EPISODE 20 (Pagtatapat)

0 0 0
                                    

••Jazelein's POV••

"What is it? Okay ka lang ba? Tell me." Kita ko kay Carissa ang pag-aalala. Nagdadalawang-isip pa ako kung itutuloy ko pa ang pag-amin about sa nakuha kong mga attache case, or sasabihin ko nalang kaya na may naghahanap sa'kin. Hayss, bumuntong hininga muna ako saka ko hinarap si Carissa.

"Sana matulungan mo ako. May problema ako e." Napayuko ako at lumungkot ang mukha.

"About ba kay Reiniel? Don't tell me you fall in love with him?" Natigilan ako sa tanong niya. Oh my juices! Bakit yaan ang nailabas sa dila niya?

"Halaka," napatakip ako sa aking bibig. Jusko naman, napansin ba niya yun? Futekk,

Inakbayan niya ako.

"Wala namang masama kung ma fall ka man kay Reiniel Mitch, can I?" Pagbanggit niya sa second name ko. Tinanguan ko siya bilang pag sang-ayon sa tawag niya sa'kin.

"Normal lang na ma fall tayo sa isang tao, masaya yun minsan nga lang nakakatawa kung bigla nalang liliko yung tadhana." Ramdam ko ang lungkot sa kanyang tono. Makahulugan yon. Halasiya, baka nasaktan na to nun ah?

"Nagmahal ka na ba? May naging jowa kana po ba?" Tanong ko.

"Wag ka na ngang mag po, 20 pa namn ako at 19 ka so hindi tayo nagkakalayo ng edad." Natatawang sambit niya na agad kong tinanguan.

"So magkwento ka po sa'kin." Excited na tanong ko.

"Nagmahal na ako nun Mitch, niligawan niya ako at hindi nagtagal ay sinagot ko siya. To make the long story short, 5 months lang at nagbreak kami. Hahaha, nakakatawa lang kasi dalawa pala kaming pinagsabay. Pinapili ko siya kung sino sa'min yung mahal niya but then he chose my f*cking cousin!" Nakita kong tumulo ang luha niya, ayy nakaka hurt yung story niya huhu. Pinahiran ko yung luha gamit ng kamay ko.

"So ayon, takot na tuloy ako magmahal. So ang masasabi ko lang sayo ngayon, hindi masama ang mahulog sa tao but remember you're pretending as Ax." Natigilan na naman ako sa pagsampal ng katotohanan sa'kin.

"Hanggang kailan ba ako magpapanggap? Alam mo Carissa, biglaan din e. Biglaan kong napagtanto na ang boring ng araw ko pag di ko siya nakita o nakasama."

"Soon. May inaayos pa kami nina Ax. And you know what, parang nag eenjoy si Ax sa bahay niyo ah." Napangiti naman ako, ano kayang nangyari sa kanya kasama ang buds ko? Pft. Childish pa naman yun baka naiirita na yun.

"Hoyy haleerr?? May sasabihin talaga ako sayo, seryosong problema to. Bat kasi nagkukwento ka ng past mo, move on sis yun lang kalimutan ang nang-iwan." Kunyari mataray na sabi ko hehe. Pero may tanong pa ako e

"Nasa'n pala si Evon? Diba, lagi kayong magkasama nun?"

"Ah yeh. Every weekend kadate niya jowa niya." Umirap naman si Carissa. HAHHA ang bitter na niya.

"May jowa na pala yown?? Sinoo?" Wala, Marie lang hindi Marites hehe.

"Si Franklin, hindi mo alam? Akala ko Marites ka e. HAHHA" ansama.

"Kfine! Pero hoyy teka, ang daldal moo. May sasabihin kasi ako." Iritang sambit ko.

"Ikaw kaya itong madaldal, dinamay mo lang ako." Sagot naman niya, abat hindi nagpapatalo.

"Ahh basta, may sasabihin talaga ako sayo." Hinawakan ko ang makabilang balikat niya para ipa-steady yung katawan na parang electric fan, lumaki naman mata niya bigla, pft.

"May naghahanap sa'kin. Hindi pa nila ako kilala pero sure akong ako talaga yung hinahanap nila. A-Ang ibig kong sabihin. . ." Kinuha ko yung kwentas sa bulsa ko at ipinakita ito sa kanya. "Ito ang tanging palatandaan nila kung sino ang hinahanap nila." Agad niya namang kinuha ang kwentas.

I AM NOT YOUWhere stories live. Discover now