EPISODE 25 (There's A Change)

0 0 0
                                    

Jazelein's POV

Inaayos ko na ang sarili ko sa salamin. Tinali ko na ang buhok ko at inayos ang uniform. Nang makontento na ay kinuha ko na ang shoulder bag ko at nang mabuksan ang pinto ay tumambad sa'kin ang daddy ni Ax. Bigla naman akong kinabahan.

"A-Anong kailangan mo po?" Nanginginig na tanong ko. Bigla namang nag change ang mukha niya into worried face.

"Ax, I have to tell you this. Inasikaso ko na ang kasal ninyo ni Reiniel. I already set the schedule and it will be on May 30." Hinawakan niya ang magkabila kong braso habang sinabi niya yun.

"P-Pero..."

"Please, anak. I'm begging you. This will help our company grow. Gusto mo bang maghirap tayo? Solace Family is known as one of the richest family all over the Peerlonce country, and even us." Sambit niya ulit.

"Akala ko ba—"

"Come on Ax, hindi mo kayang maging mahirap. Hindi mo alam ang takbo ng kompanya natin, but me I know about this kasi ako yung nagmomonitor. At ang magpakasal kay Reiniel ang tanging paraan para hindi tayo bumagsak." Yung mga mata niya ay puno ng pagmamakaawa pero wala akong magagawa.

"Pag-iisipan ko pa po muna." Sabi ko at lumabas na at nilampasan siya.

***
"Mommy told me our upcoming wedding, it's on May 30."

"Alam ko." Agad kong sabi habang nasa tabi niya dito sa kotse.

"So papayag ka?" Nilingon lingon pa niya ako at ngumiti. Inilingan ko siya at napabuntong-hininga.

"Why? I thought payag ka na. Hindi pa ba sapat?" Ang masaya niyang mukha kanina ay napalitan ng lungkot.

"I don't know, ayaw ko munang pag-usapan yan." Sabi ko at hindi naman siya umimik. Nakita ko namang mahigpit niyang hinawakan ang manibela kaya bigla akong kinabahan.

***
"Ihatid na kita sa gym?" Tanong ni Reiniel pero inilingan ko siya.

"Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko." At nginitian ko siya. Siguro, iiwasan ko na lang siya simula ngayon.

"Hindi, sasamahan kita." Sabi niya. Ang kulit naman. Lumakad nalang ako pero ramdam kong sumunod siya kaya hinayaan ko nalang.

Nasa gym na kami at nakita ko naman ang iba kong kasama. Lumingon ako kay Reiniel.

"Wag mo na akong ihatid mamaya sa amin." At hindi ko na hinintay pa ang sagot niya.

Ax's POV

"Ma, ito oh uminom ka nitong gamot para agad kang gumaling." I just smiled to Tita Belen while giving her med at inalalayang mainom nito.

And btw, nakalabas na sila ng hospital. I paid all using my own money. Nagtataka man sila ay nagpapalusot na lamang ako.

"Anak, hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan." Ngumiti siya sa'kin. Si Raiden nasa loob pala ng kwarto nagpapahinga. Ayos na rin ang mga paa niya dahil naoperahan.

"Naku ma, siyempre gagawin ko ang lahat para sa inyo. Because I love you all." I smiled to her.

"Magandang umaga, may dala ako ditong ulam. Hulaan niyo kung ano." Sabay kaming napalingon ni tita Belen sa kararating lang na si Tito Anton.

"Fried Chicken!" Napalingon naman ulit kami ng may magsalita sa likuran namin. Si Raiden na kalalabas lang sa kwarto habang kusot kusot pa ang mga mata.

"Tama ang hula mo anak. Dahil si papa ay may trabaho na, makakabili na ako ng masarap na pagkain sa inyo." Nakangiting sambit ni Tito Anton. Ang saya lang because he changed. I thought hindi niya magagawa yun, but then here he is now, naging responsable ng ama at asawa.

Kumandong si Raiden sa'kin at excited na tinikman ang bagong hain na fried chicken. Kumuha naman ng plato si Tito Anton at inilapag iyon sa mesa.

"Kainan na!" We happily eat together. I wish this noon, at ngayon natupad pero sa ibang pamilya. I wish we can eat together with my daddy.

Natapos kaming kumain at pumunta na sa trabaho si Tito Anton. Si Raiden naman ay nagpapahinga na.

"Ma, magpahinga na rin po kayo." Sabi ko nang matapos maghugas. Yeah, natuto akong gumawa ng mga gawaing bahay because of Tito Anton. Ikaw ba namang hindi kung bubugbugin ka pag hindi ka kumilos. I learned also to cook.

"Sige anak. Dito na ako sa kwarto." Sagot naman ni tita Belen at pumasok na sa kwarto.

"Punta lang ako sa may water falls ma." Pagpapaalam ko. I don't know pero natuto na rin akong magpaalam.

"Sige."

***
While staring at the beautiful view of this water falls, I just remembered all the things in our mansion.

I can't imagine na mapupunta ako sa ganitong buhay, meet someone who's like my twin, make a deal with her. Ugh, naalala ko sira na image ko ngayon because of that Keilanie Collins! She's the one who uploaded that video. At sigurado akong siya rin ang may pakana nito. May gusto siya kay Reiniel, but I don't care because I don't like Reiniel. But then now, I think she has a plan pero gusto ko siyang unahan sa anumang plano niya.

Everything here is going well. Hindi na masasaktan ang pamilya ni Jazelein. Hindi na siya magwo-worry about it. Yun nga, everything is okay. So maybe, I need to be back in Minerva City.

"Ang lalim ng iniisip natin dyan ah," gulat akong napalingon sa taong bumulong sa likod ko.

"Oh buds," saad ko. Uh-oh.

"Nagulat ba kita? HAHHA sorry, para kang nakakakita ng multo pft." Natatawang sabi niya. Nag-iwas nalang ako ng tingin.

"Wala. May iniisip lang talaga ako." Sabi ko and stare again at the beautiful view.

"Ano yun? Share mo lang." Sabi niya at inakbayan ako. Ugh, naiilang talaga ako sa tuwing masyado siyang close contact sa'kin.

"Sa tingin ko ayos na naman ang pamilya ko, kaya pwede na siguro akong magtrabaho dun sa pinagkakautangan ko ng pera sa Minerva City." Sambit ko. Oo, palusot yun.

"Ilang years kang magtatrabaho? Ang laki naman kasing halaga ng nautang mo." Tanong niya habang nakaakbay pa rin sa'kin.

"Hindi naman aabutin ng years. Saka malaki kasi ang sweldo kada buwan."

"Baka iba na yan ah. Ayaw kong mapahamak ang nag-iisang maganda kong bespren." Sabi niya at pinisil ang magkabila kong pisngi. Oh sh*t ayan na naman siya, mamumula na naman ako nito.

"Nagkakamali ka ng iniisip. At saka hindi po ako mapapahamak." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Nga pala, wala kayong pasok?" Tanong ko sa kanya nang mapansing umaga naman ngayon.

"Wala, kaya dito ako nagtungo dahil wala ka sa bahay niyo." Sagot naman niya. I just sighed and nodded. Then he suddenly hugs me. Nanlaki naman bigla ang mata ko. Ugh, he's driving me uh-oh.

"Mamimiss na naman kita. Kailan ka aalis?" Sabi niya sa kalagitnaan ng aming yakapan. Para talaga siyang bata.

"Pwedeng bukas na rin." Sagot ko naman. Pero nag-aalinlangan ako. Humigpit pa ang yakap niya kaya napayakap nalang din ako sa kanya. I don't understand my feelings right now. Maybe I'll miss also this childish guy I am hugging right now.

"Ayos lang. Alam ko namang babalikan mo ako." At kumalas na siya and he pouted. I pinched his nose.

"Ang cute mo." I stated the truth.

"At gwapo." Dagdag niya sa sinabi ko kaya binatukan ko siya. Ang hangin.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now