EPISODE 1 (PAMILYA)

5 0 0
                                    

Jazelein's POV

"Anton, ano na naman yan? Lagi na lang bang ganito sa tuwing uuwi ako? Lasing? Jusko naman, hindi kana maawa—" malakas na sampal ang iginawad ni papa kay mama kaya di na natuloy ni mama ang pagsesermon.

Mabilis kong nilapitan si mama at tinignan ko naman si papa ng masama. Bigla namang dumapo ang mga palad nito sa mukha ko.

"Wag mo kong tingnan ng ganyan kung ayaw mong bugbugin rin kita dyan!" Bulyaw sa'kin ni papa. Niyakap ko nalang si mama at dinamayan sa paghikbi.

Ako nga pala si Jazelein Mitch Ledezma, 19 years old. At ito ang pamilya ko. Madalas si papa na nalalasing. Wala siyang ibang trabaho kundi ang makipag-inuman sa mga barkada niya. Si mama naman ay naglalabandera sa mga kapitbahay o kakilala.

Hindi madali ang naging buhay ko. At hindi ako masaya sa buhay kong ito. Bago pumunta sa eskwela nag aaway na sila, hanggang sa pag uwi ko ayun pa rin nag-aaway. Hahaha, sino ba namang may gusto sa pamilyang ganyan, tss. Mahirap na nga kami mas lalo pang naghihirap dahil sa pinaggagawa ng pamilyang ito.

"A-Ate," oww, hindi ko pa pala nabanggit. May kapatid akong lalaki, 10 years old. Siya si Raiden.

"Bakit Rai?" Pinantayan ko siya at kita ko namang may luha sa mata niya. Pinunasan ko naman ito. Ang hirap makitang umiiyak yung mga taong mahahalaga sayo.

"K-Kasi p-po tinulak ako ni papa kanina sa daan. G-Gusto ko lang naman po siyang yakapin e." Walang tigil sa pag agos ang kanyang mga luha kaya niyakap ko nalang ang kapatid ko.

Kailan pa kaya kami makakatakas sa mala-impyern0ng lugar na to? Sa maladem0nyo naming papa?

-
Maaga akong gumising para magluto ng makakain sana, kaso pagtingin ko sa kusina ni wala man lang akong nakitang pwedeng lutuin. Aba't putek na buhay to, oo. Makahingi na nga lang dun sa kapitbahay at baka mabugbog pa ako ni papa pag nagising yun na walang pagkain.

So, lumabas na nga ako at naghanap ng pwedeng hingian. Sana po lord may magbigay.

"Tao po, aling Marites? Aling Marites? Yuhoo, aling Marites?"

"Ano bang ingay na yan, nakakabulahaw kitang natutulog pa yung tao!" Pabalik na sigaw nito, pft.

"Sorry naman ho, may sasabihin lang ho sana ako sa inyo." Lumabas naman ito, ayos. Didiskartehan ko nalang to para magbigay.

"Naku, ang cute niyo naman ho pag bagong gising, nakakasilaw ho yung mukha niyo." Sabi ko. Nakakasilaw yung noo, kako. Pft

"Hehe, ikaw namang bata ka, binobola mo pa ako. Pero, totoo nga ba?" Mabilis akong tumango.

"Oo, sobra po. Kung cute ako, mas cute po kayo. Syurbol, no erase. Ikaw lang talaga yung cute, pramis." Oh, naniwala naman si Aling Marites, hehe.

"Siya nga pala, may bigas kayo? Ehem. Beke nemen he pwede makahingi?" Nagsmile ako ng pagkatamis tamis. Yung lalanggamin yung bibig ko, djoklang.

"Naku, halika nga rito. Sabi na e, naisahan mo ako hahaha. Pero alam mo yung kapitbahay natin inday Jaze, nakita ko kahapon may kasamang lalaki ang sweet sweet nila. Siguro jowa niya yun. Pero hindi naman ata kasi matanda na yung kapitbahay nating babae yung si Marita, naku. Baka sugar mommy ata siya at saka—" bago pa siya makapagsalita ng marami tinakpan ko na ang bibig niya.

"Hayy naku Aling Marites, napaka chismosa mo talaga. Kay aga aga, sus. Iniiba mo lang usapan e, ano? Magbigay ka na lang kaya sa'kin ng bigas, pramis tatanawin kong utang na loob to sayo. At hayaan niyo, makakaganti rin ako pag yumaman na ako." Sabi ko't proud na proud pa sa sariling nakahawak sa dibdib na parang nag-iispeech.

"Bibigyan naman talaga kita, at saka naaawa nga ako sayo e at sa mama at kapatid mo, lagi nalang kayong sinasaktan ng papa mo. Kung ako sa inyo ipapakulong ko yan, kakasuhan ng abuse. Saka, kay ganda ganda ng mukha mo sisirain lang ng ulupong na yun—"

"Aling Marites, kung ayaw niyo pong mabugbog ako ulit. Hehe, beke nemen dalian mo yung bigas at baka nagising na yung mahal na haring dem0nyo e mapatay pa ako." Sambit ko kaya dali dali naman siyang pumasok sa loob ng bahay nila.

Wala pang  2 minutes bumalik na siya at binigay sa akin ang bigas na mga isang kilo ata to.

"Naku, maraming maraming salamat ho talaga Aling Marites." Niyakap ko siya bilang pasasalamat sa kabutihan niya. Buti nalang at may kapitbahay kaming kagaya niya.

Nagpaalam na ako sa kanya. Hayy, sa totoo lang gusto na talaga naming mapalayo kay papa kaso andun pa rin yung hope namin ni mama na magbabago pa siya. Wala namang masama, at hindi naman imposible na magbago yung tao. Siguro one day, marerealize din ni papa na mahal na mahal namin siya kahit ganyan siya.

Tumakbo na ako para mabilis na makarating sa bahay. Pagkabukas ko sa pinto ang siyang pagdapo ng mga kamay. Kamay ni papa na sumampal sa'kin. Osy1t! Papa naman,

"San ka galing? Bakit wala pang pagkain dito? Wala ka talagang kwenta, diba sabi ko bago ako magising may pagkain na dyan sa lamesa?! P0nyeta!" Bulyaw sa'kin ni papa. Gusto ko mang sumagot pero mas minabuti ko nalang na tumahimik.

Pumunta nalang ako sa kusina at dali daling niluto ang bigas.

Mabilis akong nagluto at napansin ko naman si papa na pumasok pabalik sa kwarto.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin akong magluto sa kanin.

“Ma, pa, Raiden lumabas na kayo nakahanda na yung pagkain." Pagtawag ko sa kanila habang naglalapag ako ng mga plato at kutsara sa lamesa.

Lumabas na nga sila at umupo na sa kanya kanyang upuan.

"Ate, wala na naman ba tayong ulam?" Tiningnan ko si Raiden.

"Ano ba naman yan Jazelein kanina pa ako naghihintay sa pagkain tas wala pa lang ulam? L1ntik na buhay to! Makaalis na nga lang!" Padabog na tumayo si papa at padabog na isinara ang pinto.

"Hayaan niyo na ang papa niyo mga anak ha, masama lang ata ang gising niya." Pilit na ngiti ang pinakita ni mama. Tumayo ako at kumuha ng asin at toyo.

"Ito toyo at asin Rai, pili ka nalang ano uulamin mo at nang makapunta kana sa school." Lumungkot naman ang mukha niya kaya ginulo ko ang buhok niya.

"Hayaan mo, pag nakatrabaho na si ate masarap lagi ang uulamin natin." Nginitian ko siya at ganun din si mama.

"Opo ate."

"Ma, ano kaya kung pupunta ako sa Minerva? Total graduate na naman ako ng senior high so may tatanggap talaga sa'kin." Sabi ko kay mama.

"Anak, anlayo naman. Pwede namang dyan lang sa tabi-tabi." Saad naman niya.

"Eh ma, maganda kasi sa Minerva. Tapos papadalhan ko nalang kayo—"

"Iiwanan mo kami ate?" Bigla akong napalingon kay Raiden.

"Oo kailangan kasi Rai. Diba gusto mong kumain ng masasarap na pagkain? Pag nakapunta na si ate sa Minerva, magkakaroon na ng pera si ate. Oh diba ang saya nun? At pag maganda na yung trabaho ni ate dun, dun na rin tayo titira." Ngiting sambit ko at pinisil ng mahina ang pisngi niya.

"Iiwanan po natin si papa? Diba pangarap pa natin na magbago siya?"

"Naku mali-late kana Raiden dalian mo na ang pagkain." Sabi ni mama. Sumang-ayon naman ako para makaiwas na rin sa naging topic namin.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now