaan ko iyon. Mas kailangan ako ni Adi ngayon.

"Feeling ko hindi ako belong, palagi nalang sinusumbat nila ate na tanga daw ako, palamunin, at yung nakikita lang nila yung mga maling nagawa ko lang."

"Adi don't cry okay? I'm here."

She hugged me again. Naaawa ako kay Adi. Gusto kong kausapin ang pamilya niya kong bakit nila pinaparamdam kay Adi na parang hindi nila ito mahal. Kaya lang kapag ginawa ko yun mas lalo nilang pag iinitan si Adi. Mas lalo nilang susumbatan ang babaeng mahal ko.

"Dito nalang ako Allen, please..."

Gustuhin ko man na dito nalang siya ngunit hindi pwede. Hahanapin at hahanapin siya ng mga magulang niya. Pero umurong ang desisyon ko. Tumango ako kay Adi na siyang ikinangiti niya.

Lumipas ang buwan na masaya kami ni Adi. Hanggang sa umabot sa puntong may nangyari samin. Hindi ko siya pinilit, kaya kong mag hintay hanggang sa pwede na pero nanlambot ako ng sabihin niya ang katagang nagpahiyaw sa puso ko.

"I really love you, I want to feel you inside me Allen..."

I am twenty five that time ready ng mag kapamilya. And she's twenty, still studying. Gusto ko ng mag karoon ng sarili kong pamilya. And I see my future with Adriel.

I have a business trip to spain. Hindi ko sinabi 'yun kay Adi dahil nag katampuhan kami. She's asking me about marriage. Kong sa akin lang gustong gusto ko na talaga siyang pakasalan. Pero gusto kong tapusin niya muna ang pag aaral niya. Fourth year college na siya at ilang buwan nalang ay gagraduate na siya.

Sumakay na ako ng sasakyan kasama si Paul at Gino ng tumumbad sa harap ko si Adi. We're in the front of El Sandoval Empire. Napatigil naman ang mga kaibigan ko dahil sa sinabi ni Adi.

"Allen don't leave me, I'm pregnant."

Hindi ako nakagalaw dahil sa sinabi niya. Para akong babagsak dahil sa narinig ko. I was shocked that time. Mabuti nalang niyakap ako ni Adi.

"R-really?"

"Yes Allen, you're going to be a daddy!"

Dahil sa saya ay pabuhat kong niyakap si Adi. I shouted, naririnig ko ang pag echo ng boses ko. Nagsilabasan lahat ng mga employees na abala sa kanilang ginagawa.

Wife's DevotionWhere stories live. Discover now