EPISODE 19 (His Love)

1 0 0
                                    

••Harry's POV••

"Ito buds, gusto ko nito." Pagtuturo ni Jazelein sa chocolate cake na nadaanan namin. Psh. Hindi ko alam anong nangyayari sa babaeng ito, pero ah ang cool niya nung mga nakaraang araw. Ganun na lang ba talaga ka high tech ang Minerva City at nabago bigla ang buds kong makulit into cool or cold? Pero hindi na bale, kahit magbago pa siya tanggap ko siya always.

"Hey buds, I said I want that chocolate cake." Heto rin oh, napapangiti ako sa tuwing nag-eenglish siya. Wala, ang astig lang niya.

"Are you okay? Mukha kang timang. Wag ka ngang ngumiti." Ito rin, ang sungit na niya masyado. Kaya nag pout nalang ako. Bigla naman siyang umiwas ng tingin. Hinila ko na siya at dinala sa may nagtitinda ng kwek kwek, fish ball, mga turo turo sa park.

"Ito ang masarap buds, diba? Lagi tayong dumadaan dito pagkauwi sa eskwela." Nginitian ko siya sabay taas ng kilay na parang pinapaalala sa kanya na ito yung paborito namin. Napatango naman siya at parang nagdadalawang isip pa na kumain nang ibigay ko sa kanya ang isang stick.

"Isip-bata. Akin na nga!" Parang naiirita ah? Pero di bale na, pinisil ko na lang yung mukha niyang napakakyutt. Nanggigigil lang talaga ako sa mukha niya at kyutt pa kasi may bangs.

"Aray naman. You always pinched my cheeks. Akala mo ikaw lang." At pinisil rin niya ang pisngi ko.

"Ang isip-bata mo talaga." Sambit niya. I don't know but it's kind of weird yung nararamdaman ko whenever I see her face. BWAHAHA napapa-english ako sa kilig ata? G*go Harry, kababata mo si Jazelein wag kang ganyan.

••Herald's POV••

"Hey, wassup dudes. San ka galing?" Bungad na tanong ko sa kararating lang na si Reiniel.

"Wala ka ng pake dun." At umakyat na sa hagdan.

"Ito talaga, psh. Ang sungit mo insan." Pahabol na sabi ko. Pinagpatuloy ko nalang ang panonood ng basketball.

Yeah, pinsan ko si Reiniel because yung mom niya at mom ko ay magkapatid. Then nakitira muna ako dito sa bahay nila because I just want to. Gusto kong makasama ang nag-iisa kong pinsan at bonding naman ganun, pero ang sungit nga lang nun sa'kin. Alam ko naman kung bakit. May bahay naman kami pero ako lang ang nandun, kaya dito muna ako sa tita ko.

While biting an apple, biglang tumabi sa'kin si Reiniel.

"How's your day with Ax, insan?" Tanong ko nang nasa TV pa rin ang tingin.

"How you know?" Pabalik na tanong niya then I smirked.

"Nababasa ko lang sa mga ngiti mo." I answered.

"Well, ang saya namin kanina." Nilingon ko siya para tingnan yung mukha niya, at nakangiti nga naman ang loko.

"It's good to know. Sana hindi mo siya sasaktan." Malungkot na ani ko.

"Tsk. Siyempre, magiging asawa ko yun." Sagot niya.

"I know. Pero hindi pa naman kayo kasal kaya pwede ko pa siyang agawin sayo." Tiningnan niya ako ng masama kaya napataas ako ng dalawang kamay.

"HAHAH relax. Be the best man win." Sambit ko at natatawa.

Yeah. Noon pa man, gusto ko na si Ax at mas lumalim pa ngayon na naging malapit na siya sa'min. I don't know, I just woke up that na gusto ko siyang agawin sa pinsan ko. Hindi naman siya gusto ni Ax,

"Kung ako sayo wag ka ng mangarap Herald. Sa'kin lang mapupunta si Ax, at ramdam kong malapit na niya akong matutunang mahalin."

"Okay okay. Pero sasaluhin ko agad siya pag sinaktan mong g*go ka." Natatawang sambit ko. Alam kong hindi ako seryoso tingnan pag ganun.

"Tsk." Then he stand up at nagtungo sa kusina.

••Reiniel's POV••

Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o kabahan sa pinagsasabi ng lokong yun, basta ang importante ay makasal kami ni Ax as soon as possible. Gusto kong maikasal na siya sa'kin dahil atat na atat na akong matupad lahat ng mga plano ko sa buhay. Siya lang ang tanging susi sa kaligayahan ko.

Kring! Kring!

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa pantalon at nakita ang caller. I smiled sweetly because the love of my life is calling me.

"Hey. . .Sure!. . . Wait me, ah yes. I'm going, bye." And I ended up the call. Nagmamadali akong lumabas sa kusina at nagpunta sa garahe. Susunduin ko siya dahil gusto niya na naman akong makita.

••Carissa's POV••

"Evon, may balita ka na ba sa assignment natin?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Wala pa, but not now Carissa I'm with Franklin tss." Sagot naman niya na ikina-irap ko.

"Edi sabaok may ka date sa weekend, tsk!" At binaba ko na ang tawag dahil sa inis.

What a good day for me. Aha! I have to call Ax, baka may nasagap na siya. I have to tell also na hindi na maganda ang nangyayari sa pagitan ni Jazelein at Reiniel.

Nakatatlong dial ako and good at sinagot na rin.

"Ax? Ang tagal mo." Panguna ko.

"Sorry, naging busy lang Carissa." Sagot niya at napabuntong-hininga naman ako.

"Where are you? Bakit ang ingay dyan? Sino yang kasama mo?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Ah, si ano. . .
Sino yang kausap mo buds? At may cellphone ka na? Ang gara ah?" Rinig ko mula sa kabilang linya. Boses lalaki. Gosh! Agad kong pinatay ang tawag at baka ako pa ang mapatay ni Ax. Lagot!

Wala akong magawang iba kundi tawagin nalang ang kakambal ni Ax, kakambal lang na mukha pero hindi talga kakambal. Binigay ko na kasi sa kanya yung pinapabigay na cellphone ni Ax at nasa akin na rin yung number.

"Hello po Carissa, napatawag ka po?" Naiilang ako sa tuwing mag po-"Po" siya sa'kin. Masyado siyang magalang, tss.

"Hi, nasa mansyon ka ba? Punta ako dyan, pwede?" Tanong ko. Wala akong magawa e. Boring dito sa headquarters. Tapos, oh sh*t may laban bukas ng gabi! Well, hindi na kami. Pero magandang manood.

"Oo nasa mansyon ako. Sige punta ka lang, maghihintay ako sa kwarto ni Ax." Sagot niya at agad kong binaba ang tawag.

Agad na akong lumabas sa headquarters namin at sumakay sa motor kong kulay green na may black. Kay Ax naman ay blue na may black and Kay Evon is pink na may black. She's sweet so as her favorite color.

Maya maya pa ay dumating na ako sa tapat ng mansyon nila Ax. Agad akong sinalubong ni Alpha 10—isa sa mga tauhan nila na nagbabantay dito sa gate.

"Magandang araw sa iyo miss Carissa. Pasok po kayo." At pinasok ko na yung motor ko. Ipinark ko yun sa malaki nilang garehe at hinubad ang helmet.

"Hello tita, good afternoon." Bati ko kay tita Mathelda nang makita siya sa sala nagbabasa ng book.

"Oh ija, napadalaw ka." Sabi niya at inayos ang salamin niya na tinitingnan ako.

"Opo e. Boring sa bahay namin. Bibisitahin ko lang sana si Ax." Sagot ko.

"Hindi ba umuwi ang mommy mo?" Tanong niya. Si mommy na lang pala ang natitira sa'kin, ulila na ako sa ama mula nung 3 years old pa lang ako.

"Mamayang gabi po tita, uuwi siya." Sagot ko naman.

"Ah ganun ba. Sige akyatin mo nalang si Ax sa kwarto niya. Labas rin kayo minsan. Btw, napapansin ko ang laki ng pinagbago niya." Nagulat ako ng bahagya dahil napansin iyon ni tita. Kaya lumingon ako sa kanya.

"Po?" Pagkaklaro ko.

"Ah nevermind ija. Akyatin mo na siya." At nagpatuloy na nga ako sa pag-akyat.

I knock her door at agad naman itong bumukas at bumungad sa'kin ang naka T-Shirt na purple si Jazelein pero para talagang si Ax. Naka pony tail naman ang buhok nito at nakikita pa rin yung bangs.

"Pasok ka dali." Agad na sabi niya.

Pinaupo niya ako sa kama niya at tumabi siya sakin.

"May ipagtatapat po sana ako."

Inilibot ko ang aking paningin at wala namang pinagbago sa kwarto ni Ax. Nilingon ko si Jazelein at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Ano kaya ang ipagtatapat niya?

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now