EPISODE 24 (Disappointment)

0 0 0
                                    

••Jazelein's POV••

Kring! Kring!

Martes na ngayon ng umaga, agaran akong napabangon ng tumunog ang alarm clock.

Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin, at lumabas na sa kwarto.

Nadatnan ko ang mommy ni Ax na bihis na bihis.

"Mom, san punta mo?" Tanong ko sa kanya na para bang nagmamadali.

"Oh Ax, good morning to you anak. Your Lola call me kani-kanina lang at kailangan niya ako dun sa States. Iiwan muna kita sa daddy mo okay? Sinabihan ko na rin siya about dito. I love you Ax, mag-iingat ka." Sambit niya at hinalikan ako sa noo. Niyakap ko naman siya.

"Kailan ang balik mo?" Tanong ko, huhuhu wala akong tiwala sa daddy ni Ax.

"I don't know, oh siya sige aalis na ako." Sambit niya habang dala-dala niya ang bag niya. Sa huling pagkakataon, hinalikan niya ako sa pisngi. Kumaway na lamang ako sa kanya at pumunta na sa kusina para kumain.

***
"Mauna ka na muna sa taas Ax, puntahan ko lang si Herald." Sabi ni Reiniel at iniwan na ako. Sinundo niya kasi ako.

Habang papaakyat sa hagdanan papuntang second floor, may tubig na biglang bumasa sa'kin. Futekk, tapos na ako maligo e bat pa nila ako binasa?

Tumingala ako sa itaas at nakitang naka cross-arm si Keilanie, yung kahapon.

"Sorry Ax, hindi ko sinasadya." Painosente pang mukhang sambit niya, ayy ganun?

"Ayos lang. Sa susunod mag-ingat nalang kayo." Nginitian ko sila at bumaba nalang at nagtungo sa locker.

Pagkatapak ko sa sahig ay masyadong madulas. Hala, mantika!

Pilit kong binabalanse ang sarili ko pero hayys, bigo ako.

"Aaarayy ko," sambit ko nang madulas at mauntog ang ulo sa sahig.

Mabuti nalang at wala pang katao-tao. Alas 7 pa naman kasi.

Tumayo nalang ako at dahan-dahang nagtungo sa locker ni Ax. Bubuksan ko na sana ang locker nito nang may palakang nagsitalon papunta sa akin.

"Wahh, palaka! Palaka! Alis kayo! Huhu!" Patalon-talon at pilit na inaalis ang mga palakang napupunta sa uniform ko. Bakit naman ganun? Takot ako sa palaka e,

Nanginginig kong binuksan ang locker at nakitang wala ng maski anong damit.

"Ngayon pa talaga? Panira naman to oh!" Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Carissa.

Pero naalala ko, wala pala akong load. Kaya nagpunta nalang muna ako sa Cr at binanlawan ang braso at paa, saka nanghilamos dahil nasubsob ako kanina sa mantika. At saka tinali ko na rin yung buhok ko, ang sakit pa naman na nauntog.

Pagkatapos ay lumabas na muna ako at maingat na dumaan sa may mantika kanina. At ayown, nakalabas na ako.

Pagkatingin ko sa relo ko ay 7:28 pa naman kaya naisipan kong magpahatid na muna sa bahay. Tinawagan ko si Reiniel, at buti sinagot niya agad.

"Hello Reiniel, pwede mo ba ako ihatid pauwi?" Tanong ko,

"Why? What happened to you?" Tanong niya pabalik.

"Basta, puntahan mo nalang ako dito sa may garden dito sa likod ng building." Sagot ko naman. Wala kasing katao-tao dito, nakakahiya kasii.

"Sige, wait me." Inantay ko siya at maya maya pa ay dumating na siya.

***
Pabalik na kami sa  school ngayon at tahimik lang ang biyahe.

"Good morning class, ahm where's Ms. Morgan?"

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now