EPISODE 5 (AX'S LIFE)

1 0 0
                                    

Jazelein's POV

Hinatid ako ni Manang Alicia sa isang kwarto, kwarto na sobrang lawak. Grabe, yung bahay namin parang 1/4 lang nito.

"Tawagin niyo lang po ako senorita pag may kailangan kayo." Magalang na sambit niya na tinanguan ko. Isinara ko na ang pinto at gusto kong idescribe sa inyo ang kabuuan ng kwarto.

Puno siya ng color black and blue. Siguro ito yung favorite color ni Ax daw. Maganda naman siya. May malaking kama naman at kulay blue ito na may black din. Ah basta, bawat sulok ay black and blue ang makikita mo. May mini table siya sa gilid ng kama, may cr naman, may lalagyan ng libro, may aparador, and may mga teddy bears. Sa wall naman ay plane lang siya, hindi ata artistic si Ax e.

Pumunta ako sa may maliit na library, may nakakuha naman bigla ng atensyon ko. Its cover is silver, dahil sa kuryusidad ay kinuha ko ito.

Bago ko pa buksan ang libro nang maisip kong nangangamoy pala ako at madumi. Ibinalik ko muna ang libro at sinubukan kong pumunta sa cr at tumambad sa'kin ang bathtub, oh wow! Makakatry narin akong maligo sa bathtub, may shower din yieee. Agad akong pumasok at ginamit ang bathtub.

Ang ganda sa pakiramdam. Nakakarelax palang maligo sa bathtub. Ninanamnam ko pa ang pagkakataong makaligo ng bathtub na ito.

Ax's POV

"It's unbelievable! Is that your twin or maybe she's just pretending to be you? Oh god," Carissa said then hold her head. Tsk. I must say that she's impostor.

Btw, I'm Alexis Xandria Morgan, pero Ax nalang for short. I am the daughter of Mathelda and Rodelick Morgan, apo ni madam Josephine.

Nilagyan ko ng cctv ang kwarto ko, may mga hidden things din but that's a secret. Nilagyan ko rin ng cctv ang buong mansion to monitor what's happening here habang lumayas ako.

"Maybe she's an enemy." Tanging sagot ko sa sinabi ni Carissa at sumalampak sa sofa.

Wanna know bakit ako lumayas? Well, it's because I don't wanna marry that guy, tsk. Business proposal, arrange marriage tsk. Pero hindi lang yan, may matibay akong reason why I left the mansion.

Well, parang hindi lang naman ako lumayas. Nandito lang ako sa isang puno, 5 meters away from our mansion. My hidden place, headquarter namin ng dalawa kong kaibigan. Kami lang dalawa ni Carissa ngayon kasi may nilakad ang isa naming kaibigang si Evone.

"So what's your plan about that girl?"

"K*ll her, kung kinakailangan." Madiing sambit ko.

"Oh come on Ax, ang br*tal mo talaga pft. What if pakantahin muna natin bago patayin? Tanungin natin sino nag-utos sa kanya," sambit niya. Tss.

"You will know." Sambit ko.

"HAHAHA oo na, ganyan ka naman talaga. Malalaman ko rin. Masusurprise nalang ako bigla, astig mo talaga Ax." Napangiti nalang ako bigla. Kung sino ka mang nakamaskara at nagpapanggap na ako, you will regret it. Good luck to you.

Kring! Kring!

"Ax, ako na." Sabi ni Carissa then kinuha yung phone.

"This is Tres Angheles Headquarter, what can I do for you?" Rinig kong sagot ni Carissa sa kabilang linya. Bigla naman siyang lumingon sa'kin. Tumaas naman ang isang kilay ko, waiting for her kung ano ang gusto niyang sabihin.

"The BMG wants to fight us at 10 pm sa underground." Sabi niya na at ngumiti ng nakakaloko.

"We're in." Sagot ko.

"We're in." Sagot niya sa kabilang linya.

BMG are the Black Mask Gang, ang 7th ranked sa buong underground. Tsk. As if matatalo niya kaming ranked 1 TAG, the Tres Angheles Gang. Yeh, I am a gangster, we are gangsters. I am the leader.

"Masaya to. Ilang araw na ring hindi nakatikim ng dugo itong kamao ko." Carissa said then pinagsuntok-suntok yung punching bag na malapit lang sa kanya. While me, still watching the cctv monitor sa mansion namin.

Wala pa rin si daddy, and wait? That is Reiniel's car. D*mn it. Ano kayang gagawin ng babaeng nagpapanggap na ako? You girl! If only I can go back in that mansion now, I'll beat you harder and harder hanggang sa mabasag yang mukha mo. Wag ka lang magkamali sa lalaking yan. Ayokong maikasal dyan.

"What happen to you Ax? Is there something wrong? Kumukuyom na yang kamao mo ah, haha." Napalingon naman agad ako kay Carissa and rolled my eyes.

"Whatever. Do inform Evone about this night." Sabi ko at tumihaya ulit sa sofa.

Before I close my eyes, nakita ko pang natutulog lang ang impostor na nagpapanggap na ako. Wish you bad luck on that mansion.

Jazelein's POV

Nakahiga lang ako ngayon sa napakalambot na kamang ito. Yeyy, for the first time oh charroot napapa-english tuloy ako.

Hindi naman talaga ako natutulog, pinikit ko lang yung mata ko kasi inaantok ako pero hindi naman ako makatulog.

Ang presko ko na, bagong ligo charr. Ang bango ko rin at ang ganda ng damit na napili kong suotin mula sa aparador.

Bigla kong naalala yung libro. Akma na akong tatayo para kunin yun at basahin nang biglang may kumatok sa pinto. Hayss, ayoko munang magpa istorbo.

Ano gagawin ko? Aha, magtulug-tulugan ulit ako. Nagtalukbong agad ako ng kumot. Naramdaman ko naman ang pagbukas ng pinto at ang presensya ng tao.

"Ayy tulog pala si señorita naku. Sir Reiniel balik nalang po kayo, kasi bilin sa'kin ni madam na pahihingahin po muna siya." Good. Rinig ko yang sabi ni Manang Alicia, oo kasi alam ko na yung boses niya.

"It's okay Manang, babalik nalang ako bukas." Oh my juice. Ang ganda ng boses, ackkk! Boses lalaki, naku naku ang gwapo siguro nito. What if, siya yung sinasabi ng naka black in suit na mapapangasawa? Charr, hindi pala ako si Ax.

Kinuha ko na ang pagkakatalukbong ng kumot sa'kin para tingnan ang mukha ng lalaking iyon, pero huli na ako. Nakalabas na pala sila, awts peyn pighati, lumbay, kirot, hapdi di ko man lang siya nakita. Charr. May bukas pa selp. See you tomorrow Mr. Right este Reiniel. Gosh, bat ba ako nagkakaganito? Ayos pa naman ako. Yeh, alright!

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now