EPISODE 14 (Attache Case)

0 0 0
                                    

••Jazelein's POV••

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko, hindi pa kami nakarating sa mansion ay pinahinto ko na si Reiniel sa pagmamaneho.

"Itigil mo." Sabi ko sa kanya na hindi niya agad sinunod.

"Sabing itigil mo e." Pag-uulit ko. Tiningnan naman niya ako.

"Why? Are you still mad at me Ax?" Tanong niya sa'kin habang ang mukha nito ay nagpapaawa. Halaka, ang totoo talaga nyan naaawa ako sa kanya saka ehem, ehem parang crush ko na nga siya e, pero no way. Ayaw ko ng ganito, kaya sa ayaw at sa gusto ng aking puso susundin ko ang bilin sa'kin ni Ax, for my family. Sabi kasi niya siya na ang bahala sa mga kailanganin namin at naniniwala naman ako dun.

"Hey?" Nabalik ako sa aking katinuan ng bigla niya akong yugyugin. Napansin ko rin na huminto na pala ang sasakyan.

"Are you okay?"

"No, I'm not! Kaya bababa ako," matigas na pagkakasabi ko, uwuu English yown para na akong si Ax nun ah.

Bumaba ako sa kotse at pansin ko namang bumaba rin siya kaya nagsimula akong maglakad palayo.

Mabilis siyang nakatakbo at naharangan ako.

"At saan ka pupunta? Hindi naman dyan ang daan papunta sa mansyon niyo." Nakataas na kilay na sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

Nilagpasan ko lang siya at bigla namang nag ring ang phone niya. Nilingon ko ito at sinagot naman niya ang tawag kaya hindi na niya ako napansin na bigla nalang tumakbo ng mabilis.

Tumakbo ako ng tumakbo para hindi niya ako maabutan. At sa wakas, napadpad ako dito sa makahoy na bahagi ng kalsada. Wala masyadong bahay, at magdidilim na rin kaya nakaramdam ako ng kunting...na baka mawala siya sa piling ko, shemayy charrlang.

Humahangos na napaupo ako sa ilalim ng puno dito sa gilid ng kalsada. Nasan na ba ako? Ang bilis ko namang nakatakbo ah. Bat ba kasi ako bumaba? Ang tangekk mo talaga self, why naman bakit ganun?

Siguro kasi, hindi talaga ako komportable sa kanya. Lalo na at pasimple niyang hahawakan ang kamay ko, susulyapan, tititigan, juices! Nakakakilig kaya yown, este hehe awkward lang pala ganun.

Tumayo ako nang may makitang paparating na sasakyan. Pinara ko ito pero hindi man lang ako hinintuan, futekk naman nun.

Hindi ko alam kung anong oras na, basta ang alam ko lang nagugutom na ako. Madilim na rin, at ang nagsisilbing liwanag na lamang ay ang mga street lights dito sa kalsada.

Nagsimula akong maglakad at ramdam kong nakakatakot siya pero hindi ko na ito ininda pa. Paasa ka talaga Reiniel, hindi mo man lang ako hinanap, hmp.

Napadpad ako sa dalawang kalsada. So kailan ko pang mamili sa pagkakataong ito? Kung mamalasin ka naman oo, ayoko ko talaga ng pinapapili e.

"Mini mini my nimo, aling daan ang pipiliin ko?" At napunta ang aking hintuturo sa right na kalsada so doon nalang ako dadaan.

Nagsimula na akong naglakad sa daan na napili ko, at sa calculation ko parang nasa 20 mins na ako sa paglalakad pero wala nang mga bahay bahay na makikita. Parang lumalayo na ako sa katotohanan, hshshs. Nasan na ba kasi ako?

Isang kubo ang aking nakita, kubo na walang ilaw. Agad akong lumapit dito at naghalungkat ng makakain pero wala man lang ni kahit katiting e. Katapusan ko na ba ito? Gutom na talaga ako e kasi hapunan na ngayon.

Nahiga na lamang ako dito sa kubo at napagdesisyunan na bukas nalang ako magpapatuloy sa paglalakad at baka mapahamak pa ako.

Binalot ng katahimikan ang paligid kaya nakaramdam na rin ako ng antok hanggang sa nilamon na ako nito.

***
"Boss, paparating na sila."

"Sige, salubungin ninyo."

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na narinig ko mula sa di kalayuan. Sumilip ako sa butas nitong kubo at napansing nasa may tulay pala ako. Nakita kong may mga tao, oh my juices mga aswang ba sila? Wahhh, mama.

"Oh Mr. Ching, mabuti at nakarating ka." Sabi nung lalaki na medyo matanda na. I mean parang mga nasa 30s or 40s pa ata. At base sa itsura ng kanyang kaharap ay isang chinese. Oo, maliwanag kong nakikita ang mukha nila dahil sa liwanag ng street lights at sa liwanag ng kotse. Parang pamilyar sa'kin yung nagsalita.

"Siyempre, ako lalaki kausap. Hindi sira usapan. Asan na?" Sabi ko na barbie, este Chinese. Kung makapagsalita kasi e.

Hindi nila ako mapapansin dito sa kubo kasi madilim ang bahaging ito, pero kinakabahan pa rin ako baka makita ako, juskoo wag naman sana.

"Yung pera muna," Sabi naman nung lalaki na pamilyar sa'kin. Sinenyasan naman nung Chinese ang isa sa mga kasama niya at binuksan yung attache case at sh*t?? Limpak limpak na pera??

Anong ginagawa nila?

"Good. Sige magsabayan tayo sa gitna at doon magpalitan." Sabi nung lalaki na pamilyar sa'kin. Bali mga 3 meters away ang layo ng dalawang grupo. Nagsikanya-kanyang sensyasan sila na ang isa sa kasama nila ang maghatid sa gitna.

Tiningnan ko ng maigi ang eksena, para silang mga big time na tao at mga sindikato kung tingnan. Gaya ng mga nakikita ko sa movie, at alam kong illegal ang ginagawa nila.

Isang hakbang nalang para sa palitan ay biglang may nagsidatingan. Ang siren ng pulis ay siyang nakapag-panic sa mga taong nakikita ko samantalang ako, nanatili lang sa pagkakatago, naku noh baka mamatay pa ako ng wala sa oras pag lumabas ako.

"Boss, mga parak!"

"Lintik!"

"Sibat na!"

Nagsikanya-kanyang takbo at sakay sa kotse ang mga tao pero bigla nalang may kumalampag sa kubo. Hindi ko alam kung saan nanggaling yown, hindi ko rin naman napigilang mapatayo at futekk nakita ko yung isang lalaki na kasama ng mga tao na sa tingin ko siya ang nagtapon nun. Bigla naman siyang lumingon sa gawi ko kaya dali-dali akong tumago ulit.

"Muntik kana dun ah, futekk. Lord wag muna ngayon ah, wag mo muna ako kunin ngayon." Bulong ko at mahigpit na hinawakan ang mga kamay.

"Ano ba! Sakay na!" Rinig kong sigaw sa kung saan ha yun at muli akong sumilip sa butas. Sumakay na yung muntik ng makakita sa'kin o baka nakita nga ako? Afatayy.

Nakaalis na sila bago pa man dumating ang mga sasakyan ng pulis. Halerr? Ang tagal dumating ng pulis, mga mababagal ang kilos.

Nakita ko pa sa butas na palinga-linga sila sa paligid. Balak ko sanang magpakita pero wala akong tiwala sa mga pulis e. Siguro nalason lang ako sa panonood ng mga movie nila Rudy, Fernando, Philip, Ronnie, Cesar, Eddie at marami pang iba. Doon kasi mismong mga pulis yung mga kontrabida, pft. Hehe.

So hindi nagtagal ay nagsi-alisan na rin sila.

"Woah, nakahinga rin ako sa wakas." Mahinang sambit ko at tiningnan yung tinapon dito sa may kubo kanina.

Lumabas ako at nakita ko ang isang...attache case?? Binuksan ko ito at tumambad sa'kin ang pera, huhuness dollars. Parang mahihimatay ako sa nakita, first time kong makakita ng ganito karaming pera e at dollars pa.

May isa pang attache case akong nakita, kaya binuksan ko rin ito at bumungad sa'kin ang...tawas?? Tawas ba to? Kay rami naman ata? Charr, biro lang. Shabu ito e. Oo, shabu. Halah, anong gagawin ko?

Dadalhin ko ba ito? Parang gusto kong dalhin ito, kasi alam kong babalikan nila ito dito at marami na namang maging adik sa mga drugang ito. Sinasayang lang nila ang mga buhay ng tao lalo na ang mga kabataan.

Napagdesisyunan kong lumipat ng ibang lugar dala ang dalawang attache case at humanap ng pwedeng mapagtaguan.

Magiging ebidensya ito at magiging isa ako sa witness para madakip at matigil na ang kalokohan ng mga taong iyon. Pero ayaw ko muna ipaalam ito, magiging delikado ang buhay ko.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now