Kabanata 35

1.7K 45 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa mahabang sofa habang nakikinig sa sermon ni Tuval. I came here exactly 8 am and Allen brought me here. And now it's already 9:30 am pero hindi parin natatapos si Tuval sa pagsasalita.

"Do you know two works of yours are already canceled? It was TV show and six advertising! mabuti nalang meron pang natira and they willing to wait you because you're worth it! and now mamaya ang alis natin papuntang paris, tapos ni hindi kita nakitang nag practice!"

Hingal na hingal siya habang binabanggit ang bawat salita. Sobrang galit na galit siya. At nadamay rin sina Veronica at Gilcy ng dahil sakin.

"My god! ang daming nasayang na trabaho dahil sa kagagawan mo. And after the fashion show you will attend a press conference about sa relationship niyo ni Emman."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Press conference? bigla kong naalala si Emman na abala ngayon sa trabaho niya sa probinsya. Bago pa ako makapag salita ay nakalabas na si Tuval. Naiwan naman kami nila Gilcy at Veron dito sa loob ng opisina ng walang imik.

"Adi you're in a relationship with Emman and you're currently living with your ex-husband." Malungkot na sabi ni Veron.

"Nagkabalikan na ba kayo?" Si Gilcy naman na nakakunot ang noo. "Galit na galit si Tuval Adi dahil feeling niya namamangka ka sa dalawang ilog. We tried to contact you pero you can't be reach."

Napayuko ako dahil sa narinig. Walang dapat ibang sisihin dito kundi ako. Napabayaan ko ang trabaho ko dahil sa walang kwentang bagay. Walang kwenta ngaba ang makasama ko si Allen? walang kwenta ngaba ang mga araw na masaya kami? walang kwenta din ba ang nangyari samin sa mismong kwarto niya?

"She's concerned, please don't be mad at Tuval. She wants to protect you dahil may kumakalat na sa mga social media that you're a play girl."

Nilingon ko siya habang nakakunot ang noo. Ilang araw na akong walang updates about sa social media kaya hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya. Dahan dahan niyang inabot sakin ang phone na at tumumbad sa akin ang ibat-ibang news tungkol sa akin.

Adriel Jimenez is a cheater!

Popular philippine model Adriel Jimenez is cheating on her boyfriend Mr. Emman Xincheng?

Napakurap kurap ako dahil sa mga nabasa ko. Meron pa ako nakitang malandi, abusada, makati, feelingera at marami pang iba. Hindi alam ng netizens na kasal ako kay Allen. Dati ay tagong tago ako, kaya walang nakakakilala sa akin. Napasinghap nalang ako dahil alam kong nalason na ang utak ng mga netizens sa fake news. Mahirap magpaliwanag sa mga taong sarado ang utak.

Ibinalik ko kay Gilcy ang cellphone niya at napasandal nalang sa likod ng upuon. Dinadalaw nanaman ako ng kaguluhan. Paano ko sasabihin sa mga tao kung ano ngaba talaga ang totoo.

"Kailan pumutok ang balitang 'yan?" Pagod kong tanong.

"Yesterday."

"Nang pumutok ang news, bigla kaming nataranta. Iniisip namin na baka dumugin ka ng mga paparazzi dahil sa scandal na 'yon." Malungkot naman na sabi ni Veronica.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinawagan si Emman. Alam kong walang signal sa lugar kung nasan siya pero sinubukan ko parin baka naman sumagot. Pero makalipas ang ilang minuto ay hindi manlang nag ring ang phone niya.

"Hayaan mo na muna 'yan, pwede naman ire-scedule ang press conference." Inabutan ako ni Veron ng tubig.

Ininom ko 'yon para kumalma. Kinakabahan na ako sa mga susunod na mangyayare. Sigurado akong may masasaktan oras na 'yon.

Nang matapos ang usapan namin ay iginogol ko nalang ang oras ko sa pag eensayo ng paglalakad para sa fashion show. Ang sabi ni Gilcy ay dalawang fashion show ang dadaluhan namin. Ang isa ay para sa Dior at ang isa naman ay para sa Hermez Paris. Napapayuko nalang din ako kapag dadaan si Tuval sa harap ko ng hindi manlang ako tinitignan. Sobrang galit nga talaga siya dahil sa ginawa kong dumi sa agency niya.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon