EPISODE 16 (3 Days)

0 0 0
                                    

EPISODE 16 (3 Days)

••Jazelein's POV••

Tatlong araw na akong nanatili sa mansyon at sa paaralan ni Ax, at masasabi kong naenjoy ko naman ito. Naging malapit na ako sa mommy ni Ax at naging komportable na rin sa pakikisalamuha sa iba pang kasambahay sa mansyon. Medyo naging malapit na rin ako sa apat kong katabi at lalong lalo na kay Reiniel, ehe. Tsaroot, ayy este totoo talaga yun.

"Hey Ax, here. Masarap to." Pilit akong sinusubuan ni Reiniel sa pagkaing puro lang gulay, kaya inilingan ko ito.

"Sorry, hindi ako kumakain ng gulay e." Sabi ko.

"Ito nalang Ax, masarap itong spaghetti." At agad kong kinain ang sinubo sa'kin ni Herald. Hindi naman sa mas lamang si Herald, ano kasi e hindi talaga alam ni Reiniel ang mga gusto ko hehe.

"Tsk, stop that Herald." Biglang sabi ni Reiniel sa kabila ng pagsusubo sa'kin ni Herald.

"Ayieee nagseselos ka lang e. Sige kakainin ko nalang yang gulay para sayo," sambit ko at ngumiti.

"Ang kyutt mo talaga pag nakangiti Alexis." Bigla ba namang pinisil ni Franklin ang pisngi ko.

"Nakss, ako lang toh. Oo, alam ko yown." Maangas na sagot ko. Binitiwan naman niya ang pisngi ko. Gigil talaga? Medyo masakit yun ah.

"You know what Ax, we're glad that you've change into makulit." Sambit ni Reiniel sa'kin at nakatitig.

"And you looks more attractive with that. Nakiki bonding kana sa'min." Dagdag ni Herald kaya sa kanya naman nabaling ang tingin ko.

"Oww? HAHHAHA alam niyo kasi, lahat naman tayo nagbabago e. Pero hindi natin dapat pilitin o diktahan yung sarili natin na magbago, kasi kusa lang naman itong nangyayari e for a reason." At saka ngumiti ako. Napatulala naman sila sa'kin. At bago ko makalimutan, nasa cafeteria pala kami ngayon.

"Oi, anyare sa inyo? Ayos lang ba kayo?" Tanong ko. Actually, hindi ko sinunod ang sabi nila sa'kin na dapat gayahin ko si Ax. Hindi sa ayaw ko, pero mahirap e. Mahirap talagang pilitin baguhin yung sarili natin. Ito ako, si Jazelein at hindi si Ax. Bahala na sila kung magtaka man o ano, mas komportable ako sa ugali kong ito e.

"Ah eh, first time mo kasing magbigay ng quote o basta. Ang haba rin ng tagalog mo, hindi kana masyado nag-eenglish." Sabi ni Ruben yung may eyeglasses.

"Ah eh, hehe. Masanay na kayo simula ngayon. Wag na kayo masyado magtaka, oo nagbago nalang ako bigla." At napatango-tango sila.

"Announcement! To all students out there, please fall in line to your respective classrooms. Again, please fall in line to your respective classrooms right away." Rinig Namin mula sa speaker dito sa cafeteria. Kaya wala kaming nagawa kundi iwan ang pagkain at bumalik na sa classroom.

"Anong pakana na naman ba to? Tsk." Rinig kong sabi ni Reiniel sa gilid ko habang ang kamay niya ay nakaakbay sa'kin, shemss.

••Someone's POV••

"Natapos na natin ang isang school dito sa lugar natin, siguraduhin niyong nandito na yung hinahanap natin." Saad ko sa tauhan ko mula dito sa aking kotse.

"Opo boss, babalitaan nalang namin kayo." Tinanguan ko sila.

"Pag nahanap niyo na, alam niyo na ang gagawin." Sambit ko at isinuot ang aking shade. Sinarado ko na ang bintana ng kotse at senenyasan ang driver na umalis na.

••Jazeleins's POV••

"Ano ba naman to, pipicturan lang pala, pft." Sambit ko nang masilip sa jealousy ang nasa loob ng classroom na pinipicturan yung mga kaklase namin.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now