EPISODE 13 (He's Stranger)

0 0 0
                                    

••Jazelein's POV••

Malapit na mag ala-1 kaya paakyat na ako sa classroom namin. Wala lang naman akong ibang gagawin kundi ang matulog lang daw. Tinanong ko sila kung bakit pumapasok pa rin si Ax eh matutulog lang naman pala. Sinagot naman ako nung dalawa na para lang daw sa attendance. Pero kahit na ganun daw si Ax, lagi namang perfect sa mga quizzes, oh diba? Nakakamangha? Astig talaga ni Ax, parang nagiging idol ko na siya ngayon.

"Ouch," dali-dali kong pinulot ang nahulog na libro nung babae at inabot sa kanya.

"S-Sorry." Sabi ko. Tiningnan naman niya ako nang masama pero kalaunan ay ngumiti. Bipolar lang ganern? Pft.

"Ah, it's okay Ax. Next time, you must be careful ha." Ngumiti siya sa'kin, ngiti na parang peke. Lagi akong nakakakita ng pekeng ngiti sa school ko noon, kaya kabisado ko na ang mga ngiting peke, tingnan mo lang yung mata ganun. 'Cause eyes don't lie, Charr English yown ah.

"Oum." Napatango-tango lang ako at nilagpasan na nila ako. Oo, 'nila' kasi, tatlo sila e. Sino naman kaya yun?

Napailing nalang akong naglakad ulit at nang nasa harap na ako ng room ay agad ko na binuksan ang pinto at ang kaninang maingay ay biglang tumahimik.

Agad na dumapo ang tingin ko sa upuan ko at nakita ang apat na lalaking nakatitig lang sa'kin. Nginitian ako ni Herald yung red na buhok, pero walang ekspresyon ko silang tiningnan. Kailangan kong maging si Ax.

Agad lang akong naglakad papunta sa upuan ko at agad na natulog. Nagtulog-tulugan.

••Someone's POV••

"Boss, anong plano mo ngayong bumalik na si Ax sa mansion?" Nilingon ko ang isa sa mga tauhan ko at tiningnan siya ng walang ka ekspre-ekspresyon sa mukha.

Nandito ako ngayon sa opisina ko. 2 days na rin akong nandito, hindi pa umuuwi. Pumunta naman ang tauhan ko dito at nagreport sa'kin.

Iniikot-ikot ko ang ball pen sa aking kamay.

"Hayaan na muna natin siya, bantayan niyo nalang lagi ang kilos niya. Hindi pa ngayon ang tamang oras para ligpitin siya." Sambit ko at inikot ang swivel chair patalikod.

"Yes, boss. Areglado. Aalis na ako."

"Teka," bumalik siya sa pagkakaupo at iniharap ko na naman ang swivel chair.

"Yung mga buyer, sigurado na ba yun? Walang sabit?" Tanong ko sa kanya habang naka cross-arm.

"Oo boss. Si Mr. Ching isang chinese." Sagot naman niya, napangisi naman ako.

"Sige. Magsipaghanda kayo mamayang gabi alas 10, sa lumang tulay." Sambit ko at agad ko na siyang pinaalis.

••Ax's POV••

Kanina pa akong nakahiga dito sa kama that is made of bamboo but I can't sleep. Mainit din, uhh. I need air, but they don't have electric fan. Maybe outside's fresh. Lumabas ako sa kwarto at nakita ko ang mama ni Jazelein na naghuhugas ng plato. I can't see Raiden, so where is he?

"Where's Raiden mama? Ah, eh nasan pala si Raiden?" Tanong ko kaya napalingon siya sakin.

"Oh anak, hindi ka ba nakatulog? Si Raiden nasa eskwelahan. Hapon pa ang uwi nun." Sagot naman niya and then I nodded.

"Magpapahangin lang ako mama."

"Sige anak,"

Lumabas na ako at hindi siya masyadong mainit because there's a lot of trees surrounded here. Pagkatingin ko sa relo, 1 pm na pala. Maganda pala dito, I mean the air is refreshing. Naglakad-lakad ako rito sa likod ng bahay nila Jazelein. Their house is simple though medyo nasira na rin yung bubong. I see a pathway pababa rito na parang forest. Sinundan ko ito hanggang dulo, then may mga malalaking dahon ng gabi na nakaharang. Sinubukan ko itong inalis at hindi ako nabigo dahil nakakita na naman ako ng daan. Nang iangat ko ang tingin, I am shock and can't move. Is this a paradise? Oh, a water falls. May mga coconut trees, etc na color that adds the beauty of the place. "Woah." Tanging lumabas lang sa bibig ko.

Tumingin ako sa right side ko, at nakakita ako ng isang kubo. Oh, it's amazing place! But I'm confused who's there, yeah there's somebody else except me. Papalapit na ako sa kubo at isang lalaki ang nakatalikod sa'kin.

"So ganito pala ang pagkuha ng math equation na to, yess sa wakas!" Rinig kong sabi niya kaya para ang atensyon niya tumikhim ako. And then lumingon siya sa'kin nang nakangiti. Damn, what's happening to him? Parang tanga, tsk.

"Sabi ko na e pupunta ka rito. Halika, magkwentuhan naman tayo. Namiss na kita e." Sabi niya at hinila niya ako paupo sa tabi niya. I crossed my arms at and I can't look him directly, it's awkward because he's stranger for me but he knows me as Jazelein, ugh.

"So anong nangyari sayo sa Minerva City?"

And nag-open up ako sa kanya ng puro kasinungalingan. I have to.

"So ayun, I got this new clothes, this watch and  this shoes. And those stuffs na dinala ko." Napatango-tango siya nang nakangiti na naman sa'kin at parang manghang-mangha naman siya.

"So ang bilis mong natutong magsalita ng English ah? Naalala ko pa nung bata pa tayo hate na hate mo yung English, pinagalitan mo pa ako nun kasi ini-english-an kita HAHHAHa pa'no ba kasi kagagaling lang namin nun sa America." Pagkukwento niya, napatango-tango nalang ako because I don't have any idea about it.

"Alam mo, ahm bat parang hindi ako masyadong komportable sayo ngayon, I mean..." Tumigil siya sa pagsasalita at tiningnan ang kabuuan ko, nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya 'cause I'm not also comfortable with him.

"You mean?" Tanong ko.

"HAHHA wala, wala. Pa-hug naman oh." And he pouted. Hindi man lang niya inantay ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin, uh oh this guy is such a, ugh nevermind.

Tinugunan ko ang yakap niya, I hate it but I have to. It seems they're so close with each other. Oh, naalala ko kababata pala niya ito.

Nagkwentuhan kami, well siya lang naman. Sumasabay nalang din ako sa kanya pretending that I got what he said. He's talkative parang babae, and he's funny also. Actually, medyo nakakairita talaga yung pagiging childish niya.

••Jazelein's POV••

Dahil sa pinapagawa nila sa'kin na matulog-tulugan raw ako, ayun nga nakatulog si ako. Psh, mga bad influence yown e. Nagising lang naman ako ng uwian na. So heto ako ngayon nagdadalawang-isip pa kung sasama ba ako kay Reiniel, ano ba naman kasi to. Hindi lang naman si Reiniel kundi pati si Herald inaaya akong sumabay sa kanya umuwi.

"Ax, sa'kin ka na sumabay." Sabi ni Herald.

"Hindi sasabay sayo si Ax, Herald. Sa akin siya sasabay." Masamang titig ang binigay niya kay Herald. Napunta na naman kay Herald ang tingin ko ng magsalita muli ito.

"Sa akin sasabay si Ax kasi ayaw niya sayo." Hindi nagpapatalong sabi naman ni Herald. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa dalawa na katabi ko lang.

"Ax is my fiancee kaya sa'kin siya sasabay. Wag ka na ngang makipagtalo Herald!" Ngayon ay tumaas na ang boses ni Reiniel, ehe enebe ako lang toh. Charr. Pero ako si Ax, so tumayo ako at walang pag-aalinlangang iniwan sila at lumabas na.

Rinig ko ang pagtawag nila sa'kin pero hindi ko nilingon. Nagtatalo pa rin ang dalawa, pero kunwari wala akong pakialam. Pero ang totoo talaga nyan, hehe kinikilig atay ko sa kanila uwuuu. Sanaol, haba ng hair mo self.

Biglang may humawak sa kamay ko. Oh my juices, para akong nakuryente dun ah.

"Sasabay ka sa'kin ngayon sa ayaw't sa gusto mo. Halika na." Hinila na naman niya ako.

"Si Herald?" Tanong ko na ikinaiba ng timpla ng mukha niya.

"Pinaalis ko na, tsk. Bakit ba siya hinahanap mo?" Napatango na lang ako.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa parking lot nitong school at pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat. Umikot naman siya at sumakay na sa driver seat. Bago pa niya ipaandar ang kotse ay nagsalita pa siya.

"I know you don't like me Ax at mas lalong hindi mahal. But, let me prove you that I can be your perfect husband soon. Gumagawa lang ako ng paraan para mapalapit sayo," hinawakan niya ang kamay ko. Hoyy ano ba to? Bakit hindi ako mapakali? Pag si buds yung humahawak sa kamay ko hindi naman ganito yung nararamdaman ko, eh lalaki din naman yown diba? Siguro, kasi stranger lang siya.

Dahil sa kaba ay binawi ko agad ang kamay ko at napalunok ng isang beses. Remember self, hindi Ikaw si Ax okay? Si Ax ang gusto niya, at hindi ang nagpapanggap lang. Oh kalma self, masasaktan ka lang sa katotohanan.

"Ihatid mo nalang ako sa amin," at nagsimula ng bumalot ang katahimikan sa loob ng kotse.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now