EPISODE 9 (MEET THE REAL)

2 0 0
                                    

Jazelein's POV

Nagulat ako nang bigla nalang hinila ang braso ko sa 'di ko kilalang tao. Nakaitim siya at may takip ang mukha kaya di ko alam kung lalaki ba siya o babae. Tinakpan niya ang bibig ko na may panyo kaya hindi ako makasigaw, tapos nun ay parang nahihilo ako sa amoy hanggang sa napapikit nalang ako dahil sa hilo.

Nagising ako sa sobrang sakit ng sikat ng araw. Futekk naman oh, bat ako nandito?

"Dito talaga sa mainit? Psh, may puno naman tapos dito pa talaga ako inihiga? Parang gusto kong mangain ng tao ngayon, futekk na yown." Pagmamaktol ko habang papatayo galing sa pagkakahiga. Nang tuluyan na akong makatayo ay inilibot ko ang aking paningin ngunit wala namang katao-tao. Pumunta ako sa may puno dahil grabe para na akong masusunog sa init na to.

Umupo muna ako sa dito sa ilalim ng puno para magpahinga muna, oo. Galing ko lang nahiga pero nakakapagod, dahil yun sa init e.

Nang biglang may nahulog mula sa ibaba, este itaas pala. Halaka, ito yown e. Siya yung humila sa'kin kanina. Napaatras naman ako dahil papalapit siya sakin. Nakakatakot yung mata niyang mapupula, na hindi mo masasabing mata ng adik bagkus ay nakakamangha, pero nakakatakot. Hehe. Lord, sana lamunin na ako ng lupa.

"Ehe, a-ahm h-hehe. A-Ano p-pong kailangan n-ninyo s-sakin?" Utal-utal na tanong ko sa kanya habang paunti-unti na siyang lumalapit sa'kin.

Bigla niya akong sinakal sa leeg. Juskoo,

"H-Hindi a-ako makahinga. M-Maawa na p-po kayo, uhu! Uhu!" Sambit ko sa kanya dahil nahihirapan na talaga akong huminga. Lord, ito na ba ang katapusan? Ito na ba? Kung oo, tinatanggap ko po.

"Sino ka?!" Nakakatakot ang boses niya, nanindig naman ang balahibo ko.

"A-Ako si A-Ax." Sagot ko. Siyempre, ako na siya ngayon diba?

"Sinungaling!" At bigla niya akong inihagis sa damuhan. Woah, first time kung nakalipad.

"A-Aray, ang l-lakas nun ah. Nabali ata mga buto ko. Ano bang problema mo? Wala naman siguro akong atraso sayo?" Bulyaw ko naman nang napasubsob ako sa damuhan. Awts peyn, ang lakas niya ah.

Aha, baka yung totoong Ax may atraso sa kanya? Huhu, gulo ata itong napasok ko.

Nilingon ko muli ang taong naghagis sa'kin at masama ko siyang tiningnan, hmp. Papatayin ba niya ako? Futekk, yung balakang ko, ang sakit.

Dahan-dahan akong tumayo at siya namang papalapit sa'kin. Dahan-dahan niyang hinubad ang nakatakip sa mukha niya.

Nakikita ko na ang buhok niya at alam ko na kung ano siya. Isang babae! Kasi mahaba ang buhok niya.

Lumaki ang mata ko, at nagulat.

"I-Ikaw?" Gulat na sambit ko nang makita ko ang kabuuan ng mukha niya. Siya na nga ba si Ax? Ang tunay?

"Yes, this is me. The real Alexis, Xandria, Morgan. And who are you? How dare you to copy my face, or can you take off that mask, impostor?" Sabi niya at diniinan ang pangalan niya. Hindi ako makasagot sa pagkagulat. T-Totoo nga, kakambal ko ba siya? Bakit parehas kami ng mukha? At hindi naman ako nakamaskara, hindi rin ako nagpa-surgery.

"Original kaya itong mukha ko," pagdepensa ko naman.

"Original? Are you sure? O gusto mo lang kunin kung ano mang meron kami? You don't know kung pa'no ako magalit," may pagbabanta na sambit niya. Huhu, anong gagawin ko?

"Naku naku, wala akong intensyong kunin ang meron kayo noh." Malungkot na ani ko.

"Are you sure? Do you think hindi kita minomonitor? You j*rk! I am watching you," napatakip ako sa aking bibig bigla.

"Owoo, pati po ba sa pagligo at pagbibihis ko? Oh no, sabihin niyo pong hindi," puno ng pagkahiyang tanong ko.

Bigla na naman niyang sinakal ang leeg ko.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, who are you at anong kailangan mo sa pamilyang Morgan?" Hindi ko alam kung pa'no ko siya mapapaniwala.

"Chill l-lang po kayo, r-relaxx." Pagpapakalma ko sa kanya. Huhu, baka mapatay ako nitong kay gandang dilag na katulad ko. Hindi ako maka move-on. Andami kong tanong, bakit parang ako siya? Pero yung mata lang naiiba, sa kanya kasi red, sa'kin naman natural lang.

Unti-unti niyang binibitawan ang leeg ko at naglakad papunta sa puno. Siguro naiinitan siya dito sa pwesto namin? Hehe.

Sinundan ko siya at naupo sa ilalim ng puno.

"Basta hindi ako ikaw." Nasambit ko at tiningala siya na nakatayo sa may gilid ko. Umupo naman siya sa tabi ko at tiningnan ako ng masama.

"I am not you, too." Sabi niya, huhu yung boses niya nakakapanindig ng balahibo.

"Gusto mo po ba talagang malaman kung sino ako?" Panguna ko, para magpaliwanag na rin sa nangyayari at baka wala sa oras na mapatay pa ako nito, halatang galit e.

"Spill it, and you're safe." Panay English to, yun pinagkaiba rin namin, pft. Ang ganda niyang tingnan, it means maganda rin ako charr na may halong totoo.

"My name is Jazelein Mitch Ledezma, 19 years old. From Brilyante street, and I thank you." Maayos na pagpapakilala ko. Tiningnan ko naman siya na walang kaemo-emosyon.

"Madaling epeke ang pangalan, do you think I'll believe you in that way, impostor?" Hayss, hindi kasi ako impostor.

"Maniwala man kayo't sa hindi Ms. Ax, original itong mukha ko. At napadpad lang po talaga ako dito sa Minerva para maghanap ng trabaho dahil sa kahirapahan namin ng pamilya ko- ayy oo nga pala, yung pamilya ko." Bigla kong naalala ang pakay ko dito sa Minerva, para iyon kina mama, papa at Raiden,

"Why are you sad?" Bigla akong napaangat ng tingin sa kanya.

"K-Kasi, bigla kong nakalimutan ang pamilya ko. Sigurado akong nag-aantay sila sa'kin. Futekk, sarili ko lang talaga ang iniisip ko! Ang sama kong anak! Ang sama kong ate!" Hindi ko namalayan tumulo na pala ang mga luha ko. Pinahiran ko agad ito.

"Nabulag ako sa kagandahan ng mansyon po ninyo, kahit saglit ko pa lang naranasan ang maging mayaman masyado na akong nabulag. Ni hindi ko na naalala pa ang pamilya ko, kung anong naging pagkain nila, kung s-sinasaktan na n-naman b-ba s-sila ni p-papa." Bigla akong napatigil. Pa'no kung sinaktan na naman sila ni papa? Ano na kayang nangyari sa kanila?

"H-Hayaan niyo po, dahil nagpakita na po kayo aalis na ako. Hindi ko naman po intensyon na agawan ka po. Nadala lang po talaga ako sa ambisyon kong maging mayaman." Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita muli.

"Masaya rin pala, hahaha kahit saglit lang yun. Atleast pinagkaloob sa'kin ng diyos na maranasan ko yun. Kaya nagmamakaawa ako sa inyo, sa tingin ko po kasi galit na galit kayo sa'kin, wag niyo po sana akong patayin. Hayaan niyo nalang po akong makauwi pabalik sa amin," lumuhod ako sa harap niya. Ngayon ay kita ko sa mata niya ang awa.

"Do you think, paniniwalaan kita sa mga pinagsasabi mo?"

"Maniwala po kayo sa'kin-"

"Why should I believe you?" Pambabara niya. Paano nga ba?

"K-Kasi, t-totoo po akong t-tao. Sinamantala ko lang talaga sa pagkakataon e, sorry na po. Patawarin niyo na sana ako." Pagmamakaawa ko habang nakatayo siya at nakaluhod naman ako.

"Fine! Hindi sa naniniwala na ako sayo, pero sige pagbibigyan kita. I'll accept your apology, but in one condition." Nagpatango-tango naman ako.

"Mapagkakatiwalaan ba kita? Kasi kung hindi, isang bunot ko lang ng katana pugot yang ulo mo." Kinabahan naman ako bigla, huhu. Nakakatakot talaga siya, oo. Yun din pinagkaiba namin, mukha lang talaga parehas.

"O-Opo, m-mapagkakatiwalaan po ako." Sagot ko.

"Good. So this is my condition, mag deal tayo."

"Mag deal tayo."

"Mag deal tayo."

"Mag deal tayo."

Paulit-ulit sa utak ko.

Ano ito? Deal or no deal? HAHHA pero kinakabahan ako.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now