EPISODE 18 (Pasyal)

0 0 0
                                    

••Ax's POV••

Nandito ako sa likod ng bahay nila Jazelein. There's a bench here at may puno kaya hindi siya mainit. When I look at my watch it's 9 in the morning. Ako lang mag-isa. Laging umaalis ang papa ni Jazelein, ang mama naman nito ay naghahanap rin ng mapagkakakitaan. Hindi ko rin basta basta maiibigay ang mga kailanganin dito at magtaka pa sila dahil hindi pa naman ako nagtatrabaho.

Iniisip ko rin ang assignment sa amin ni King. How can we find that student with the golden star pendant necklace?

Nagresearch ako about sa kwentas na yun, at it is unique. Walang nagtitinda na nito ngayon, antique kumbaga.

It's hard to find the one who had it. Ang kailangan lamang nila ang estudyante, hindi ang kwentas, to be clear.

Alangan namang isa-isahin namin ang mga estudyante, we don't have the rights. But yeh, there's a lot of way. Pwede kaming magkunwari, etc. Pero wala ako sa mood para sa mga ganyang bagay. Gusto kong magrelax at i-refresh ang utak ko. Total, Saturday naman ngayon at next week pa naman kailangan yung estudyante. Inutusan ko na rin sila Evon at Carissa about that.

"Ehem!"

"Damn it!" Gulat na nasambit ko. He's staring at me? Gosh!

"Napapa-english ka na kung magulat ah. Sorry nagulat kita," and he smiled. Hinawakan niya yung kamay ko at pinatayo.

"What?!" Iritang tanong ko. Nanghahawak nalang bigla ng kamay e, tsk di ako sanay.

"Gala tayo, bato-bato pick. Kung sinong talo siya manlilibre." Tiningnan ko siya ng nakataas ang kilay.

"Dali na," he pouted, ackk. Childish talaga. But I admit he's cute, erase!

"Geh."

"Bato bato pick!" Then talo siya. And I don't know why I can't stop myself from laughing at him.

"HAHHAHH ikaw manlilibre." Sabi ko sa kalagitnaan ng pagtawa.

"Hindi ka titigil?" Tanong niya. Tinry kong tumigil pero natatawa talaga ako, ewan.

Umirap siya and then he turn his back to me. Ito na naman siya, ang bilis niyang magtampo.

"Hoyy wait. Sorry na. Ito, hindi na ako tatawa." Tinikom ko ang bibig ko at kinagat ang labi. He pinched my cheeks, at bigla akong napatitig sa kanya. Ugh, why is he so handsome in my sight?

"Isip-bata!" Panunukso ko at tatakbo na sana pero nahawakan pa niya ang kamay ko that cause of out of balance.

Nahiga siya habang nasa ibabaw ako sa kanya? Sh*t sh*t sh*t!

••Jazelein's POV••

Wala akong makita. Nabulag na ba ako? Sa katotohanang wala na siya? Charoot, ang drama.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Reiniel. He blind folded me dahil may surprise daw siya sa'kin. Ayieee, kinilig atay ko HAHHAH. Ang sweet niya, uwuu mainggit kayo.

"Malapit na." Sagot niya. Maya maya pa lang ay huminto na kami sa mahanging parte. Malamig rin ang hangin. Dahan-dahan niyang hinubad ang nakatakip sa mata ko.

And when I see your true color~ charr.

"Ang ganda!" Nasisiyahang sambit ko. Kulang ang salitang "beautiful" lang para madescribe sa lugar na ito. Parang ultra mega beautiful ganun.

"Nagustuhan mo?" Tanong niya na tinanguan ko.

"Sobra."

Nandito kami sa parang isang paraiso, o parang tahanan ng mga diwata. May water falls, may maraming bulaklak na nakapaligid. At may nakita akong malaking kahoy na ang kulay ng mga dahon ay yellow at kumikintab ito na parang ginto. Sa ilalim nito ay may maliit na mesa na para sa dalawa, at may dalawang upuan.

Bigla kong naalala si buds. Doon kasi sa'min may waterfalls din. Doon kami laging naliligo at naglalaro ni buds nung bata pa kami, at hanggang sa lumaki doon na rin ang aming tagpuan. Charr, pero totoo talaga namiss ko na siya. Para siyang kuya ko, at ang swerte ko na nakilala siya. Sana ayos lang siya ngayon.

"Hey, are you okay? Sabi ko let's go there." Nabalik ako sa katinuan ng marinig ang boses ni Reiniel. Tinuro niya yung lugar kung saan naroon ang malaking kahoy at nasa ilalim nito ay maliit na mesa,

Tinulungan niya akong maupo,. Charr, napaka gentleman mo naman, enebe hehe.

"This place is where my mom and dad met each other. Hindi pa ito masyadong kagandahan nun pero nang naging mag-asawa na sila, inayos nila ito at pinaganda." Sabi niya na nakatingin lang sa'kin. Iniwas ko naman ang tingin ko at tumingin sa kabuuan ng lugar.

"Tayo lang dalawa ang nandito?" Tanong ko sa kanya dahil wala akong nakikitang iba.

"Yepp. Actually, pinamana na ito sa'kin ng mga magulang ko. They said na mga espesyal lang na tao ang dadalhin ko dito." Yumuko siya at nilalaro yung kamay niya. Bigla atang namula ang pisngi ko, hshshs self kalma lang.

"S-Sino s-sino na ang nadala mo dito?" Ang bilis ng tibok ng puso ko kaya naging utal-utal na ang pagsasalita ko.

"Ikaw pa lang, except sa mommy at daddy ko." Inangat niya ang titig sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng butterfly sa stomach.

"B-Bakit a-ako?" Utal utal pa rin, paano ba kumalma?

"As I've said earlier, dinadala ko lang dito ang mga espesyal na tao." Wala na. Parang bibigay na talaga itong puso ko sa kanya. Sorry Ax, parang nahulog na ako sa magiging asawa mo.

"Ah eh, uyy shrimps masarap ito. Kain tayo." Iniba ko ang usapan nang makita ang pagkaing shrimps. Hindi na tuloy ako nagiging komportable sa kanya.

"Ah yes. Masarap ang shrimps, sa katunayan favorite ko nga yan." Sabi naman niya. Kumuha siya ng tinidor at bigla niya akong sinubuan ng shrimp.

Nagpatuloy kami sa ganung sitwasyon. Sinusubuan ko rin siya, ehe ehe. Maganda palang may jowa, now I know.

"Ax," tiningnan ko siya at napansing seryoso ang mukha niya.

"Ano yun Reiniel?" Tanong ko habang patuloy pa ring kumakain.

"May pag-asa pa bang mamahalin mo ako?" Natigil ako sa pagkain at hindi alam ang isasagot. Speechless.

'Kung ako lang naman ang tatanungin, mamahalin talaga kita Reiniel. Oo, pa-fall ka talaga. Ayaw ko ng ganito pero ginaganito mo ako. Hindi ko tuloy mapigilan yung nararamdaman ko.' sabi ng isip ko.

Hindi ko iyon pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha sa'kin. Para akong nafreeze sa ref, dahil hindi ako makagalaw sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Bago pa niya mailapit ang labi niya sa labi ko ay agad akong umiwas. Hindi. Mali ito e. Mali. Si Ax ang mahal niya, at hindi ako.

"I'm sorry Ax." Sambit niya at tumayo saka humarap sa mala-paraisong view ng lugar.

Nanatili akong nakaupo rito at iniisip ang nangyaring eksenang muntikan niya akong halikan. Wala pa akong first kiss, pero pangarap ko na sa kasal ko iyon ibibigay, hmp.

Kung alam mo lang na hindi ako si Ax, siguro hindi mo ako papansinin. Mapaglarong pag-ibig, psh.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now