Kabanata 34

1.5K 40 0
                                    

"Ano Adi masarap ba?"

Inirapan ko si Faith dahil sa paulit ulit niyang tanong. Halos kanina pa siya at kaonti nalang ay tutusukin ko na talaga siya ng tinidor. Nilagyan ni Allen ng fried chicken ang pinggan ko. Tahimik kaming kumakain ngayon ng biglang nagsalita si mama.

"Uhm, pasensya na kung medyo usisera ako ha? gusto ko lang kasi malaman kung nagkabalikan na ba kayo?"

Nabitawan ko ang hawak kong kutsara't tinidor ng mag salita si Allen.

"Yes ma."

Pasimple kong inapakan ang paa niya sa ilalim ng mesa. Magkatabi kami ng upo ngayon at kaharap ko naman si Faith na pasimpleng bumubungisngis.

"Mama hindi pa po." Nilingon ko si Allen habang nakataas ang kilay. "Ako ang desisyon Allen kaya wag kang mag feeling dyan."

Nginisihan niya lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Ilang saglit pa ay muling nagsalita si Faith na ngayon ay maingat na sinusubuan ang anak nito.

"May tanong ako."

"Yes ate a-ano?" Sabat ni Bevei.

"Ganito kasi 'yon, sabi ng babae ay hindi pa daw sila nagkabalikan pero may nakitang tube na pagmamay-ari ng babae sa kwarto ng lalake. So ano ang ibig sabihin 'non? nagkabalikan naba sila o hindi pa?"

I bite my lower lip. Matalim kong siyang tinitigan. Napansin ko naman si Allen na palihim na tumatawa habang tinatakpan ang mukha niya at ganon din sina mama at papa. Gino-good time ba nila ako? bakit kami nalang palagi ni Allen ang topic? naririndi na ako!

Muli kaming binalot ng katahimikan ng mag ring ang phone ni Allen. Hinaplos niya ang legs ko na ikinanindig ng mga balahibo ko. Sinagot niya ang tawag at nailayo niya pa ng konti ang cellphone tenga niya.

"Uhm yes, she's here....what? bakit hindi ko alam?.....tomorrow? no I won't allow her."

Mahina ko siyang tinapik dahil sa kuryusidad na malaman kung sino ang tumatawag sa kaniya. Gusto ko sana isipin na si Reina ang tumawag pero naalala ko na wala na silang koneksyon sa isat-isa.

"Sino yan?"

Binigay niya sakin ang phone niya at kaagad kaagad ko namang kinausap ang nasa kabilang linya.

"Hello sino 'to?"

(What the hell? Ilang araw kang hindi nagpakita sakin tapos ang sasabihin mo lang is 'hello sino 'to?) Panggagaya niya sa sinabi ko.

I sighed. Muntik ko ng makalimutan na isa pala akong modelo dahil kay Allen. Siguradong galit nanaman sa akin si Tuval dahil ilang araw ring hindi ako nagpunta sa agency. Hindi muna ako sumagot dahil nag iisip pa ako kung anong sasabihin ko.

"Dapat sa akin ka tumawag hindi kay Allen."

(Gaga ka ba? you can't be reach ka! ano may balak ka pa bang mag trabaho? dahil kung oo tambak na ang mga offers sayo dito. Jusko Adriel Im stress because of you!)

"Sorry na Tuval."

Ramdam na ramdam ko ang galit at iritasyon sa tono niya. Im too stupid to forget that I have a responsibility as a model fuck!

(Pumunta ka dito bukas ng umaga exactly 8 am ng umaga. Kapag na late ka remember this, I won't bring you to paris.)

Pagkasabi niya 'non ay kaagad na niyang pinutol ang linya. Napatikhim nalang ako ng bigla kong maalala ang fashion show. Fuck! bakit hindi ko naisip 'yon?

"What's wrong?" Allen suddenly asked while staring at me.

Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kaming maghapunan ay pinilit ko si Allen na ihatid ako pauwi sa bahay. Tutal ayaw niya naman na mag maneho ako mag isa edi magpapahatid nalang ako sa kaniya. Its already 9 pm in the evening. Maaga pa naman kaya magpapahatid nalang ako. Hindi naman siya nakatanggi sakin dahil pinakitaan ko siya ng nakakaawang mukha.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon