EPISODE 28 (Labanan)

0 0 0
                                    

••Ax's POV••

"Ano to? Anong ibig sabihin nito? What's going on here? Anak mo si Reiniel?" naguguluhang tanong ko. I can't believe it! How come? Tapos ako, hindi niya ako anak? What a b*llsh*t life! Ganito pala yung feelings nang sasabihan ka ng tinuturing mong daddy na hindi ka niya anak!

"Yes, Reiniel is my son. Plano kitang ipakasal sa kanya sana para pag naikasal na kayo buburahin ko na ang mga Robinson sa mundo, at kukunin namin ang lahat ng meron kayo. HAHAHAH." sagot niya naman, at tumawa pa ng maladem*nyo.

"Mommy loves you so much, but you're such a d*vil! I'm really sorry Jazelein nadamay pa kita dito. Don't worry," I said to Jazelein na ngayon ay sakal-sakal pa rin siya ni Reiniel.

••Jazelein's POV••

Hindi ako makapaniwala, a-anak si Reiniel ng tinuturing na daddy ni Ax? Napakahirap naman ng sitwasyon na to. Pero ang mas mahirap ay ang nahulog ako sa maling tao. Nagtiwala ako sa maling tao. Akala ko totoo na yung pinaparamdam niya sa'kin pero hindi pala. Budsssss, tulungan mo ako ditooo.

Hayss gusto kong sabihin ang mga iyon pero mas minabuti ko nalang na manahimik. Parang hindi si Reiniel ang nakikita ko ngayon kundi parang mukha ng dem*nyo. Juskoo po, magising na sana ako sa bangungot na to.

"Son, isakay mo na siya sa kotse. Tatapusin ko lang itong tunay na Ax. Umalis kana!" Nanlilisik ang mga matang sabi ng papa pala ni Reiniel. Ang sama sama nilaa.

"Mag-iingat ka Axxx." Sigaw ko ng tuluyan na kaming makalabas sa kwarto.

"Tumahimik ka!" Bulyaw sa'kin ni Reiniel. Tinulak ko naman siya kaya nabitawan niya ako.

Pinagsasapak ko siya dahil sa ginawa niya sa'kin. At ito na ata ang timing para magdrama.

"Niloko mo ako!//Naloko mo ako!" Sabay na sabi namin.

"Niloko mo ako Reiniel. Akala ko totoo na yung pinaparamdam mo sa'kin. Alam mo mahal na kita e, pero ang hirap ng sitwasyon ko. Alam mo yown? HAHHA naiisip ko nga na magtapat sayo pero natatakot ako kasi ang akala mo ako si Ax pero hindi. Ako si Jazelein, na siyang nagmamahal sayo. Na siyang nahulog sayo ng tuluyan at nagtiwala, naniwala sa'yo! Masakit na nga isipin na pinaparamdam mo sa'kin yun dahil akala mo si Ax ako at tuluyan akong nahulog sayo, pero mas masakit na malaman na hindi pala totoo yung pinapakita mo. Ang sama sama mo!!" Pinagsusuntok at pinagsasampal ko siya nang bigla niya akong tinutukan sa bibig ng baril. Paktayy! Oh no!

"R-Reiniel, m-maawa ka sa'kin. Wag mo akong pat*yin." Pagmamakaawa ko sa kanya dahil nanlilisik na ang mata niya sa galit at parang nababal*w na. Hindi ko lubos-maisip na naparito ako sa ganitong sitwasyon na sa mga movie ko lang nakikita.

"Kung ayaw mong pat*yin kita, tumahimik ka! HAHAHA ang galing mo rin naman. Isa ka palang impostor! Halika dito!" Kinaladkad niya ang buhok ko hanggang sa nakarating na kami sa kotse at agad niya akong pinasok sa loob.

••Third Person's POV••

"Tapusin na natin to! Ngayon pa na alam kong hindi kita tunay na ama." Nanlilisik ang mga matang sambit ni Ax at inihanda na ang baril.

"Really? HAHAHH oh baby girl, subukan mo." Nakangising sambit ni Rodelick kaya pinagbabaril ni Ax si Rodelick pero naiilagan lamang ito. Hanggang sa naubos na ang bala ni Ax.

"HAHAHA, ako naman." Nakangising sabi ni Rodelick at agad na sinipa si Ax kaya natumba naman si Ax. Pinagbabaril siya at buti nalang agad niya itong naiilagan hanggang sa tumalon siya at tumakbo sa pader. Sinuntok ni Ax si Rodelick sa leeg at pinaikutin ito.

Naglaban sila ng karate hanggang sa nagkaroon na sila ng mga pasa sa mukha.

Hindi namalayan ni Ax na nakabunot pala ng shuriken si Rodelick at agad itong naitarak sa tagiliran ni Ax na hindi niya nailagan.

Napaimpit naman sa sakit si Ax at ininda niya lamang iyon. Masama niyang tiningnan si Rodelick at bumunot ng dalawang shuriken na nakalagay sa kanyang hita.

Ginamit niya ito para patamaan si Rodelick. Mabilis ang kanyang naging kilos sa pagtambling sa may ulo ni Rodelick at doon mabilis na naitarak ni Ax ang dalawang shuriken sa ulo ni Rodelick.

"Say good bye to the world." Saad ni Ax at nag smirk.

Lumabas na siya dun sa kwarto pero bago yan, may nakita siyang mga inflammable kaya ikinalat niya ito sa buong lugar.

Nakakita siya ng isang granada mula sa sahig at nang makalabas ay agad niya itong inihagis sa buong lugar kaya sumabog na ito.

Nakita niya ang kanyang motor at agad siyang sumakay rito at nilisan ang lugar.

Sa kotse naman habang abalang nagmamaneho si Reiniel, may naisip si Jazelein. Nasa likod siya ng kotse. Nakita niya ang baril ni Reiniel na nakalagay lang sa gilid na upuan. Mabilis niya itong kinuha at tinutukan niya si Reiniel sa ulo.

"Oh relax impostor, if you will do that pareho tayong mapupunta sa langit, hmm?" Nakataas na kilay na sabi ni Reiniel pero hindi pa rin inaalis ni Jazelein ang baril sa ulo nito.

"Hindi ako takot mam@tay." Sabi ni Jazelein pero ang totoo niyan ay nanginginig na siya sa takot na nakahawak siya ng baril. First time niya kasing nakahawak ng baril at hindi niya alam kung paano ito gamitin.

"Really? Then what are you waiting for? Barilin mo na ako." Nanghahamong sambit ni Reiniel.

Napapikit na kinalabit ni Jazelein ang gatilyo dahil sa panginginig pero hindi ito pumutok. Inulit niyang muli pero nasabi na lamang ni Jazelein sa isip. 'Oopps, wala na palang bala. Fatayy!'

"HAHAHA, ang malas mo naman. Sige maupo ka nalang dyan hindi mo pa naituturo sa'kin kung saan mo nilagay ang attache case." Sambit ni Reiniel. Walang nagawa si Jazelein kundi ang maupo nalang ulit.

"Good dog." Sambit ni Reiniel kaya galit ni sinipa ni Jazelein ang inupuan ni Reiniel.

Saglit na tumahimik ang paligid. Napansin ni Jazelein na nasa tulay na sila. Ang ilalim ng tulay ay dagat.

Nakaisip na naman si Jazelein. Mabilis niyang sinakal ang leeg ni Reiniel kaya hindi na naging ayos ang takbo ng kotse. Paliko-liko na ito.

Sunod-sunod na putok ang dumapo sa kanilang kotse. Pagkalingon nila nakita nila ang nakamotor na kulay blue ang babaeng sunod-sunod na nagpaputok. Napayuko na lang si Jazelein pero patuloy pa rin ang paggulo niya kay Reiniel sa pagmamaneho.

"Tumigil ka nga! Mababangga tayo nito!" Inis na sambit ni Reiniel.

"Anong tayo? Walang tayo! Mamatay na kung mamatay!" Sambit pa ni Jazelein.

Hanggang sa ang kotse ay papabangga na sa isang malaking sementong nakaharang sa gilid.

"WAHHHHH, MABABANGGA TAYOOO!" sigaw ni Jazelein.

Iniliko ito ni Reiniel pero huli na ang lahat. Nabangga na ang kotse at kalauna'y sumabog.

Lumapit si Ax sa kotseng sumabog at hinahanap si Jazelein. Hanggang sa nagsidatingan na rin ang dalawa niyang kaibigan kasunod ang mga pulis.

Bigla namang umulan kaya namatay ang apoy. Nakita naman ni Ax ang sunog na katawan ni Reiniel. Pero hindi nila nakita ang katawan ni Jazelein.

"Ax, Ax! Nasan si Jazelein?" Tanong ni Evone at Carissa. Napatahimik nalang si Ax at naiisip ang kanyang isang salitang 'Sagot ko ang buhay niya.'

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now