Kabanata 08

1.7K 43 0
                                    

"Oh I'm sorry Allen I thought you're already separated?" Ani ni Mr. Fernandez.

Maski ako ay nagulat rin sa sinabi ni Allen. Tinitigan ko siya ngunit diretso lang ang titig niya kay Mr. Xincheng.

"We're separated but she's still married."

"Oh well annulment nalang naman ang hinihintay bago kayo totally mag hiwalay diba?"

Hindi nakasagot si Allen sa sinabi ni Mr. Xincheng. Bakit ganito? well sinabi ni Allen sa lahat ng business partners niya na separated na kami. Tapos ngayon parang nag iba ang simoy ng hangin. Binabawi na ba niya ang sinabi niya? gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.

"Right Adi?"

"W-what?"

"Never mind." Ani ni Mr. Xincheng sabay tawa.

"Excuse us."

Hindi na ako nakapag paalam kina Mr. Xincheng, mr. Fernandez at sa dalawang taong hindi ko kilala. Maski kay Tuval ay hindi narin ako nakapag paalam dahil malakas akong hinigit ni Allen sa braso papunta sa labas ng event.

Nang makarating kami sa dalampasigan ay malakas niyang binitawan ang braso ko dahilan para mapa-aray ako.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Naalala ko na sobrang revealing pala ng suot kong gown.

"Where's your ring?" He ask.

"Ahm nasa bag."

"Bakit hindi mo suot?"

Ramdam ko nanaman ang nagagalit niyang boses. Nagsisimula nanamang uminit ang ulo ng asawa ko.

"Ahm hubarin ko daw muna sabi ni Tuval."

Hindi ito nagsalita. His phone are ringing. Hindi niya pa ito sinasagot 'nong una ngunit dahil ilang beses na itong nag ring ay sinagot na niya.

Lumayo siya sa'kin ng konti ng sinagot na niya ang tawag. Ganito naman siya palagi. Kapag may tumatawag sa kaniya ay dapat hindi ko maririnig. Kaya ako nagdududa sa kaniya dati.

Bumalik naman siya pagkalipas ng ilang segundo.

"We're still married Adriel."

"Yes you're right, and we're not separated, ikaw lang ang nagdesisyon 'non."

He sigh. "Anong klaseng babae ka? kasal pa tayo pero lumalandi kana sa iba."

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkuyom ng mga kamao ko. Kumirot ang puso ko na parang tinutusok ng matatalim na salita na sinabi sa akin ni Allen ng harap harapan.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Oo masakit magsalita si Allen. Ngunit mas nasasaktan ako sa mga sinasabi niya sa akin these days.

Ang pagpapakita ba ng galang kay Mr. Xincheng ay paglalandi? ang pagbati ba ng 'it's nice to see you' ay paglalandi?

"G-ganyan naba talaga ang tingin mo sa'kin Allen?"

Sabi ko sabay ng pagtulo ng iilang butil ng luha ko. Hindi siya nakasagot sa tanong ko.

"Kong ganon bakit kong makaasta ka kanina parang wala tayong problema? parang okay na tayo?" I wipe my tears. "You know kahit ganito ka sakin araw araw nag eexpect parin ako na magiging okay tayo. Kasi nangako tayo sa diyos diba? and I love you."

Bumuhos na ang mga luha ko. Nanghihina narin ang mga tuhod ko. Nangangalay narin ang paa ko dahil sa suot kong heels na bumabaon sa buhangin.

"Kahit isang araw lang Allen...sana tratuhin mo rin akong asawa mo kong ayaw mong maagaw ako ng iba sa'yo..."

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon