EPISODE 29 (Reveal The Secret)

0 0 0
                                    

Third Person's POV

Biglang may naisip si Ax.

"Kung wala ang katawan ni Jazelein sa kotse, maaaring nakatalon siya sa tulay! Tama!" Sambit ni Ax kaya nagmamadali ang tatlo na tumingin sa ilalim ng tulay. Nabuhayan ng loob si Ax nang makita niya ang isang katawang nakahiga sa gilid ng buhangin. Umikot sila at bumaba sa hagdan patungo doon.

"Jazeyy!" "Mitchh!" Sabay na sigaw ni Evone at Carissa habang papalapit sa katawan ni Jazelein na walang malay. Agad nila itong nilapitan.

"Oh my gosh! She needs a mouth to mouth. Nakainom siya ng mga tubig. Ax ikaw na!" Ang sabi ni Evone. Napaatras naman si Ax na animoy ayaw niya.

"What? Why me? No!!" Biglang sambit ni Ax napairap naman si Evone.

"Luh, parang ang big deal nyan sayo ah." Sabi ni Evone. Tumingin naman siya kay Carissa. "Ikaw nalang Carissa." Tumango si Carissa pero umangal si Ax.

"Bakit si Carissa? Ikaw nalang kaya total ikaw naman ang nakaisip diba?" Walang nagawa si Evone kaya siya na ang gumawa.

Biglang umubo si Jazelein at may lumabas na tubig sa bibig niya. Nang makita niya si Evone ay agad niya itong niyakap.

"Uho! Uho! Wahh, buhay akoo! Maraming salamat Evone!!" Sabi ni Jazelein habang yakap-yakap niya si Evone.

"You're welcome."

"So pa'no ka nakatalon ha?" Tanong ni Carissa.

"Ah hehe, nung sumigaw kasi ako napansin kong nasa gilid lang kami ng tulay. So gaya ng mga nakita ko sa movie tumalon ako, hehe. Ang astig ng ginawa ko diba?" Parang batang sambit ni Jazelein kaya natawa nalang sila and then nag group hug sila.

*****
Nasa mansyon na ang tatlo. Naituro at naibigay na rin ni Jazelein ang dalawang attache case na nakuha niya. At pinangakuan siya ng reward ng mga pulis.

"Jazelein." Sambit ni Ax sa kalagitnaan ng pagtitimpla niya ng kape habang ang tatlo ay nakaupo sa dining area.

Napalingon sa kanya si Jazelein na katabi lang niya.

"Ahm, first of all. Thank you. Thank you for everything. And I am really sorry dahil nadamay kita sa gulo kong ito. I used you, for my personal interest. I'm really sor—"

"Naku, ayos lang sa'kin. Wala kang dapat ihingi ng sorry Ax. Thank you rin, because of you my life has changed~ Charr lang HAHHAH. Di ito talaga, thank you kasi dahil sa nangyari andami kong naexperience, and then natutunan na rin at the same time. Hahaha di pala agad magtiwala at magpadala sa kakakilala mo lang, at yown nagsisi akong nahulog sa mokong na yown. Pft." Sabi ni Jazelein. Bigla siyang niyakap ni Ax.

"Thank you."

"Ax? Anak? Where are you?"

"Apo ko?"

Sabay na napalingon ang apat sa pinanggalingan ng boses.

"Halah! Minumulto ka na ng mommy at lola mo Ax. Lagot!" Natawa naman si Ax sa sinabi ni Jazelein.

"No. Mom we're here in the dining." Sambit ni Ax. Nalilito naman si Jazelein at magtatanong pa sana pero nakita na niyang papalapit ang mommy at lola ni Ax. Nakipagbeso pa si Ax pati si Evone at Carissa. Hindi makapaniwala si Jazelein.

"Halah?! Paanong?" Namamangha at puno ng pagkalitong sambit ni Jazelein.

"Planado ang lahat Jazelein. I'll explain it to you." Sambit ni Ax at tinap ang balikat ni Jazelein ng nakangiti.

"Alam na nila mommy at lola ang tungkol sayo. Sinadya nilang pumunta sa States para mabuko ang mga plano ng tinuring kong daddy. So ayun, nahulog sila sa bitag namin. Hindi sila patay, through the money nailantad silang namatay na. Naniwala naman ang fake daddy ko. So yun, nasabi na rin nila ang mga plano at sikreto nila." Nakacross-arm na sambit ni Ax and then smirk. Hinawakan siya ng kanyang Lola at mommy sa magkabilang balikat nito.

"Ganun pala yown? Wow, I can't believe this! Hindi ako makapaniwalang napasok ako sa lugar ng mga wais mag-isip! Uwuu, thank you! Ang astig niyo talaga! Ang saya saya ko!" Puno ng pagkagalak na sambit ni Jazelein. Hindi niya lubos maisip na mapupunta siya at makakasalamuha ng mga ganitong bagay.

"So apo, wala ka bang planong ipaalam ang sikreto mo?" Nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya ang Lola niya.

"Yes anak. I think this is the right time to tell your friends what you really is. Ayos na ang lahat, and I am sure she's happy now." Nagtataka naman ang dalawang si Evone at Carissa sa sinabi ng mommy at lola ni Ax. Napayuko naman si Ax at napapahiyang sumulyap kay Carissa.

Nag-aantay naman sila sa maaaring sabihin ni Ax. Habang paunti-unting hinuhubad ni Ax ang kanyang buhok at ang. . . kanyang maskarang sinuot. Hinubad rin niya ang fake breast sa dibdib niya. Gulat ang tatlong si Carissa, Evone at Jazelein sa nakita habang nakangiti si Madam Mathelda at Josephine. Inangat ni Ax ang kanyang tingin sa tatlong kaibigan at ang tatlo naman ay kapuwa napatakip sa kanilang bibig.

"What the—"

"A-Ax?"

May tinanggal si Ax sa kanyang leeg. Isa pala itong voice changer at natago rin nito ang Adams apple niya.

"I'm sorry Carissa, I'm sorry Evone. Dapat sinabi ko na ito sa inyo noon, but I remained silent. That's our plan." Nanigas sa kinatatayuan si Carissa at Evone.

"W-Where's Ax? The real Ax? A-And w-who are you?" Nauutal na tanong ni Carissa.

"I'm Alexon Xander Robinson, the twin brother of Alexis Xandria Robinson. My twin sister is already dead, and that's the start of our plan para alamin ang sangkot sa kamatayan niya. Nalaman namin si Rodelick pala ang pakana ng lahat." Sagot ni Ax.

"T-Tita? B-Bakit di namin alam na may kakambal si Ax?" Tanong ni Evone.

"Itinago namin siya sa ibang lugar iha. For personal purposes. We know maraming gusto kaming ipapatay because of what we have, kaya mananatiling masikreto kami at maingat, at kailangan ng maayos na plano't desisyon." Paliwanag ni Madam Mathelda. Napatango-tango naman sila.

Biglang lumapit si Ax o si Alexon Xander kay Carissa at biglang hinawakan ang kamay nito.

"Carissa, ah eh, I want to tell you something. I-I like you since I met you. Tutol ako pag magkajowa ka because I want you to be mine." Hindi makapaniwala si Carissa sa sinabi ni Ax.

"Ayieee, aweee kakilig nemen keye. Ano ka ba Ax, napakamisteryoso mo pala ehe ehe." Kinikilig na sambit ni Evone.

"Halaka! Hindi naman ako nanaginip noh? Uwuuu, ah basta supporttt! Unbelievable! Unexpected!" Sambit naman ni Jazelein.

"Ah eh. Speechless. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hehe, bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip." Naiilang na sambit ni Carissa.

"Sige kumain na muna tayo, at iuuwi na kita sa inyo Jazelein pagkatapos." Sambit ni Ax at inihanda na ng mga katulong nila ang pagkain at masaya silang kumain.

"Ahm Ax, pano yung Minerva Campus Queen?" tanong ni Jazelein sa gitna ng kainan.

"Wag mo ng probelamahin yun. Ipapaubaya nalang natin yun kay Keilanie total pabida naman yown." Sagot ni Ax kaya natawa naman sila.

"Btw Jazelein, sana hindi ka magalit sa'kin. I found something about your papa." Seryosong tinitigan ni Ax si Jazelein.

"Ano yun?" Tanong ni Jazelein.

"Uhm pa'no ba. Ah ano kasi, your papa told me that you're not his real daughter. Bunga ka raw ng kawalanghiyaan ng step father niya nun. Kaya hindi ka niya matanggap at palagi ka nalang pinag-iinitan ng ulo." Hindi namalayan ni Jazelein na lumandas na ang kanyang mga luha sa pisngi.

"E-Eh n-nasan ang tunay kong ama?" Nanginginig na tanong ni Jazelein.

"Patay na siya. Pinatay siya ng tinuring mong ama dahil sa galit niya. But don't feel mad at your not real father Jazelein, pinagsisisihan na niya ang ginawa niya sayo." Tumayo si Ax at nilapitan si Jazelein at hinagod ang likod nito.

"Wag kang mag-alala, maayos na ang pamilya mo. Gaya ng sabi ko akong bahala." Ngumiti si Jazelein at ginantihan ng yakap si Ax.

"Maraming salamat Ax sa mga nagawa mo sa'kin. Namimiss ko na sila," sambit ni Jazelein. Kumawala na sila sa pagkakayakap at binigyan ng mga payo si Jazelein ng mga naroon at masayang nagkukwentuhan habang nagpatuloy sa pagkain.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now