Kabanata 29

1.9K 50 3
                                    

Iniwan ko ang bulaklak sa opisina ni Tuval bago ako umalis. Ayokong dalhin sa bahay o sa kahit na saan ang mga bagay na mula kay Allen. Nag text sa akin si Emman na susunduin niya ako sa harap ng building ng agency kung saan ako nag tatrabaho. Nang makalabas ako ng building ay nadatnan ko sina Emman at Allen na seryosong nag uusap. Hindi muna ako lumapit sa kanila dahil ayokong maka istorbo. Hindi ko rin marinig kung anong pinag uusapan nila dahil masyado akong malayo.

Tinapik ni Allen ang balikat ni Emman at kaagad itong tinalikuran. Nakita ko naman na napabuntong hininga nalang si Emman. Ano kaya yung pinagusapan nila? I really want to know but I'm scared to ask.

Nakangiti akong lumapit kay Emman na ngayon ay kakaangat lang ng tingin.

"So saan tayo pupunta?" Bungad ko.

"Malalaman mo kung sasama ka sa'kin."

He's weird. What does it mean? seryoso ang mga mata niyang nakatitig ngayon sa akin. Hindi ito ang Emman na nakakausap at nakakasama ko araw araw. Hindi na ako naka alma pa ng hatakin niya ako papasok sa sasakyan niya.

At habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang sumulyap sa seryosong mukha ni Emman. Hindi rin siya nagsasalita kaya sobra akong naninibago ngayon. Nag isip ako ng paraan para basagin ang katahimikan.

"Saan mo ba talaga ako dadalhin?"

Hindi siya sumagot at ngumisi lang. What the hell? what happened to him? pero napangiti nalang ako sa naisip na baka sosorpresahin niya ako. Kagaya sa mga napapanuod ko sa tv. What if ayain niya ako ng kasal? pero hindi pa ako totally annul kay Allen. Kapag inalayan ako ni Emman ng kasal ngayon ay aasikasuhin ko na ang annulment namin ni Allen. Buo na ang desisyon ko na bibigyan ko ng pagkakataon si Emman. Dahil hindi ko naman gagawin 'to kung hindi tumitibok ang puso ko para sa kaniya.

"Emman?"

"Hm?"

"Do you have a problem? please tell me."

He sigh. "I am okay khon di."

Hindi ako naniniwala na okay siya. Kasi pakiramdam ko parang may kakaiba. Parang may bumabagabag sa kaniya. Dati ay sinasabi niya sa akin ang lahat ng problema niya. Ngayon lang siya naging ganito. Hindi ko alam kung anong dahilan kaya kailangan ko siyang pigain para malaman ko kung anong problema niya.

"I saw you and Allen talking seriously earlier. What did he tell you? iyon ba ang dahilan kung bakit nag kakaganito ka? Do you love me Emman?"

He suddenly hold my hand. And he sigh again and again.

"Hindi naman kita inagaw sa kaniya." Nag simula ng manlambot ang boses niya. "Pinabayaan ka niya Adi inayos kita ng buong buo, pagkatapos ay kukuhanin ka niya sa'kin. At sinabi niya mismo sa mukha ko na inagaw kita sa kaniya."

Hininto niya ang sasakyan sa gitna ng daan. Nilingon niya ako at hinawakan ang dalawa kung kamay. Napalunok ako ng makita ko ang namumula niyang mga mata.

"Yes I do love you Adi, I really really love you. Hindi naman kita inagaw sa kaniya diba? diba Adi?"

I nodded.

"Sinaktan ka niya, at inilayo kita sa bansang 'to para mabuo mo ulit ang sarili mo."

Muli siyang humarap. Nakita ko ang mahigpit na kapit niya sa manibela. Hinawakan ko naman ang nanggigigil niyang kamao at guminhawa naman ang pakiramdam ko ng lumambot ito.

Hindi ko alam kung anong sinabi sa kaniya ni Allen. Dahan dahan kung niyakap si Emman dahil nag simula ng bumagsak ang mga luha niya.

"Hindi ako mang-aagaw, hindi kita inagaw sa kaniya. He broke your heart, at ako ang bumuo 'nun."

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon