EPISODE 3 (AT MINERVA CITY)

1 0 0
                                    

Third Person's POV

Habang naglilibot si Jazelein sa hindi pa nakakalahating lugar ng Minerva City napapatingin naman sa kanya ang mga tao dahil nagmumukha siyang ignorante.

Lagi siyang nakatingala sa itaas habang suot suot ang bag sa likod nito.

"Woah ang ganda talaga dito. Hindi ako nagkamali sa desisyon ko." Tila nawala sa kanyang isip ang paghahanap ng trabaho dahil nalilibang siya sa pagtingin-tingin sa paligid.

Bigla namang may humablot sa bag niya kaya agad siyang napasigaw.

"Magnanakaw! Magnanakaw, huhu tulungan niyo po ako!" Hinabol niya ito ngunit mabilis na nakatakbo ang magnanakaw at wala man lang nagtangkang tumulong sa kanya. Napaupo na lamang siya sa gilid.

"Hayss pa'no ba to? Wala na akong damit, ayy weyt gutom na pala ako. Anong oras na kaya?" Maraming tao ang nagdadaan kaya pinara niya yung isa este pinahinto pala, di pala yown sasakyan-,-.

"Ahm ale, anong oras na ho ba?" Tanong niya sa isang ale.

"Alas onse na eneng,"

"Ah maraming salamat ho." At agad na nilikot ang mga mata para humanap ng tindahan o restaurant.

Habang sa isang itim na kotse naman, mga kalalakihang nakaitim ang nagtatalo.

"Siya nga kasi yun alpha 3,"

"Paanong naging siya yun e parang pulubi nga yan kung tingnan," argumento naman ng isa.

"Tingnan mo yung mukha, diba kamukha ni senorita yan?" Turo ni alpha 3 sa kausap niyang si alpha 4.

Bigla namang nagising ang isa nilang kasama sa back seat ng kotse na walang ibang ginawa kundi ang matulog.

"Ano bang ingay yan? Natutulog pa ako rito e." Kusot-kusot ang mata habang nagsasalita si alpha 5.

"Alpha 5, ikaw ang tumingin sa babaeng ito." Sabi ni alpha 3 kay alpha 5.

"San ba dyan?"

"Yung naka T-shirt na white na madumi at naka jogging pants na black at may punit." Pagdedescribe ni alpha 3. Tiningnan naman iyon ng maigi ni alpha 5 at napaisip.

"Hmm. Kamukhang kamukha niya si señorita, sigurado akong siya yan." Ang sabi ni alpha 5 kaya napalingon sa kanya si alpha 4 na siyang nasa driver seat.

"Paano ka nakasisiguro? Baka magkamali tayo, lagot tayo kay boss." Sambit ni alpha 4.

"Isipin niyo, naglayas si señorita. Ibig sabihin nun ayaw na niya sa mansyon. Kaya para hindi na siya mabalik sa mansyon kailangan niyang mag disguise. Oh kita niyo naman yang babaeng kumakain, diba kamukhang kamukha niya? Malay nating nag disguise lang siya para di natin malaman." Napatango tango naman ang dalawa sa kanyang sinabi.

"May utak ka rin pala, ano pang hinihintay niyo? Sunduin na natin siya para hindi tayo malagot kay boss." Sambit ni alpha 4.

"Oo nga, kahapon pa tayo pinapahanap at mabuti narito lang pala siya." Saad naman ni alpha 3.

Jazelein's POV

"Yum, yummy ang sarap din pala ng pagkain dito." Nasabi ko na lamang dahil sa takam na takam ako sa mga pagkain dito.

Nag-order ako ng caldereta, adobo, spaghetti, at dalawang plato ng kanin.

Sa wakas, natapos na rin akong kumain. Bigla akong dumighay at napalakas ata kasi biglang napalingon ang mga tao sa'kin, hehe. Nag peace sign naman ako kaya nagsibalik na rin sila sa pagkain.

"Manong? Manong waiter?" Tawag ko sa waiter na agad naman akong nilapitan.

"Magkano ba lahat ng kinain ko?" Tanong ko kasi agad lang akong nag order ng di ko tinitingnan ang presyo.

"500 po lahat, ma'am." Magalang na sabi niya.

"Hanooo? 500 lahat yun? Ah e, ahm a-ano kasi 400 nalng yung pera ko. Pwede libre nalng yung 100?" Sabi ko at nagpapakyut pa sa waiter.

"Anong problema dyan?" Halaka, napatingin ako sa nagtanong. Umayy, ang laki ng katawan–este tyan pala HAHHA mukhang baboy, ayy sorry lord ang sama ko.

"Eh manager, 400 lang daw yung pera niya tapos 500 lahat ng kinain niya." Sagot ng waiter. Agad namang dumapo ang tingin ng manager sa'kin.

"Kumakain ka dito sa special restaurant na to ng walang pera—"

"May pera naman ho ako." Pambabara ko sa sinabi niya.

"May pera nga, pero kulang? Aba kami pa niloloko mo? Magbabayad ka o tatawag ako ng police?!" Tumaas ang kilay ng manager na si madam baboy. Djoklang, ansama naman nito di na lang ilibre yung 100. Fung8 kabonding.

"Maawa na ho kayo sa'kin. Kahit ano nalang ho ipapagawa niyo gagawin ko alang-alang  sa aking 100 na kulang. Ito ang aking 400 na pera," binigay ko sa kanya ang pera na agad naman nitong tinanggap. Nag-isip siya saglit saka ibinalik ang tingin sa akin.

"Sige, ikaw ang maghuhugas ng mga hugasin hanggang bukas ng 12 noon." Agad akong tumango-tango. Bigla namang may humawak sa braso ko dahilan para ako'y mapatayo sa pagkakaupo. Aray naman, sino ba to?

"Senorita, uuwi na tayo." Ang sabi ng lakaking naka itim na suit. Nagtaka naman ako. Senorita? Uuwi? Naka shabu ba siya?

"H-Ha p-po? Hindi po senorita ang pangalan ko." Sabi ko naman. Ngunit dalawa na ang nakahawak sa magkabilang braso ko.

"Sasama ka sa'min senorita. Nag-aalala na ang mommy at daddy mo." Kinaladkad nila ako. Hm. Ano bang trip nila? Sasakyan ko na lang kaya? Hays, baka mga adik tong mga to e baka mapano pa ako. Dalawang nakaitim na lalaki at nakashade pa. Para silang mga bodyguard pero what if mga adik talaga to?

Bago pa kami makalabas sa restaurant. . .

"Uyy, uyy san niyo siya dadalhin? Hindi pa yan nakakabayad ng 100." Ang sigaw ni madam baboy. Oo nga pala, dapat ay maghuhugas ako ng plato.

"Oo nga naman ho mga black in suit. May kulang pa akong 100 baka meron kayo dyan, promise mababayaran ko rin yan." Sabi ko sa mga nakaitim. Kumapa kapa naman yung isa sa bulsa niya at humugot ng 100 at lumapit siya sa manager at binigay iyon. Ayy salamat naman. Wala na akong utang dito.

Tuluyan na nga kaming lumabas habang hawak pa rin ang aking braso ng nakaitim. Medyo lumuwag ang kanyang pagkakahawak kaya kinuha ko ang pagkakataon na to para tumakbo.

Huhu, juskoo sino ba sila? Hinabol pa nila ako. Maawa na po kayo, wag niyo po sana akong maabutan. Maluha luha akong napatigil nang may humarang sa akin na sasakyan na itim. Bigla namang may lumabas na lalaki na kapareho din ng suot sa humahabol sa'kin.

Napalingon ako sa likod ko at malapit na ang dalawang humahabol sa'kin. Tatakbo na sana ako ng mahawakan na ako ng nakaitim na mula sa kotse.

"Bitawan mo ako! Ano ba! Bitiwan mo ako." Binuhat niya ako na parang sako at todo naman ang pagsuntok ko pero parang wala lang naman sa kaniya.

Hanggang sa maipasok na nila ako sa kotse.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now