EPISODE 23 (Meet Her)

0 0 0
                                    

••Jazelein's POV••

"Hindi na kami papasok, mag-iingat ka." Sabi ni Carissa sa'kin at umalis na sila.

Nasa gate na ako ngayon,

"Oh señorita, pasok kayo." Sabi nung guard at pinagbuksan ako ng gate. Nginitian ko siya at agarang pumasok na. Kinakabahan talaga ako, woah!

Dahan-dahan akong naglakad at ang tahimik na ng paligid. Umakyat na ako at nagtungo sa kwarto ni Ax. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at wala na akong nakitang tao.

Dali-dali akong nagtungo sa cabinet at salamat naman hindi niya ito nakita.

"Kakaantok na, wahh." Sambit ko at napahikab.

***
"Good morning sa inyo Manang." Sabi ko nang makapunta sa kusina.

"Good morning din senorita, nakahanda na po ang pagkain ninyo." Tumango ako at naupo na sa dining area. Bigla namang tumunog ang cellphone ko, kaya agad ko itong kinuha sa bag ko at nakita ang caller.

Ayieee, napangiti naman ako enebe.

"Hello? Good morning, susunduin mo ba ako ngayon?" Hindi man niya nakikita ay nagpapakyut talaga ako habang sabi yown, ehe.

"I'm sorry Ax, kaya ako tumawag para ipaalam sayo na hindi kita masusundo ngayon. Sige bye, I love you." Pabulong na sambit niya sa huli, owowowo, enebe.

"Ah eh, a-ayos lang." Nanginginig na sagot ko at pinatay na niya ang tawag. Siguro dahil sa laban nila kagabi kaya hindi ata siya papasok.

Kumain ako nang may ngiti sa labi, pakemo? Kinikilig ako e, charr.

"Masaya po ata kayo ngayon señorita ah," napalingon naman ako nang magsalita si Manang Alicia.

"Hehe, nahalata niyo po ba yun? Hehe, hindi naman masyado, slight lang." Natatawang sambit ko, hayss ganto pala siguro pag inlove ngingiti-ngiti na lang.

"Opo señorita, at saka po nakakapanibago po kayo." Nag-iwas ako ng tingin at nginitian ko nalang siya bilang pagsang-ayon. Ayoko ng pag-usapan yung pagbabago, huhu.

***
Naglalakad na ako ngayon sa hallway papunta sa room ko. Inaayos ko ang aking relo sa pagkakasuot nang bigla itong nahulog. Napayuko ako at kinuha yun.

"Ouuuchhh." Daing ng babae kaya agad ko siyang hinarap. Siya na naman?

"Sorry, hindi ko talaga po sinasadya." Sambit ko at yumuko. Bigla naman niyang hinawakan ang baba ko at inangat niya ang ulo ko.

"Nananadya ka ba? Well, I don't want to talk this nonsense thing. But I want you to know, akin lang si Reiniel." Sabi niya at napataas ang kilay nito. Grabe, ang maldita naman ng mukha na to. Nung una ko siyang nabangga nagsosorry pa siya, huhu. Anong gagawin ko? Laban o suko? Fight Jazelein, isipin mo ikaw si Ax.

"Really? Nakalimutan mo atang fiance ko si Reiniel," sinusubukan kong maging mataray sa kanya. Huhu, ang hirap maging mabait.

"Fiance mo nga siya, hindi pa naman kayo kasal. Pwede ko pa siyang maagaw sayo, bitch! Hindi ka mahal ni Reiniel, ha ha ha." Pekeng tumawa siya. Aba, maging palaban ka naman Jazelein. Huhu, nanginginig ako parang maiiyak ako.

"Kung makapag bitch ka ah. Ikaw namang mukhang clown na nasobrahan sa make up! Akala mo maganda ka na nyan? Hindi! At hindi magugustuhan ang gaya mo ni Reiniel! Wag ka na ngang makisingit, nakakaawa kang tingnan!" Bulyaw ko sa kanya. Agad naman niya akong sinampal. Arayy ko naman, wala namang ganyanan.

"Tingnan lang natin kung sino ang maging kaawa-awa sa huli. Ha ha ha. Hindi ako natatakot sayo. Ngayon pa lang nagmumukha ka ng kaawa-awa. Ito pa ang bagay sayo." Nag-aantay ako sa kamay niya na dadapo sa mukha ko. Napapapikit naman ako, pero bakit hindi pa rin dumadapo yung kamay niya?

I AM NOT YOUHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin