Kabanata 30

2K 57 3
                                    

Nang makabalik na kami ni Tuval sa Agency ay kaagad akong napabagsak sa malapad na sofa sa loob ng opisina niya dahil sa pagod. Mamaya ay aalis pa ulit kami para umatend sa isang tv show. Pagod na pagod ako at sumasakit narin ang paa ko dahil sa suot na heels.

Pumasok naman si Tuval habang abala sa cellphone niya at kaagad na umupo sa swivel chair. Sinundan naman iyon nila Gilcy at Veronica na may dala dalang palamig na binili nila sa labas.

"Oh inom ka muna." Inabot sakin ni Gilcy ang isang palamig. Kaagad ko naman itong kinuha at ininom.

Pakiramdam ko ay ang gaspang gaspang ng lalamunan ko dahil kanina pagkatapos namin mag lunch ay hindi na ako nakainom ng tubig dahil sa pagmamadali.

"Alam mo nakikita ko talaga na pagod na pagod ka, oh ano tara bar?"

Natawa ako ng biglang hinampas ni Veron si Gilcy sa hita. Nakita ko naman ang pagngiwi ng isa.

"Alam mong pagod na pagod na nga si Adi tapos aayain mo pa na mag bar?"

"Pampawala stress yon Veronica! kunware ka pa eh gusto mo din naman."

"Who said na gusto ko? I need to rest dahil may photoshoot ako bukas."

Tumayo si Gilcy at pabalik balik na naglalakad sa harap namin.

"We? ang dinig ko kasi LQ daw kayo 'nung nilalandi mong bartender sa paboritong bar natin nila Adi."

I turned at Veronica and then I raised my brows. Veron bite her lip.

"Huwag kang maniwala sa kaniya Adi."

"Maniwala ka sakin, kung hindi ko pa nalaman ay hindi niya sasabihin sa atin. Isa kang fake friend Veronica hindi mo sinasabi sa amin ang kalandiang ginagawa mo."

Hinayaan ko silang magtalong dalawa dahil nakita kung may message ako galing kay Emman.

(Hey love igagala ko ngayon si Nami, sama ka?)

He's talking about Nami. The daughter of Raine and Allen.

Nagtipa ako ng message para sa kaniya.

(No love, marami akong gagawin. Kayo nalang mag iingat kayo ha.)

Hindi kailanman nag kwento si Emman tungkol sa kapatid niya at sa anak nitong si Raine. Ayoko rin naman marinig ang tungkol sa kanila. Mabait naman ako kay Nami, hindi ko idinadamay ang bata sa sama ng loob ko sa mommy at daddy niya. At isa pa tapos narin naman kami ni Allen.

"Diba Adi?"

"H-ha?"

"Ganda ganda mo bingi ka." Alma ni Gilcy.

"Hey Gilcy she's texting Emman so shut up." Si Veronica naman na kinakagat kagat na ang straw ng milk tea.

"Ah basta si Allen ang manok ko, marriage is marriage."

Magsasalita pa sana ako ng biglang may kumatok at iniluwa niyon si Aster na may dala dala pang brush.

"Hello girls." Naglakad siya papalapit sa akin at may inabot na isang maliit na box.

"Ano to?"

"Aba'y hindi ko alam, delivery yan eh."

Inagaw sa akin ni Gilcy ang maliit na box. "Padala 'ata 'to sayo Ad."

Kinuha naman iyon ni Veronica sa kamay ni Gilcy at inamoy. "Hmm kahon palang ang bango na ha. Gilcy hulaan mo kung anong laman nito."

"Ano pa ba edi condom."

Malakas ko siyang nahampas ng unan. "Bastos ka."

"Eh tinanong niyo ako diba, so malamang sasagot ako."

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon