EPISODE 4 (MORGAN'S MANSION)

1 0 0
                                    

Jazelein's POV

Kanina pa ako namimilipit sa sakit na pagkakahawak ng dalawa sa'kin ngayon dito sa back seat ng kotse.

"Pwede ho ba mga black in suit bitiwan niyo na ako, at saka saan niyo ba ako dadalhin ha?" Sabi ko sa kanila.

"Iuuwi ka na namin sa inyo senorita. Hinahanap ka na rin ng lola mo. Hindi mo rin pwedeng takasan ang mapapangasawa mo—"

"Mapapangasawa? Hoyy ano ba, baka nagkamali lang ho kayo. Mahirap lang po ako, hindi ako nakatira sa mansyon ni mas mahirap pa nga kami sa daga e—"

"Senorita, hindi niyo kami maloloko. Kilala kang matalino, wais kong mag-isip planadong-planado kaya sumama ka nalang samin ng maayos." Sabi ng isa na nakahawak sa'kin.

Lord ano bang gagawin ko? Trip trip lang ba nila toh? Huhu, kung oo please ayaw ko nalang sumakay. Pero, what if napagkamalan lang pala nila ako? Charr, imposible namang may kamukha ako, kalokohan. Baka pinagtripan lang talaga ako nito.

"Ok sige. Pero pwede bitawan niyo na ho ako?" Sambit ko at nagkatinginan naman sila kung bibitiwan na ba ako, at kalaunan ay binitiwan na nga ako. Woah, nakahinga na rin ako ng maluwag.

Paunti-unti ng bumagal ang pagtakbo ng kotse kaya agad akong napatingin sa labas. Nakita kong may nagbukas sa. . . Owohh? Is this real?

Binuksan ang napakalaking gate na hindi ko alam kung paano yun nabuksan e wala namang tao, at halos lumuwa ang aking mata sa nakita. Halaka? Tinapik ko muna ng mahina ang aking mukha sa pag-aakalang ito'y isang panaginip, but no!

"Wow, ang laki ng bahay!" Nasambit ko na lamang. Nakita ko namang napailing ang mga black in suit.

"Ang galing talagang magpanggap ni senorita, hindi na rin dapat tayong magtaka pa." Rinig kong bulong ng isa. Wala na akong pakialam.

Pilit kong binuksan ang kotse, pa'no ba to? Hahaha ang hirap maging mahirap, huhu pati pagbukas ng kotse di ko alam.

Kaya hinayaan ko nalang na pagbuksan ako ng isang nakablack suit.

Naunang naglakad yung driver kanina at sumunod naman ako. Ramdam ko namang pumagilid yung dalawang naka black suit sa'kin. Ooww, para akong isang anak ng mayaman na may bodyguards, charr.

"Maligayang pagbabalik senorita."

"Magandang hapon po senorita."

Mga samot-saring pagbati ng mga katulong(oo kasi sa suot nila), sabay yuko na para akong isang reyna, charroot ulit. Ano ba to, sana wag na akong magising sa panaginip na ito.

Inilibot ko ang paningin, huhu ang lawak ng lugar parang hindi bahay. Ayy oo  nga pala, isa itong mansyon.

May nakita akong malaking larawan sa may gitna. Parang nasa entrance pa ito ah? Wala bang sala?

Yung nasa larawan pala ay family picture. Isang ina, ama, anak at parang lolo at lola yung nasa magkabilang gilid.

Sinundan ko lang ang nakablack suit na nauna. Lumiko siya, nang bigla kong makita ang isang larawan ng babae. Shock! Ako ba yon?

"S-Sino siya?" Tanong ko at tinuro ang malaking larawan ng isang babaeng kamukha ko. Parang matatawa naman yung isang nakablack suit.

"Sino pa ba, edi ikaw po senorita. Pft." Pigil na tawang sagot ng isa sa gilid ko. Hm.

What does it mean? What if ampon lang ako ng mama at papa ko? What if may nangyari sa pamilyang ito at nawalay ako sa kanila tapos nagkaamnesia ako kaya wala akong matandaan? Charr, nasa wattpad lang yun self ano ka ba.

Nanatili akong tahimik habang tumingin tingin sa dinaraanan. Ano ba to, kanina pa kami naglalakad hindi pa rin kami nakarating sa paroroonan. Basta masasabi ko lang talaga na ang laki ng mansyon na to. Bongga!

Kung hindi man ito panaginip, anong gagawin ko?

"Nandito na siya madam Mathelda, at madam Josephine." Bigla akong napatingin sa harap at binigyan ako ng daan, este yung matanda pala saka bigla nalang yumakap sa'kin.

"What happen to you apo, what happen to your face? Are you okay? Oh yes, finally bumalik ka rin." Ang sabi niya. Naiilang naman ako at hindi tinugunan ang yakap niya.

Nakita ko rin na papalapit yung magandang babae sa'kin at niyakap din ako.

"I'm glad that you're back, Ax. Pinag-alala mo ako ng lubos." Ax? Hindi naman Ax ang pangalan ko, at huhu panay ho kayo ng English yung dugo ko umiilong, este yung ilong ko pala dumudugo.

Gaya ng nauna, hindi ko rin tinugunan ang yakap nila hanggang sa kumawala na sila.

"Sweetie, hindi mo lang ba kami namimiss ng lola mo? And why aren't you hugging back? Is there something wrong? Are you really okay?" Sunod sunod na tanong ng magandang babae. Napatango tango na lang ako. Naiilang talaga ako. Anong gagawin ko?

Inner me: Grab this opportunity Jazelein, diba gusto mong yumaman?

Inner me: Wag Jazelein, masama ang mang-angkin ng hindi iyo. Masama rin ang magpanggap ng hindi ikaw.

Inner me: Grab this opportunity, wag kang maniwala sa ibang side mo. Sa'kin ka maniwala. Ang akala nila ikaw si Ax, pero baka ikaw nga si Ax at nagkaamnesia ka lang. Baka sila nga ang totoo mong pamilya, kaya umayos ka at ito na ang pagkakataon mo para yumaman at maranasan ang maging mayaman.

Sino ba sa kanila ang susundin ko? Siguro nga kapalaran ko ito at kailangan kong mamili kung ano ang maganda. Sa bagay, tama naman yung isang side ko. Gusto ko ngang yumaman, gusto kong magbuhay prinsesa, nakakasawa na talaga maging mahirap. What if napagkamalan lang pala ako? Or, bat naman ako pa talaga? May kamukha ba talaga ako? Ahhh, what if may kambal ako? So, sila rin yung pamilya ko? Tama!

Ito na ang desisyon ko, ang gampanan ang pagiging anak nila o tinawag nilang Ax. Kailangan kong magpanggap na siya ay ako. Pero what if bumalik siya? Ah bahala na, basta gusto kong maranasan ang maging mayaman.

"I think, she's tired mama. We must let her wash muna at papahingahin." Sabi ng magandang babae sa matandang babae.

"Alpha 4, kindly call Manang Alicia at paki asikasuhin si Ax. Pagod lang ata siya," sabi niya kaya napalingon naman ako sa likod.

Niradyohan niya ang Manang Alicia daw at wala pang isang minuto nang dumating na ito.

"Halina po kayo señorita," sambit ni Manang Alicia saka lumakad na siya na agad ko namang sinundan.

Third Person's POV

"She's dirty. What happened to her?" Ang tanong ni Mathelda sa mga naka black suit.

"Hindi po namin alam madam. Basta't nakita lang po namin siyang kumakain sa isang restaurant sa Herera Street." Ang sagot ni alpha 4.

"Are you sure na siya nga si Ax? Bakit iba ang kilos niya?" Tanong ni Josephine na siyang lola ni Ax.

"Opo, madam. Ayon kay alpha 5. Sige ipaliwanag mo,"

"Sa tingin ko po madam nagdisguise si señorita. Alam ko pong alam ninyong matalino ang anak ninyo, at baka siya'y nagpapanggap lang." Ang paliwanag ni alpha 5.

"Per—"

"Enough Mathelda, siya ang apo ko." Pambabara ni Josephine.

"Ok mom, I think she has a plan kaya niya ito ginagawa." Napatango-tango naman sila.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now